Chapter 22: Escaping Alegria

926 78 20
                                    

Chapter 22: Escaping Alegria

Sirene's Point of View

Nandito ako ngayon sa aking silid at bagot na bagot na dahil kanina pa ako nagmumokmok dito.

Gusto kong umalis o lumabas man lang pero hindi ko kayang magawa dahil may dalawang kawal na nagbabantay sa labas. Hindi ko alam kung ba't pinababantayan ako. Kinakabahan akong isipin na baka natutunogan na nilang nakakaalala na ako.

Tumayo ako sa ikaapat na beses at napabuga ng malalim na hininga.

"Ayoko na! Gusto ko ng lumabas!" I groaned in frustrations.

Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa pinto at pinakiramdaman kung nandiyan pa ba ang dalawang kawal. Sad to say nandiyan pa nga!

Naririnig ko silang nag-uusap, kahit na mahina ang boses nila.

"Ba't ba pinababantayan ni Haring Gilbert ang babaeng 'to? Akala ko ba'y hindi na babalik ang ala-ala niya!"

Napakunot noo naman ako sa pinag-uusapan nila. Alam kong ako ang babaeng tinutukoy ng lalaki.

"Oo nga eh! Hindi ko rin alam kung bakit. Malakas ang ritwal at paniguradong hindi na babalik ang ala-ala niya kaya ba't pa siya pinababantayan."

Napa ngisi naman ako sa mga sinasabi nila. Too bad naalala ko na lahat. Hindi pala ganon kalakas ang ritwal dahil ilang araw lang ay naalala ko na agad kung sino ako. I grin. Ang mas maganda, naalala ko lahat ng mga nangyari noong bata pa ako.

Nagsisi nga ako eh kung bakit pinagdudahan ko pa si Troy sa pakikitungo niya sa akin. Kung sana lumayo lang ako sa nagpapanggap na si Gilbert bilang Dastan noon ay paniguradong nasa Valencia pa rin ako ngayon.

Pinihit ko ang pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang dalawang bampirang gulat na gulat ng makita ako.

"Gumagabi na ah! Hindi pa ba kayo kumain? Mabuti sigurong kumain na muna kayo o 'di kaya'y magpahinga." pambungad na wika ko sakanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang nagdadalawang isip na sundin ang sinabi ko.

"Huwag kayong mag-alala hindi ako aalis. And besides pupuntahan ko ngayon si Dad, kakausapin ko." I said and smiled sincerely at them.

Napatango naman sila sa sinabi ko. Good! Sige lang, maniwala kayo.

Napapitlag naman ako ng marinig ko ang boses ng dalawang lalaki. Tila ba nababasa ko ang iniisip nila.

"Oo nga noh, wala naman sigurong masama kung magpahinga muna kami."

"Hindi naman siguro kami papagalitan dahil kakausapin din naman niya si Haring Gilbert."

Umubo ako at tiningnan sila. "Huwag kayong mag-alala ako ang bahala sa inyo. You can go now." sabi ko at nakita ko naman silang dahan-dahang lumakad papalayo sa akin.

Ng hindi ko na sila nakita sa mga paningin ko ay dali-dali akong pumasok sa kwarto at kinuha ang mahabang balabal ko. Isinuot ko ang kulay itim na cloak at agad na pumanhik patungo sa labas ng palasyo.

Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil marami rin namang nagsusuot ng balabal dito sa Alegria kaya okay na ito pangtakip sa sarili ko.

Nakalabas ako sa palasyo at bumungad sa akin ang mga bampirang nagpapahinga galing sa mahabang ensayo nila. Nasulyapan ko rin ang babaeng kaninay pinagtutuonan ng pansin ni Kael dahil palaging nagkakamali. Malungkot ang mga mata niya. Hindi ko rin naman alam kung bakit.

Mabilis akong naglakad patungo sa tarangkahan ng palasyo. At napangisi ng nakabukas ito. Wala rin ang dalawang guard na nagbabantay dito kaya agad akong tumakbo papalabas.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now