Chapter 38: The Mating

934 46 6
                                    

Chapter 38: The Mating

R-18. Read at your own risk. Hindi ako expert pagdating sa ganitong scenes kaya pagtiyagaan niyo na. Wild he he.

***

Nagising ako kinabuksan dahil sa lamig na pumapalibot sa buong silid. Umuulan na naman sa labas.

"Kanina pa umuulan, hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil."

Gulat akong napasulyap sa gilid ng kama at nakita si Troy sa dulong bahagi, nakasandal sa pader. Kanina pa ba siya diyan?

Tumikhim ako at napabangon. "A-Ah talaga?" tipid kong tanong.

Nahihiya ako sa kaniya. Pagkatapos kong malaman kahapon na ngayon na pala ang araw ng mating process na sinasabi nila Ginoong Greg ay hindi ko na alam kung paano siya haharapin.

Sa pagkakaintindi ko sa mangyayari, ang mating ay ang pagsasama ng dalawang itinakda. Natatakot ako at kinakabahan. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano kaya siguro sasabay na lang ako sa kung ano ang mangyari sa araw na 'to.

"Baba na tayo. Kanina pa sila naghihintay sa ating dalawa." asik niya sa baritonong boses.

Tumango ako at agad na tumayo. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Nakasuot lang naman ako ng shirt at pajama. Okay na siguro ito. Pagkababa namin ay agad na tumambad sa amin si Tita Emma, Haring Ignacio at Rain na tahimik na naghihintay sa breakfast table.

"Mom." tawag ni Troy kay tita Emma.

Lumiwanag naman ang mga mukha nila ng makita kami.

"Pasensya na po at naghintay pa kayo." pag-paumanhin ko bago umupo.

"No, it's okay iha. Upo ka na Troy at kumain na tayo." sabi ni tita Emma.

Umupo si Troy sa tabi ko. Sa harap namin ay si Rain at sa bawat dulo ay si Haring Ignacio at Tita Emma. Nakasanayan ko ng tawagin siyang tita kaya minsan nakakalimutan kong reyna pala siya. Napahagikgik ako ng kaunti dahil doon.

"So Troy, Sirene? Alam niyo na siguro kung anong araw ngayon?" tusong tanong ni Haring Ignacio.

Napayuko naman ako dahil doon. "Yes, dad." sagot ni Troy.

Nakita ko naman ang pag ngisi ni Rain pero nang sinamaan ko siya ng tingin ay iniwas niya lang ang tingin niya na para bang walang narinig.

"I know this day will happen. Masaya akong magkasama na ulit kayo." si tita Emma.

Nginitian ko naman siya at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ang daming pagsubok na pinagdaanan ninyo. Siguro naman ay oras na para lumigaya kayo. Anak, Sirene. Alam kong bata pa kayo pero alam niyo naman sigurong kakaiba tayo. Hindi tayo kagaya ng mga mortal na namumuhay ng normal. May responsibilidad tayo, kayo. Kaya kahit alam kong hindi pa kayo handa ay alam niyo na sigurong buo na ang desisyon namin na pagtapos niyo ng advance education ay ililipat na namin sa inyo ang trono." sinabi ni Haring Ignacio sa seryosong tono.

Napatikhim naman ako dahil doon. Alam kong mangyayari talaga ang panahong kailangan na naming harapin ang responsibilad. At tanggap ko na ang mangyayari. Basta kasama ko si Troy. Kasama ko siya sa lahat ng responsibilad na ito ay kakayanin ko. Tiningnan ko naman si Troy at napaawang ang bibig ng makitang nakatitig din siya sa akin.

"Kaya po namin ang responsibilidad na ibibigay ninyo sa amin. Hindi namin ito sasayangin Dad, Mom. Basta magkasama lang kaming dalawa." asik ni Troy na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Mahal na mahal ko talaga ang prinsipeng ito.

Buong maghapon kaming magkasama ni Troy. Masaya kaming nagu-usap at nagtatawanan. Sinabi sa amin ni tita Emma na ibibigay nila ang araw na ito na sa amin lang dalawa. Kinausap na raw nila ang guro namin tungkol dito at sumang-ayon sila. Afterall, it's part of their tradition. The day of the mating of the prince and the chosen. Kaya hahayaan nila kaming dalawa sa araw na 'to na magliwaliw.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now