Chapter 34: Secured

796 40 9
                                    

Chapter 34: Secured

Nagising akong nakatambad sa harap ko ang pagmumukha ni Troy. Tiyak kong kanina pa ito nakatitig sa akin.

"Troy." sambit ko.

Nginitian niya naman ako. "Good morning... My Queen."

Tila nagising ang diwa ko ng marinig ang kanyang sinabi. Queen? Namula naman bigla ang aking pisngi.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko pagkabangon ko at sinulyapan ang bintana.

Hindi na umuulan at nagsisimula na ring tumirik ang araw.

"Oo. Hindi na muna kita ginising. Nasisiyahan kasi akong makita kang nakatulog ng mahimbing sa harap ko." aniya.

Napasapo naman ako sa noo ko ng maramdaman ang init sa buong katawan ko. Ayan na naman siya. Ayan na naman ang mga salita niyang mas lalong nagpapahulog sa loob ko.

"Naku! Tigil-tigilan mo nga ako Troy!" nakabusangot kong wika.

"Totoo naman ah! You're beautiful." asik niya.

Napa-awang na lamang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na ganito pala ka cheesy itong si Troy. But, I like it.

"Baba na tayo." anyaya ko sa kaniya. Pero hindi niya ako sinagot at binigyan lamang ako ng mabilis na halik sa pisngi.

Napatitig ako sa kaniya sandali. Hindi ko inaasahan 'yun. Namula na naman ang aking pisngi sa 'di kadahilang emosyon na aking nararamdaman.

"Sabi ni Mom kanina na babalik daw tayo sa akademya ngayong araw. Kailangan nating habulin ang mga aralin na hindi natin nakuha. We only need to finish this level pagkatapos ay ibibigay na nila sa atin ang posisyon."

Pagkasabing-pagkasabi no'n ni Troy ay bigla na lamang akong natigilan. Posisyon? Hindi pa ako handa. Or maybe... I am afraid. 18 pa lamang kaming dalawa at napakalaking responsibilidad na agad ang hahawakan namin kung ganoon.

"Alam kong hindi ka pa handa. Ako rin, hindi." he paused.

"Pero sang-ayon nga ako sa magiging desisyon nila. Ayokong mawala ka na naman at aabot sa puntong maghihintay na naman ako. Ang ikinatatakot ko lang ay baka maghintay ako sa... wala. I can't afford to lose you again, Sirene. Kung kakailanganin kong itali ka sa akin para hindi ka makawala... I will do it." aniya.

Ramdam ko ang takot sa kanyang mga mata. Yes, Troy. Ako rin. Ayokong magkalayo na naman tayong dalawa. Siguro tama ka nga. Hindi pa tayo handa sa ngayon but soon matatanggap din natin na ito ang nakatadhana para sa atin. Na tayo ang susunod na maghahari sa buong valencia.

"I love you." Sabay naming wikang dalawa na siyang ikinanlaki ng aming mga mata.

"Oh." Sabay na naman naming wika and this time ay napatawa na talaga kami.

"Soulmate talaga tayong dalawa." bigla niyang wika in between our laugh.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

He looked at me cooly. "Una tayong nagkitang muli sa labas ng daan. Alas tres ng madaling-araw. Naalala mo 'yon? Hindi natin plinano pero pinagtagpo tayong dalawa." Tumigil siya at inilagay ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

"At kapag nagkikita tayo, malapit ka sa akin o may mangyayaring masama sa'yo ay titibok ito ng malakas na malakas na para bang nararamdaman ko kung ano rin ang nararamdaman mo." patuloy niya na ikinaisip ko.

Tama nga ang kanyang sinabi. Minsan rin ay nararamdaman kong higit pa sa pagmamahal ang nararamdaman naming dalawa. Na para bang itinadhana talaga kami sa isa't-isa. Kahit pa na bampira man kami o hindi, kahit pa man nasa ibang mundo kami. Ipagtatagpo pa rin kami ng tadhana.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now