Chapter 28: A Vampire's Bite

1K 69 13
                                    

Chapter 28: A Vampire's Bite

Third Person's Point of View

Nakaluhod pa rin si Troy sa labas ng silid kung saan ginagamot si Sirene. Nakita niya ring tinitingnan na rin siya ng ibang mga bampirang sumunod sa loob ng ospital. Sa kadahilanang hindi lahat ng bampira ay may angking taglay na gamutin ang kanilang sarili, ay naisipan ni Haring Ignacio na maglagay ng pagamutan dito sa loob ng valencia.

Ang mga doctor at manggagamot dito ay may angking taglay na makapag gamot ng mga bampira, kahit anong sakit o sugat ang natamo nito. Ang pangamba lamang ni Troy ay baka hindi magamot si Sirene dahil bumaon ang bala sa kanyang dibdib.

"M-master!"

Napadungaw naman si Troy at napalapit si Reyna Emma at si Miggy sa pinto ng silid. Nakita nila ang pag isteriko ng lahat ng nasa silid. Tila kinakabahan sila at 'di alam ang gagawin.

"N-Nawawala ang pulso niya. Mahina na siya m-master." Marahang usal ng doctor na ikinatayo ni Troy.

"K-Kapag ipagpapatuloy namin ang siruhiya ay paniguradong hindi niya makakayanan dahil nawawala na s-siya."

Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. Tila nanlumo si Troy at agad na tiningnan si Sirene.

"Hindi ba't may abilidad kayong gumamot ng bampira kahit anong lalim pa ng sugat nito kaya bakit hindi niyo mailigtas si Sirene!" galit na bulyaw ni Troy at agad na pumasok sa loob ng silid.

Malawak ang espayo ng silid, malinis at organisado. Pagkapasok ni Troy ay tumambad sa kanya ang walang kulay na katawan ni Sirene. Nanlalamig ito't namumutla.

Hindi alam nang lahat ng bampirang nasa loob kung ano ang iniisip ng prinsipe sa oras na iyon pero alam nilang pinipilit ng prinsipe na isipin na maililigtas pa si Sirene kahit ang totoo ay maliit na porsyento na lamang ang mayroon na ito'y mabubuhay pa.

"Kapag pipilitin naming operahan siya at gamutin ay walang kasiguradohan na mabubuhay siya m-master. Matagal na akong hindi nangagamot ng mortal na tao at ako lamang ang may kakayahang operahan siya ngayon pero kung pipilitin natin itong gawin ay mas lalo lamang siya mapapahamak. Maraming dugo na ang nawala sa kanya master."

Napaigting naman ang baga ni Troy ng marinig iyon sa doctor. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Anong ibig niyang sabihin? Iyan ang katanongang nasa isipan ni Troy. Hahayaan na lang ba nilang mawala si Sirene?

Akala ni Troy ay maililigtas nila si Sirene pero iyon pala ay hindi. Nagsisimula ng mamula ang mga mata ni Troy, nag u-umapaw na ang galit sa buong katawan niya.

Nakatingin siya kay Sirene at nakikita niya ang hindi balanse nitong paghinga. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng doctor para tulongan si Sirene basta ang naiisip niya lang ay galit siya.

"Anak."

Napatigil naman sila sa loob ng marinig na nagsalita ang reyna na si Emma. Nilapitan niya si Troy at tinapik sa balikat.

"H-Hindi na natin siya maisasalba anak. Wala tayo sa lugar ng mga mortal na tao para pa operahan siya. P-Pero.."

Napatigil ang reyna at binigyan ng tingin si Sirene.

"May isa pa tayong pwedeng gawin." usal ng reyna, na agad namang tiningnan ni Troy.

Gulat na gulat siya, iniisip niya kung ano pa ang pwedeng gawin para iligtas siya.

Hindi makikita sa istura ni Troy na ito ay nangangamba para sa kanyang sinisinta pero sa kaloob-looban nito ay nasasaktan siya. Na wari ba'y pinapatay na rin siya lalo nang makita ang kalagayan ni Sirene. Gusto na rin niyang magpakamatay kung hindi man niya makakasama ang iniibig.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now