Chapter 13: Special Weapon

1.1K 146 41
                                    

Chapter 13: Special Weapon

Sirene's Point of View

"Sirene..."

"Sirene..."

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Troy sa harap ko na nakahalandusay sa sahig.

Anong nangyayari sa kanya?

"Troy!" tawag ko sakanya ngunit parang hindi niya ako naririnig.

Anong nangyari sakanya? Nandito ba siya para sagipin ako?

Nakita ko namang mabilis na lumapit sa kanya si Rain at ang iba pang mga kasamahan nila. Agad nilang kinuha si Troy dahilan upang mabahala ako.

"No, no! Rain teka lang!" tawag ko ngunit hindi nila ako pinapansin.

"Nandito ako!" sigaw ko.

"Troooy!"

Ngunit para lamang akong bulang hindi nila nakikita.

Napatingin naman ako sa katawan ko at nagtaka kung ba't hindi nila ako nakikita. Nandito lang naman ako. Buong buo.

Teka, ano bang nangyari? Akala ko mamamatay na ako.

"Tsk tsk tsk. Kawawang Troy."

Napatingin naman ako sa aking gilid ng makita si Kael na nasa gilid ko. Ang walanghiya!

"Anong ginawa niyo!" malakas na sigaw ko sakanya ngunit nginitian niya lang ako.

"Huwag kang mag-alala hindi ka namin papatayin. Gagamitin ka lang naman naming bilang armas. Laban sa mga taong mahal mo at nagmamahal sa'yo." wika niya na ikanakuyom ng mga kamay ko.

Lalapitan ko na sana ng biglang nag sink in sa akin si Troy. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa leeg.

"Saan ka pupunta?"

Inirapan ko naman siya. "Ano ba! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko sakanya.

"Tama lang talaga ang ginawa namin. Ilang segundo lang ay makakalimutan mo na ang lahat. At magkakaroon ka na ng ibang pagkatao," huminto siya at binitawan ako.

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin dahil sa huling pagkakataon ay nasilayan mo pa ang ppagmumukha ni Troy? Bilang si Sirene?" wika nito na ikinabigla ko.

"Anong ginawa niyo!" sigaw ko at napadaing ng malakas ng maramdaman ang pagsakit ng ulo ko.

Na para bang kinukuha lahat ng mga nalalaman ko.

"Noooo, nooo, noooo!"

Napaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"A-nong gi-na-wa niyo?" takot na tanong ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa sahig at unti unting nawawalan ng malay.



Nagising ako ng maramdaman ang pagkulo ng sikmura ko. Nagugutom na ako.

Bumangon ako at itinaas ang dalawang mga kamay ko. Napasulyap ako sa side table at napasinghap ng makita ang oras.

"8:00 am."

Kaya pala nagugutom na ako. Sabay hawak sa tiyan ko. Napahinto naman ako at inilibot ang tingin sa buong paligid.

Pinalilibutan ako ng mga palamuti. Magandang aroma at mga mamahaling gamit.

Tumayo agad ako at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Wala pa ring nagbabago." I whisphered.

Mahaba pa rin ang mala kulay pula kong buhok. Kahit anong gupit ko naman talaga dito para umiksi eh ayaw parin namang gumana dahil hahaba at hahaba pa rin ito.

The Vampire King's Beloved Место, где живут истории. Откройте их для себя