Chapter 4: He's a Master?

2K 209 78
                                    

Chapter 4: He's a Master?

"Are you okay?"

Napapitlag naman ako ng bigla siyang nagsalita kaya hindi mawari ang aking ekspresyon ngayon. 

"Ha?" Wala sa ulirat kong tanong. 

"Are you okay?" tanong niyang muli sa akin kaya napatango naman ako ng marahan.

Yes, I am okay. Okay nga ba? 

Matapos iyong nangyari kanina na muntikan na niya akong mapatay at ngayon ay iniligtas sa kamay ng lalaking iyon ay okay nga lang ba ako?

Napayuko naman ako bigla ng makita ang mga matang mapanuri na sumusulyap sa pwesto namin. Tiningnan ko si Troy at bahagyang napalunok ng magtama ang aming mga mata kaya agad kong iniwas ang aking tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, siguro ay dahil lang 'to sa katotohanang isa siyang bampira at baka nagbubutihan lamang siya sa akin ngayon upang maipatuloy niya ang plano nitong pagpatay sa akin. Nanlumo naman ako bigla.

Nakita sa gilid ng mga mata ko ang mas pagdami ng mga matang mapanuri  na ngayon ay tila ba inuusisa kami pero nakikita ko ring banayag sila sa kanilang pag galaw at para bang natatakot silang gumawa ng mali sa harap ni Troy. Bakit sila ganyan?

Pinaningkitan ko naman sila ng mga mata at huminga ng malalim. Ramdam ko ring hinihintay ni Troy ang sasabihin ko pero wala naman akong dapat pang sabihin sa kanya. Muntik na niya akong mapatay kanina na hinding-hindi ko makakalimutan at nang hinarangan niya ang lalaki kanina para saktan ako'y sapat na siguro iyong kabayaran sa ginawa niya. Now, I need to leave.

Hinugot ko ang buong lakas ko upang ako'y makalakad ng diretso sa mga bampirang seryosong nakatitig sa akin pero hindi pa nga ako nakakahakbang ay narinig ko na agad ang kanyang boses na wari ba'y may gusto siyang sabihin.  

"Sandali!"

Tumigil ako at tiningnan siya. Hinihintay kung ano ang sasabihin niya.

"Alam mo ba ang daan pabalik? Atsaka saan ka pupunta? Ang sa pagkaka alam ko ay wala ka ng mapupuntahan kasi nga umalis ka sa puder ng Inay mo." usal nito na ikinabigla ko.

Pinanlakihan ko agad siya ng mga mata. Paano niya nalamang umalis nga ako?

Napailing naman ako. Siguro'y alam niya kung bakit ako umalis kasi nga nababasa niya ang nasa isipan ko. Panigurado'y inaalam na niya kung anong mga iniisip ko kaya kailangan kong pilitin na huwag mag-isip ng kung ano-ano.

Napabuntong hininga naman ako. Tama nga rin siya. Kung aalis nga ako'y saan nga ba ako pupunta? Palaboy laboy na lang ba ako sa lansangan? Wala na akong ibang mapupuntahan. Hindi naman pwede na dito muna ako sa valencia dahil baka bukas ay patay na ako.

"Dito ka na muna." mahinang wika ni Troy, nakita kong yumuko siya.

Tama ba iyong narinig ko?

"Anong sinabi mo?" tanong ko sakanya upang masigurado ang sinabi niya.

"Sabi ko dito ka na muna." usal niya and this time ay nilakasan na niya ang boses niya dahilan upang marinig ko na siya ng maayos.

Tila bumilis yata bigla ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung bakit at hindi ko ito nagugustohan. 

"Gago ka ba?" bulaslas ko bigla.

"Gusto mo ba talaga akong patayin?" giit na tanong ko sakanya.

Kung mananatili ako dito ay paniguradong malalaman nang lahat na isa akong tao. At paniguradong kakainin at papatayin nila ako. At ayokong mangyari iyon! Mas mabuting palaboy laboy na lamang ako hanggang sa mamatay ako kaysa sa kainin nila ako ng buhay!

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now