Chapter 5: Blood Lust

1.9K 200 61
                                    

Chapter 5: Blood Lust

Maraming nangyari sa araw na ito at pagod na pagod ang buong katawan at isipan ko. Hindi na nga namin namalayang gumagabi na pala eh.

Ngayon ay nandito na ako sa loob ng isang silid kung saan ako pinatuloy ni Troy. Dito na raw muna ako tumira sa bahay nila hanggang sa makahanap na ako ng bagong titirhan. Hindi rin naman daw magagalit ang mga magulang nila. I insisted pero sa huli ay napapayag niya pa rin ako.

Tahimik akong nakahiga sa kama habang tinitingnan ang kulay asul na kisame sa harap ko. Malaki ang buong silid at malawak din ang espasyo. Mas malaki pa nga ito kaysa sa sala na mayroon kami sa bahay. Mayroon ring mga gamit dito, may sariling banyo na mas malaki pa sa kwarto na mayroon ako sa biringan at mayroon ding sariling aparador kung saan may sari-saring damit.

Sinabi ko kay Troy kanina na sa atic na lamang ako ng bahay nila matutulog ngunit hindi siya pumayag. Hindi rin sumang-ayon ang kanyang kapatid na si Miggy. Dito talaga nila ako gustong matulog. Sa palagay ko ay guest room ito, kung saan kumpleto ang lahat ng gamit.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na mamalagi na muna rito. Napapalibutan ako ng mga bampira at nandito ako ngayon mismo sa bahay ng anak ng pinuno ng valencia. Tiyak kong mapapahamak ako iyon nga lang hindi ko mapigilan ang aking sariling maniwala sa sinabi ni Troy sa akin kanina.

"Hindi ko hahayaang saktan ka nila, Sirene. I won't."

Bakit ba ang dali kong magtiwala? O baka dahil nadala lamang ako sa paraan ng kanyang pananalita? Kung wala rin ako ngayon dito ay paniguradong nasa lansangan ako ngayon. Palaboy-laboy. Malayo ang lugar ng bahay ampunan kung saan ako kinuha ni Inay at Itay kaya mahihirapan akong bumalik doon kaya paniguradong wala akong ibang mapupuntahan.

Napatigil naman ako sa aking pag-iisip ng may narinig akong tumunog. Malakas ito't nakakagimbal. Dahan-dahan kong tiningnan ang orasan na nasa side table at napasinghap.

"Alas tres na pala?" Gulat na gulat na asik ko at napatakip ng bibig.

Tumunog na naman ang tower ng biringan at tila ba bumabalik sa akin ang lahat ng nangyari kahapon. Naalala ko kung paano ako marahas na sinakal ni Troy at kung paano niya ako muntik na patayin.

Napalunok naman ako at napasapo sa noo. Ilang oras na ba akong gising? Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na pala namalayan na tumatakbo na pala ng mabilis ang oras. Kahit pagod ako'y hindi man lang ako dinalaw ng antok. Siguro'y hindi pa rin ako makampante dahil nandito ako sa pamamahay ng isang bampira kaya heto ako't gising na gising.

Napabalikwas naman ako ng mabilis ng may marinig akong malakas na kalumpog na nanggagaling sa labas ng pinto ng kwarto. Napabuga ako ng malalim na hininga at dahan-dahang tumayo, titingnan ko kung sino ang nasa labas ng kwarto ngunit hindi pa nga ako nakakatayo ng tuloyan ay bigla na lamang akong natigilan.

Bigla akong may naalala. Alas tres na ng madaling araw, ang pagtunog din ng tower ng biringan na kahit dito'y rinig na rinig ko. Lagot! Naalala ko naman agad ang sinabi sa akin ni Troy kahapon.

"Nangyayari ang blood lust saktong alas tres ng madaling araw. Nagsimula ito ilang dekada nang nakakalipas. Kaya nga tumutunog ang tower ng biringan pag sapit ng alas tres ng madaling araw upang malaman ng mga tao na magsisimula na ang blood lust, ibig sabihin hindi kayo pwedeng lumabas kung ayaw ninyong makaharap ang isang bampirang kagaya ko kanina na wala sa katinuan."

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now