Chapter 36: Sirene's Training

745 35 10
                                    

Chapter 36: Sirene's Training

Tiningnan ko kung paano nilagpasan ni Clark ang bawat matutulis na bagay na napupunta sa kaniya ngayon. Kagaya noong una ay mayroon ding humahabol sa kanyang bampirang nangingitim ang mga mata. Ngayon ay nasa loob sila ng kweba. Hanggang sa 'di kalaunan nga ay natapos na si Clark at nakuha ang red flag.

18:00 minutes ang kanyang oras.

Nakakamangha! Hindi ko alam na ganoon pala talaga siya kalakas. Napatingin naman ako sa gawi ni Sydney ng makita kung paano ito pumalakpak ng makitang nakuha ni Clark ang red flag.

Akala ko ba'y gusto mo si Troy? Ngayon, si Clark naman? Ang bilis naman yata.

Sumunod na tinawag din si Sydney, Rain at Troy. Sa sobrang galing nila ay nakatulala lang akong nakatitig sa ginagawa nila. Napakagaling! Hindi ko inaasahang ganoon na sila kabihasa sa loob ng simulation room.

Nakita kong may galos si Sydney at agad naman itong nilapitan ni Clark. Kinikilabutan ako! Natapos din si Rain na walang ultimo sugat na natamo. Napakayabang nga pagbalik eh. Sinasabing magaling talaga siya.

At syempre si Troy. Kung sinabi kong magaling silang lahat aba'y mas triple naman ang galing ni Troy sa loob ng simulation room. Ang lugar na pinili para sa kaniya ay ang sentro ng valencia. Hindi ko alam kung bakit iyon ang napili para sa kaniya, may takot ba siya lugar na roon?

Pawisang lumapit sa akin si Troy kaya ibinigay ko naman sa kaniya ang panyo na mayroon ako. Nginitian niya ako dahil doon at bigla naman akong nakuryente dahil din sa ngiting iyon.

"A-Ah Troy?" tawag ko sa kaniya.

Tiningnan niya naman ako habang nagpupunas ng kanyang pawis. Tumikhim naman ako.

"May takot ka ba sa sentro ng village ng valencia?" tanong ko.

Na-curious talaga kasi ako dahil 'di ba ang sabi niya sa akin kanina na ang lugar na pinipili ni Mr. Revero ay minsan sa gubat, minsan sa kweba at minsan naman ang lugar na kinakatakutan mo.

"Hindi naman sa takot na takot talaga ako sa sentro ng village, Sirene." Troy paused.

"Sadyang doon lang kasi talaga kita huling nakita noong mga bata pa tayo bago ka inilayo. Kaya kapag dumadaan ako sa sentro ay may parte sa aking nalulungkot. Hindi, takot." aniya.

Nang sabihin niya iyon ay napatigil na lamang ako. Wala ng salitang lumalabas galing sa bibig ko. Ganoon ba talaga siya nangulila ng mawala ako?

Napatingin naman ako kay Rain ng kalabitin niya ako.

"Oh." bungad ko.

"Ikaw na susunod!" asik niya dahilan upang mamilog ang mga mata ko.

Napatingin ako kay Troy at kay Mr. Revero na tinitingnan na rin ako. Kakayanin ko ba?

"Kaya mo 'yan, Sirene." asik ni Troy. Gumaan din naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya pero may parte pa rin talaga sa akin na kinakabahan.

Napatingin naman ako ng makitang nginitian ako ni Clark. Nag sensyas siya na kaya ko ito at ganoon din si Rain. Nakita ko naman ang pagkunot-noo ni Troy ng makita ang pagsenyas ni Clark at ng kanyang kapatid na si Rain. Binalewala ko na lang iyon at dumiretso na sa patungo kay Mr. Revero.

"Huwag kang matakot. Mag pokus ka lang, Sirene." utas ni Troy sa aking isipan kaya sinulyapan ko siya sa huling beses.

Humugot ako ng malalim na hininga ng nagkaharap na kami ni Mr. Revero.

"Ito ang unang training mo sa loob ng Simulation Room, Sirene. Hindi ako mag e-expect na mabilis mo lang ito matatapos, kasi una mo pa nga lang. Pero sana galingan mo. Ikaw pa naman ang susunod din na uupo sa trono bilang reyna." sabi ni Mr. Revero na ikinabigla ko.

The Vampire King's Beloved Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon