Chapter 32: Vampire's Instinct

1K 46 8
                                    

Chapter 32: Vampire's Instinct

Kahit alam kong hindi ko pa ganoon naiintindihan kung ano ang gagawin sa proseso ng pagsasama ay hindi ko na lamang siya tinanong pa muli tungkol doon. Pakiramdam ko kasi ay hindi komportable si Troy na sagutin ako sa mga tanong ko.

Ngayon ay tahimik naming nilalakad ang daan patungo sa palasyo ng Valencia. Sabi ni Troy ay nandoon daw si tita Emma, si Miggy at Rain. Kasama rin nila si Ginoong Greg at ang iba pa, hinihintay kami. Sabi ni Troy na alam niyang malalaman agad ng kanyang ina na gising na ako kaya bubuo talaga iyon ng pagtitipon sa palasyo.

Habang naglalakad kami ay may nadadaanan din kaming ilang mga sinasakupan ng valencia. Gulat silang makita ako. Nakita ko rin ang pagyuko nila 'pag kami ay malapit na sa pwesto nila. Tila hindi ako sanay sa ipinapakita nila. Naalala ko tuloy ang unang araw kong napunta rito. Takot na takot ako nang malaman teritoryo ito ng mga bampira. Iyon pala'y magiging kagaya rin pala nila ako.

Ang mga tingin na ipinupukol din nila sa amin ni Troy ay parang sinasabing malalakas kaming bampira, makapangyarihan, nasa itaas. Kasi sa pamaaraan pa lamang ng kanilang pag galaw ay kitang-kita na. Parang natatakot sila at the same time ipinapakitang nirerespeto rin nila kami.

"T-Troy." tawag ko sa kanya.

Tiningnan niya naman ako at alam kong ramdam niyang hindi na ako nagiging komportable dahil sa ipinapakita ng mga bampirang nasa paligid namin kaya hinawakan niya ng mabilis ang aking kamay at tinangoan ako.

"Let's go." asik niya at nagsimula ng humugot ng lakas.

Huminga naman ako ng malalim bago bumwelo. Nang makita ni Troy na handa na ako ay nginitian niya lang ako at tumingin na sa direksyon papuntang palasyo. Mabilis kaming umalis sa pwesto namin at tumakbo ng walang tigil. Napangiti naman ako ng maramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.

Gumagaan din ang aking pakiramdam. Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa ni Troy. Magkahawak kamay kami habang tumatakbo ng mabilis. I smiled.

Ito ang gusto ko. Kasama siya at walang iniisip na problema. Malaya at walang kasinungalingang bumabagabag sa aking isipan. Ngayon na alam ko na ang lahat, masasabi kong may patutungohan pala talaga ako. Na hindi lang ako si Sirene na tumakas sa bahay ng ina at mamamatay na lang na palaboy laboy sa lansangan. Na hindi lang ako si Sirene na walang nagawa sa buhay. Kasi higit pa ako sa lahat ng iyan.

Ang palasyo ay matatagpuan sa pinaka dulo ng buong teritoryo ng valencia. Naalala ko pa noon kung gaano ako ka mangha sa buong palasyo. Ilang minuto lang ay nakaabot na rin kami sa palasyo at laking gulat ko ng makita si tita Emma at ang iba na naghihintay sa amin ni Troy sa labas ng tarangkahan ng palasyo. Na tila ba alam nilang darating talaga kami.

"Mom." bungad na wika ni Troy.

Nahihiya naman akong napayuko pagkaabot namin sa harap nila. Napangiti rin ako ng makita si Miggy, Rain pati na rin si Ginoong Greg, si Clark at si Andrea. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan nila. Nalaman ko lang rin kanina ang lahat. Si Andrea pala ang nagsumbong kila Troy na buhay ako at nandoon ako sa alegria. I must thank her for doing that.

"Troy. Iha!" Masayang wika ni tita Emma at bigla na lamang akong dinamba ng mahigpit na yakap.

Tila nagulat ako roon ng ilang segundo pero agad naman akong nakabawi at niyakap din siya. Ang gaan gaan ng aking pakiramdam.

"Napakaganda mo!" Tuwang-tuwa na asik ni tita Emma pagkabitiw niya sa yakap naming dalawa.

Napayuko naman ako at hindi matingnan sila ng diretso. "H-Hindi naman po." tanging nasabi ko lang.

The Vampire King's Beloved Donde viven las historias. Descúbrelo ahora