Chapter 26: Fight, Sirene

931 67 10
                                    

Chapter 26: Fight, Sirene

Third Person's Point of View

Gulat na gulat ang pagmumukha ni Ginoong Greg at Clark habang tinitingnan si Sirene na walang malay. Pero mas lalo silang nangamba ng makita ang mabilis na pag-agos ng pulang likido sa dibdib ni Sirene. Nanggagalaiti sila at nais na kumawala sa kadenang nakapulupot sa kanila pero hindi nila kaya.

Napatingin ng mabilis si Clark kay Troy at nakita ang pagmumukha nitong abala sa pagpatay kay Gilbert. Ang Hari naman na si Ignacio at ang anak nitong si Rain ay nakikipaglaban sa mga kawal na nandito sa loob.

Napatingin siyang muli kay Sirene, tila nandilim ang kanyang mga paningin. Nagsisimula na ring umapaw ang kadiliman sa buong katawan ni Clark. Hindi niya inaakalang mas uunahin pang patayin ni Troy si Gilbert kaysa iligtas si Sirene.

Tinatawag din ni Ginoong Greg si Troy upang kunin si Sirene at dalhin sa pagamutan ng Valencia. Ngunit hindi siya pinapansin ni Troy. Hanggang sa nakita na lamang ng lahat ng bampirang nasa loob ang pagmamakaawa ni Gilbert kay Troy na 'wag itong patayin. Nahihirapan na ring huminga si Gilbert at kinakabahan ito sa maaring gawin sa kanya ni Troy. Pero dahil buo na ang desisyon ni Troy ay paniguradong wala na siyang magagawa.

Nginitian ni Troy si Gilbert na para bang sinasabihan itong paalam at dahan-dahang inikot ang ulo nito. Hanggang sa nakita na lamang ng lahat ang huling hininga ni Gilbert. Humalandusay ang katawan ni Gilbert sabay nito ang pagkahulog ng kanyang ulo.

Tila naestatwa ang ilang kawal ng alegria at hindi alam ang gagawin. Unti-unti na ring humihina ang malakas na pwersa na nakapalibot kay Troy at nawawala na rin ang pagdilim ng kanyang paningin.

Ipinukol ni Troy ang kanyang paningin kay Sirene at nakita ang walang ka malay malay na katawan. Doon na niya napagtanto ang mga nangyari. Gulat na gulat siyang makita ang kalagayan nito kaya agad niyang pinuntahan si Sirene at tinanggal ng marahas ang kadenang nakapulupot sa katawan nito.

Nakita naman ng Hari ang pagsuko ng mga kawal ng alegria. Kaya agad nilang tinulongang makaalis si Ginoong Greg at Clark sa pagkakagapos.

Nang matanggal na ni Troy ang kadena ay agad niyang kinuha si Sirene. Mabilis siyang lumabas habang dala-dala si Sirene. Hindi na niya binigyan pa ng tingin ang kanyang ama at kapatid.

Mabilis siyang tumakbo papalayo sa alegria, hindi iniinda ang sugat na natamo rin niya. Pero bigla siyang natigil ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Kakaiba ang pagbilis nito dahil ngayon niya lang ito naranasan.

Napatingin siya sa dala-dala niyang si Sirene at kinabahan ng maramdaman ang paghina ng pagtibok ng puso nito. Tinitigan niya ang maamong pagmumukha ni Sirene. Maganda ang dalaga lalo na't maaliwalas ang kanyang pagmumukha. Mas bumagay din sa kanya ang mapupula nitong buhok at mapupulang labi.

Huminga ng malalim si Troy bago muling tumakbo ng mabilis patungo sa Valencia. Nararamdaman niyang nawawala na si Sirene sa kanya. Ramdam niyang nahihirapan ang babae. Kahit na alam niyang huli na ang lahat. Alam niyang hindi na maililigtas pa ang babae.

Ilang minuto lang ng maabot ni Troy ang Valencia. Gulat na gulat ang mga kawal na nakabantay sa labas ng tarangkahan ng Valencia, 'di makapaniwala sa kanilang nakikita. Iniisip nila ang nangyari sa babaeng dala ni Troy. Iniisip nilang iyon si Sirendepity ang magiging kaagapay ni Troy pero ito'y sugatan at nanghihina.

Mabilis na tinungo ni Troy ang ospital ng valencia kung saan may mga mangagamot doon, magaling at praktisado. Nang papalapit na siya sa ospital ay nakita niya ang kanyang Ina, ang Reyna na si Emma kasama ang kapatid niyang si Miggy. Hindi niya ito pinansin pero alam niya namang susundan siya ng mga ito.

"Nasaan ang pinakamagaling niyong mangagamot dito? Tulongan niyo siya pakiusap! Nasaan?" malakas na sigaw ni Troy na dumadaungdong sa buong ospital pagkapasok niya rito.

Nakita ng lahat ang nangyari at agad na may lumapit sa kanyang babaeng doctor. Naalala ni Troy ito. Isa siyang doctor ng mga mortal na tao pero dahil ang napangasawa niya ay isang bampira ay sinakripisyo niya ang buhay niya at sumama rito.

"Akin na siya master." usal ng doctor.

Prinsipe si Troy ng valencia ngunit tinatawag siyang master ng sinasakupan nito. Ang kanyang ama naman na si Haring Benedict ay minsang tinatawag na grand master.

Agad niyang ibinigay si Sirene sa doctor. Hindi siya mapakali at balisa itong mabilis na sinundan ang doctor. Nagsisimula na ring mamuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Ayaw niyang mawala sa kanyang paningin ang babae.

"Anak!"

Tawag ng kanyang Ina sa kanya. Ramdam niyang nasasaktan din ang kanyang Ina sa sinapit ni Sirene.

"K-Kuya."

Napatingin siya sa kanyang kapatid ng ito'y makalapit na sa kanya. Namumuo ang mga luha sa mga mata ng kanyang kapatid. Alam niyang nagsisimula ng magustohan ng kanyang kapatid si Sirene.

Tumingin si Troy sa loob ng malaking silid kung saan dinala si Sirene. Marami ng kasama ang doctor ngayon na siyang gumagamot kay Sirene. Mabuti na lamang at nagsisimula ng maging bampira si Sirene dahil ang dugo nito'y hindi na ganoon ka tapang para sa mga bampira.

Napaluhod na lamang si Troy at tiningnan ang kanyang mga kamaong puno ng dugo. Pinatay niya si Gilbert pero hindi man lang agad sinalba si Sirene. Iniisip din niya kung hindi niya muna papatayin si Gilbert paniguradong tatakas ito't maghihiganti na naman.

Nakaramdam siya ng takot at pangamba. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung tuloyan nan gang mawawala si Sirene.

"L-Lumaban ka. L-Lumaban ka Sirene." wika ni Troy sa mahinang boses habang pilit na kinakausap si Sirene sa kanyang isipan kahit alam niyang hindi naman siya maririnig ng dalaga.

The Vampire King's Beloved Donde viven las historias. Descúbrelo ahora