Chapter 17: Glimpse of the Past

882 86 20
                                    

Chapter 17: Glimpse of the Past

Nagising ako kinabukasan dahil sa mainit na sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana.

"Gising na Irene!" pambubulabog sa akin ni Kael pero hindi ko siya pinapansin at natulog pa rin.

Pero pilit niyang kinukuha ang kumot ko at ginigising ako. Kaya heto kami ngayon naglalakad papunta sa plaza ng village ng alegria.

Ang alam ko ay titipunin ni Dad lahat ng bampira sa alegria at ipapaalam niya ang mangyayaring digmaan. Kukunin din niya ang mga bampirang malalakas at handang makipaglaban.

"Nagugutom ako Kael." busangot kong wika kay Kael at tiningnan siya pero sinulyapan niya lamang ako at hindi pianansin.

"Tsk." dabog ko at lumayo ng ilang metro sa kanya.

Ginising niya ako at hindi man lang pinakain! Oh well kasalanan ko nga naman kung ba't ang tagal kong gumising pero dapat dinalhan niya man lang ako ng pagkain.

"May kainan dito sa village ng alegria. Pwede kang kumain doon ng libre. Kung gumising ka lang sana ng mas maaga." aniya pero inirapan ko lang siya.

Ilang minuto pa kaming naglalakad ng maabot na namin ang gitna ng village. Ang plaza.

Nakita ko si Dad na nakatayo doon kasama ang matandang lalaking nadatnan din namin noon ng nasa office sila.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang katamtamang laki ng mga bahay. Napahinto ako bigla ng sinuri ang buong paligid.

"Imposible.." mahina kong bulong at pilit winawari kung bakit hindi ko matandaan ang imahe ng buong paligid.

Na para bang ngayon ko lang napuntahan ang lugar ng alegria. Napa iling naman ako sa mga iniisip ko. Imposibleng wala akong matandaan dito sa lugar na 'to.

Dito ako lumaki sa alegria kaya papaanong hindi ko man lang maalala na pumunta ako dito noon?

Na para bang bago sa aking paningin ang buong lugar.

Napapitlag naman ako bigla ng tawagin ako ni Dad.

"Irene, halika dito!" tawag ni Dad at agad ko naman siyang nilapitan.

"Yes Dad? Pasensya na rin Dad at natagalan ako sa pagpunta dito." bungad ko sakanya at tinangoan niya naman ako.

"Okay lang anak. Siya nga pala ito si Greg anak, may kakayahan siyang tingnan ang mangyayari sa hinaharap. Isa siyang bampira kagaya natin na biniyayaan ng espesyal na kapangyarihan. Kaya natin alam ngayon na bubuo ng hukbo ang Valencia ay dahil sa kanya iyon anak. Gusto kong makilala mo siya." sabi ni Dad kaya tiningnan ko naman ang matandang lalaki na katabi niya at nginitian ito.

Kaya pala nalaman ni Dad na makikipagdigmaan ang Valencia? Dahil pala sa kanya iyon?

Napaubo naman ako bigla ng maramdaman ang kakaibang emosyon na pinupukol ng matanda sa akin. Na para bang kanina niya pa ako sinusuri. Kinikilabutan ako.

"Greg, ito naman ang anak ko. Si Irene." pakilala naman ni Dad sa akin.

"Magandang umaga Irene. Kinagagalak kong makilala ka." mahinahong wika ng matanda at iniabot ang kamay niya.

Tiningnan ko naman ang kamay niya at nag da-dalawang isip pa kung kukunin ko ba 'yon o hindi.

Napalunok naman ako bago inabot ang kamay niya. "Ako rin po Ginoong Greg. Ikinagagalak kong makilala ka." wika ko naman sakanya.

Bibitiw na sana ako sa pagkakahawak sa kamay niya ng biglang may nagpakitang imahe sa mga mata ko.

Ano 'to?

Inilibot ko ang paningin ko at natigil ito ng makita ko ang isang matandang lalaking nakahalandusay sa lupa.

Tila nahihirapan siya. Nasasaktan din ako sa nakikita ko kahit na hindi ko siya kilala.

Ano ba itong nakikita ko? Sino ang matandang ito?

Lalapitan ko na sana siya ng bigla niya akong tiningnan. Para bang biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"T-Tumakbo ka."  hirap na hirap na wika ng matanda na tila ba ako yata ang sinasabihan niya.

Lumingon ako sa aking likuran pero wala naman akong ibang nakikita. Tiningnan ko muli ang matanda at napasinghap ng makita kong tuloyan ang nakaka awa niyang pagmumukha.

"Si-ren-de-pi-ty." huling sambit ng matanda bago ito dahan-dahang ipinikit ang kanyang mga mata.

Para bang biglang may tumusok sa dibdib ko. Na para bang gusto ko siyang puntahan at tulongan.

Sino ang matandang ito? Bakit ko ba ito nakikita? At sino ang sinasabihan niyang tumakbo?

"Irene anak!"

Napabalik naman ako sa ulirat ng makita si Dad at si Ginoong Greg na nakatingin sa akin na para bang kanina pa nila ako tinitingnan.

"Y-Yes Dad!" agad na wika ko at pilit na inaalis ang mga nakikita ko.

"Okay ka lang anak?" pag-aalalang tanong sa akin ni Dad at tinangoan ko naman siya.

Yes, Dad. I am fine.

"Good! Kasi maya-maya lang ay darating na ang mga sinasakupan natin. Magtitipon na ang lahat ng bampira ng alegria." sabi niya na para bang nasisiyahan  siya sa mga iniisip niya.

Napatingin naman ako kay Ginoong Greg na kanina pa ako tinititigan. At sa 'di ko inaasahan ay napa atras ako bigla.

Kuhang-kuha ni Ginoong Greg ang itsura ng matanda! Alam kong kamukha niya ang matanda sa nakita ko kanina lang!

Bakit ba hindi ko agad namumukhaan ang matanda sa nakita kong ala-ala?

Ang kanyang mata, ang bilog niyang mukha. Lahat! Kuhang-kuha!

Pero paano? Nakita ko kung paano binawian ng buhay ang matanda at ngayon si Ginoong Greg ay nandito sa harap ko.

Posible bang iisa lang silang dalawa?

Naalala ko naman ang sinabi ni Dad sa akin kanina. May kapangyarihan siyang makita ang hinaharap.

Posible bang siya rin ang nagpakita sa akin ng ala-alang iyon? Pero bakit niya naman gagawin iyon?

Napalingon naman kami kay Dad ng bigla siyang nagsalita.

"Nandito na sila!" wika ni Dad at sinalubong ang mga bampirang paparating pa lamang.

Tiningnan ko sila at nagtaka ng makita ang mga itsura nila. Para bang... pinapahirapan sila.

Hindi maayos ang kanilang mga suot. Hindi rin malalakas pero may ilan sa kanila lalo na 'yong mga lalaki na makikita mo talaga ang lakas at galing ng enerhiya nila.

"Master!" sabay-sabay nilang sabi kay Dad at yumuko.

Hindi ko alam...

Pero para bang may kakaiba akong naramdaman ng tawagin nila si Dad ng Master.

Ramdam ko na para bang gustong umalis ng buong katawan ko.

Na para bang hindi ako nabibilang dito. 

The Vampire King's Beloved Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin