Chapter 29: Awaken

977 61 10
                                    

Chapter 29: Awaken

Sirene's Point of View

Nagising akong parang may kung anong aroma na pumapalibot sa buong lugar. Tila ba ako ay nahihipnotismo sa bango ng aromang ito.

Bumangon ako at nakita ang maaliwalas na silid. Kulay puti ang kisame at pader. Naamoy ko rin ang kakaibang halimuyak ng medisina. Nasaan ako?

Tiningnan ko ang aking sarili at nakitang iba na ang aking suot ngayon. Kulay pula na bestido at akma ito sa laki ng aking katawan. Inalala ko naman ang mga nangyari kung ba't ako napunta rito.

Naalala kong kinakapos ako ng hininga. Na nahihirapan ako. Napasinghap naman ako ng aking muling naalala ang lahat ng nangyari sa alegria. Kung paano ako namatay at nawalan ng hininga. Teka!

"Patay na ba ako?" mahina kong tanong sa sarili at kinapa kapa ang aking dibdib.

Ngunit hindi ko na maramdaman ang sakit na natamo ko nang ako ay binaril ni Gilbert. Sinuri ko ang aking dibdib pero hindi ko na nakikita ang sugat. Ibig bang sabihin buhay ako? Hindi ako makapaniwala! Pero paano?

Inangat ko naman ang aking mga kamay at uminat ng bahagya dahil pakiramdam ko'y matagal akong nakahiga pero laking gulat ko ng pag-inat ko'y biglang may tumunog. Napalunok ako at dahan-dahang hinawakan ang likod ko. Parang nabali yata ang buto ko nang tumunog ito. Pero ng aking suriin ay maayos naman ang aking likod, walang nabali. Weird.

Napa singhot naman ako ng may naamoy akong kakaibang aroma. Ito 'yong kanina ko pa naaamoy, na para bang ako'y hinihipnotismo. Papalapit ang aroma sa akin, hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan naman ako. Parang may kung anong mabilis na dabog ang nais na kumawala sa dibdib ko.

Napalunok ako ng ilang beses na para bang ako ay nauuhaw. Nanunuyo na rin ang aking lalamunan. Parang may gusto akong inumin. Tumingin ako ng mabilis sa pinto ng silid at hinihintay kung sino ang papasok, panigurado'y dala-dala nito ang mabangong pagkain na kanina ko pa gustong kainin.

Napakagat ako ng aking labi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinto. Hindi ko alam pero parang naging aktibo ang buong katawan ko na para bang gusto kong tumakbo papunta sa pinto. Pero hindi pa nga ako nakaka alis sa kama ay bigla na lamang bumukas ang pinto.

Tumambad sa akin ang isang matipunong lalaki. Matangkad ito at napaka gwapo. Tila ba ako ay naaakit sa kanya. Biglang naging matalim ang aking paningin at unti-unting sinuri ang kanyang mukha. Pamilyar ang hugis ng pagmumukha niya at doon ko lamang napagtanto kung sino iyon.

"T-Troy!" Gulat na gulat na asik ko at lalapitan na sana siya ng mabilis ng bigla na lamang siyang nagsalita dahilan upang ako'y mapatigil.

"S-Sirene." usal niya habang hinihintay ang aking gagawin.

Nakita ko rin ang pagdating ng isang matandang lalaki. Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtantong ito ay si Haring Ignacio.

"S-Sirene..." mahinahong usal ni Troy at dahan-dahan akong nilapitan na siyang ikinataka ko.

Ba't ayaw niya akong lapitan agad?

Bumaba ako sa kama at sa hindi ko inaasahan ay bigla ko na lamang naamoy ng mas malapitan ang mabangong aroma na kanina ko pa pinangigigilan. Unti-unti akong napatingin kay Troy at napasinghap.

"I-Ikaw." Hindi makapaniwalang usal ko at itinuro si Troy.

Lumapit ako ng kaunti at doon ko na nakumpirma na sa kanya nangagaling ang aromang iyon. Pero bakit? Anong nangyayari sa akin?

Napalunok ako ng ilang beses hanggang sa hindi ko na namalayang mabilis ko na palang dinamba si Troy at agad na kinagat ang leeg nito. Wala ako sa tamang wisyo ng mga oras na ito. Dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na lasapin ang kung ano mang nangagaling sa leeg ni Troy. Napatigil na lamang ako ng bigla siyang nagsalita.

The Vampire King's Beloved Onde as histórias ganham vida. Descobre agora