Chapter 37: Under the Tree

709 33 12
                                    

Chapter 37: Under the Tree

R-18. Read at your own risk. Konti lang naman he he.

***

"Ang galing mo, Sirene!" bungad sa akin ni Rain.

Nginitian lang ako ni Clark at ginawadan ko din naman iyon ng ngiti.

"Tsamba! Akala ko ilang oras ang aabutin ko eh." sagot ko pagka-upo sa tabi ni Troy.

"Hindi 'yon tsamba, Sirene. You really did amaze everyone." asik ni Troy sa tabi ko at tumango tango pa si Rain sa kaniya.

Parang nahihiya pa akong tumingin kay Troy ngayon. Ang nakalaban ko ay... kamukha niya. It's weird and awkward.

"Akala ko talaga ikaw 'yon kanina." bulong ko kay Troy.

Natigil naman ako ng maramdaman ang pag haplos ng kamay ni Troy sa noo ko. Pinupunasan niya ang noo ko. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko.

"Akala ko nga rin ay ma di-distract ka at matatagalan. Buti naman at.. hindi." aniya.

Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Tumigil siya sa pagpunas sa pawisang noo ko at tinitigan ako.

"Akala ni Mr. Revero ay mahihirapan ka. But, I doubt that. Magaling ka at matalino. Akala niya siguro ay mahihirapan ka 'pag... mahal mo ang makakalaban mo." sagot niya.

Napaawang naman ang aking bibig sa kanyang sinabi. Ang lakas ng tiwala niya sa sarili niyang mahal ko talaga siya, ah! Well... totoo nga naman.

"Pero... muntik na rin iyon. Kung hindi lang ako nakabalik sa katotohanan ay baka natagalan pa ako sa loob." sabi ko sa mababang boses.

Inaalala kong muntik na rin akong maniwalang si Troy nga iyon. Kung hindi lang dahil sa boses na sumigaw sa isipan ko ay paniguradong nandoon pa rin ako sa simulation room o baka kung nakalabas ako ay napuruhan.

"Congratulations, everyone! You exceeded my expectations for today. Training, dismissed!" pukaw ng atensyon sa amin ni Mr. Revero.

Natapos na pala ang lalaking sumunod sa akin sa simulation room. Siya na pala ang huli?

Binigyan lamang kami ng kaunting mensahe ni Mr. Revero bago kami nagsitayuan para makaalis na.

"Gusto mong magpahinga muna? Wala tayong schedule ngayon." utas ni Troy pagkalabas namin sa training hall.

Napataas naman ang isa kong kilay ng makita ang mabilis na pagiwas ng direksyon ni Rain sa amin. Saan kaya 'yon pupunta? Napanguso naman ako ng makita ang malapit na si Clark at Sydney.

"Hayaan mo nalang sila." sabi ni Troy sa akin sa gilid at napatawa ng mapansin ang pagtataka sa aking mukha.

Nagkibikit-balikat na lamang ako at hindi na lang sila pinansin.

"Uwi na tayo, Troy. Magpahinga muna tayo." anyaya ko sa kaniya.

Tumango naman siya sa akin at sumang-ayon. Pero napatigil ako ng tumigil din siya bigla.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

Tiningnan naman ako ni Troy bago niya inilibot ang kanyang paningin.

"Halika, may ipapakita ako sa'yo! Kung okay lang naman... sa'yo?" utas niya sabay kagat ng kanyang labi.

Napatawa naman ako ng makitang nahihiya siya. Sumabay pa sa hangin ang kanyang magulong buhok.

"Ofcourse, Troy. Ano ba 'yan?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at nginitian lang. Hinila niya ang aking kamay at bumalik sa direksyon papuntang training hall. Akala ko'y babalik kami sa loob iyon pala'y sa likod kami ng training hall dadaan.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now