Chapter 12: Burn Into Ashes

1.1K 153 38
                                    

Chapter 12: Burn Into Ashes

Troy's Point of View

Ramdam ko ang sugat ng buong katawan ko dahil sa mga natamo ko kanina lang ngunit wala akong pakealam basta masigurado ko lang ang kaligtasan ni Sirene.

"Troy bilisan mo na! Baka mahuli tayo!" rinig kong sigaw ni Rain ang kakambal ko kaya tinangoan ko naman siya.

Kasama ko si Rain at ang lahat ng pinakamalakas na bampira sa buong Valencia.

Sasagipin namin si Sirene. Ngunit marami-rami ring mga bampirang nakaharang sa amin.

Alam ko namang mangyayari 'to pero 'di ko akalaing marami rami na rin palang napaikot si Tito sa mga kamay niya.

Si Tito ang nakakatandang kapatid ni Dad. Ang susunod sana na tagapagmana ng trono. Na syang magiging pinuno ng buong Valencia.

Ngunit natalo si Tito sa isang paligsahan. Natalo siyang kunin ang loob ni Mom. Si mom ang ika anim na kaagapay ng pinuno ng buong Valencia.

Itinakda si Mom. Dahil ang lahat ng babaeng naisusuot ang kwintas ng pag-asa ang siyang susunod na reyna ng buong Valencia.

At si Sirene.

Si Sirene ang susunod.

Si Sirendepity.

Ang gabing nakita ko siya sa daan ay hindi planado. Natansya lang talagang blood lust nong araw na 'yon. Ngunit alam kong sa unang tingin ko palang sakanya eh siya nga si Sirendepity.

Ang batang babaeng pinangakoan ko. Ang batang babaeng magiging kaagapay ko. Ang batang babaeng inilayo sa akin.

Ang batang babaeng hindi ko na muling nakita pagkatapos ng himagsikan ng dalawang grupo ng mga malalakas na bampira.

Napahinto naman ako sa pagtakbo ng maramdaman ang mabigat na pwersa sa dibdib ko. Hindi maaari!

"Hindi pwede!"

Agad akong tumakbo ng mabilis. Hinahanap ang kwarto kung asan dinala si Sirene ng hinayupak na matandang 'yon!

Hindi pwedeng mawala siya! Kailangan niya pang malaman ang totoo. Ang katotohanan sa buong pagkatao niya!

Hindi maari!

Ng makita ko ang pulang pinto eh agad kong ginamit ang kapangyarihan ko upang makapunta ng mas mabilis sa silid kung asan si Sirene. Ngunit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko.

"Sht." I cursed.

Mayroong spell na ginamit dito sa lugar na 'to upang hindi ko magamit ng lubusan ang kapangyarihan ko.

Nagmamadali na lamang akong tumakbo at agad na sinipa ang pinto. Alam kong nandito sila.

Ngunit...

"Wala sila?" takang tanong ko.

Agad akong pumasok at nakita ang isang upoan sa gitna. May kadenang nakapalibot sa upoan.

Hinawakan ko naman ang ulo ko ng maramdaman ang pagsakit nito.

"Hindi maaari!"

Hindi pwedeng mahuli ako! Lumapit ako at tiningnan ang abong naka kalat sa sahig at sa upoan.

"Hin-de! Hin-de!"

Pilit kong sinisiksik sa isipan ko na okay siya. Na walang nangyari sa kanyang masama. Pero ramdam ko.

Ramdam ko ang presensya niyang nawawala. Inilibot ko naman.ang paningin ko at napayuko.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ko at ginulo ng marahan ang buhok ko.

"Troy!" sigaw ni Rain kasama ang iba pang kasamahan namin ngunit hindi ko sila pinansin.

"Huli na tayo..." mahinang bulong ni Rain dahilan upang magalit ako sakanya.

"Ano! Hindi! Buhay siya! Alam mong buhay siya!" galit na singhal ko sakanya.

Buhay si Sirene! Buhay siya!

Tumakbo ako sa labas at tiningnan ang ibang mga silid ngunit wala! Walang tao. Walang sirene...

"Troy, tama na!" sigaw ni Rain sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.

"Buhay sya, buhay sya!" wika ko na hindi mapakali.

Natataranta ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mahirap hanapin sila Tito. At wala akong ibang paraan para hanapin si Sirene.

Dahil...

Dahil hindi ko na siya nararamdaman.

Napaluhod na lamang ako at dahan-dahan ko ng nararamdaman ang luhang umaagos sa mga mata ko.

"Troy, pasensya ka na." mahinang wika ni Rain sa akin.

Ramdam ko ring nasasaktan siya. Hindi niya ipinapakita pero alam kong nag-aalala rin siya kay Sirene.

"Buhay pa sya.." mahinang wika ko.

Buhay pa siya...

Napa angat naman ako sa itaas ng maramdaman ang pagsakit ng buong katawan ko.

"Buhay pa sya... Buhay..." bulong ko.

Napaiyak na lamang ako ng matantyang niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil alam ko namang, wala na siya.

Alam ko ang totoo.

"Sirene..." bulong ko at hinayaan na lang ang mga luhang bumagsak galing sa mga mata ko.

Tumayo ako at pumunta sa silid kung asan si Sirene. Ramdam na ramdam kong nasaktan siya ng malubha.

Ang kadenang iginapos sa kanya ay ang kadenang pumapatay ng isang bampira at gamit lamang ang isang ritwal ay kaya na nilang pumatay ng bampira. Bampirang hindi na mabubuhay pang muli.

Kung sana hindi bampira si Sirene. Hindi sana siya masasaktan. Lumuhod ako ng makalapit ako sa upoan at napaiyak.

Ginulo ko ang buhok ko. Wala akong silbe!

"Aaaaaaaaaaah!"

"Ba't ba wala kang silbe!"

"Ba't ba wala kang nagawa!"

"Aaaaaaaaah!"

"Sireneeeeeee!"

Napahinto ako sa pagsigaw ng maramdaman ang pagsakit ng puso ko.

"G- Gusto ko ng mamatay.."

Napahiga nalamang ako bigla sa sahig at pilit na hinahabol ang paghinga ko.

Kung mamatay lang din naman si Sirene. Mabuti ng mamatay na rin ako.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko at nakitang mabilis na tumakbo si Rain papalapit sa akin.

Alam naming dalawa na manghihina ako ng malubha pag may mangyaring masama kay Sirene.

Alam nila.

Kaya ginamit nila si Sirene upang hindi ako makalaban sa kanila. Sa mga kalaban.

"Troy, 'wag kang susuko. Ipaghihiganti pa natin siya." rinig kong bulong ni Rain at agad akong hinawakan.

Ipaghihiganti?

Oo...

Ipaghihiganti ko siya!

"Sirene....." sambit ko hanggang sa tuloyan na akong kinain ng kadiliman.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now