Chapter 35: Simulation Room

780 29 7
                                    

Chapter 35: Simulation Room

'Di kalaunan ay pumasok na rin ang unang guro na siyang magtuturo sa amin. Mabilis lang ang mga pangyayari. Ipinakilala ako sa buong klase dahil bago ako. Narinig ko rin ang ibang bulongan ng mga kaklase namin na sinasabing maayos na nga ba ako at kaya na nga bang mag-aral dahil sa nangyaring pagdakip sa akin ni Gilbert sa alegria. Hindi ko na lamang iyon binigyan ng tuon at nagsimula na ring makinig sa klase. Mangha nga ako sa paraan ng pagtuturo ni Ginoong Hector, maayos at naiintindihan mo talaga ang bawat itinuturo niya. Hindi ka mabo-bored.

Natapos ang klase at sumunod naman agad ang pangalawang asignatura. Hanggang sa break time na namin. It's 11:30. Mamayang 1:30 ang balik namin.

Ngayon ay kasama ko si Troy, Clark, Rain na humabol sa klase kanina at si Gail na kakatapos lang din. Papunta kaming cafeteria ngayon at kakain.

Nakapokus ang aking tingin sa daan ng bigla na lamang akong may naramdamang tatama sa likuran ko kaya agad akong gumalaw at in just a span of time ay napunta na ako sa likuran ng babaeng nagtapon ng bola sa akin.

"Hi!" asik ko at nginitian siya.

"S-Sirene!" gulat niyang wika.

Napatawa naman ako. Malaking tulong nga ang ibinigay ng abilidad na ito sa akin. Dahil kung wala pa akong abilidad ay natamaan na siguro ako no'n.

Sumunod din sa akin sina Troy. Dala-dala ngayon ni Rain ang bola na dapat ay tatama sa akin.

"Sydney?" gulat na tanong ni Troy pagkalapit niya sa akin.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Troy, ngunit takot na tiningnan lang kami ni Sydney.

Alam kong plinano niya talagang tamaan ako ng bola, iyon nga lang nakalimutan niya sigurong bampira na ako. O baka hindi niya pa alam?

"Balak mo ba akong saktan?" tanong ko.

Nakita ko naman ang pagbilog ng mga mata niya. "H-Hindi! Hindi ko sinasadya Sirene. T-Troy you know me! Hindi ko kayang manakit." pag-depensa niya sa kanyang sarili.

Tiningnan ko naman si Troy habang nakataas ang aking kilay. Maniniwala ba siya sa sinasabi ng babaeng 'to? Ewan ko ba pero pagdating sa babaeng 'to ay 'di talaga ako komportable.
"Nagsisinungaling ka Sydney at hindi kita... kilala." giit ni Troy, nakakunot itong nakatingin sa kaniya.

"Bakit mo naman ihahagis ang bola patungo kay Sirene, Sydney? Naglalaro ka ba ng ganito? Atsaka bakit mayroon ka nito?" singit ni Rain sabay taas ng bola.

"A-Akala ko kasi a-ano..." she paused. "Hindi ko kasi inaakala na baka matamaan siya. Sorry." aniya sabay tingin sa akin.

Ngumiti naman ako. "Okay lang. Hindi mo naman siguro sinasadya talaga."

Tiningnan ko si Troy at tinangoan. "Tayo na." tanging nasabi ko na lang.

Ayaw ko nang gulo dahil nagsisimula na ring magkumpulan ang mga estudyante atsaka bola lang naman iyon. Hindi naman ako mamamatay dahil do'n.

Sumunod na lamang sila sa akin at hindi na nagsalita pa. Iniwan na rin ni Rain ang bola kay Sydney. Naiisip kong ang babaw ng ginawa ni Sydney sa akin kung hindi niya talaga iyon sinasadya. Galit siguro dahil hindi siya pinapansin ni Troy.

Natapos ang buong araw at maayos namana ang lahat. Wala ng ibang nangyari bukod sa klase. Minsan nga ay tahimik kong ginagamit ang kapangyarihan ko. Nakikinig ako sa mga bulongan 'di kalayuan sa silid, tinitingnan ko rin ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway, sa itaas ng palapag ng kastilyo at nasilip ko nga rin si Gail sa silid niya.

"Ipasa na natin ito." anyaya sa akin ni Troy.

Tiningnan ko naman ang dala niyang mga dokumento. Marami siyang dalang papel, kasali na ang akin sa dala niya. Ipapasa namin ang mga ibinigay na task sa amin ng bawat guro upang makahabol kami sa klase. Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula noong una akong pumasok sa akademya at so far maayos naman ang pakikitungo ng lahat sa akin. Hindi na rin ganoon lumalapit si Sydney sa amin, hindi ko naman alam kung bakit.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now