Chapter 16: War against Valencia

953 91 26
                                    

Chapter 16: War against Valencia

"Ano? Bubuo sila ng hukbo!" rinig na rinig naming sigaw ni Dad sa loob ng office niya.

Hindi paman kami nakakapasok ay umalingawngaw na ang malakas na sigaw ni Dad na kahit nandito kami sa labas ay rinig na rinig namin ang usapan nila.

Pero anong hukbo ang pinagsasasabi ni Dad?

Pipihitin ko na sana ang door knob para buksan ang office ni Dad ng sumigaw siya ulit and this time, napakunot noo na talaga ako.

"Makikipag digmaan sila? Para sa babaeng 'yon! Pwes, sige bibigyan natin sila ng malaking digmaan!"

Makikinig pa sana ako ng biglang binuksan ni Kael ang pinto dahilan upang tumambad sa amin si Dad na galit na galit kasama ang isang matandang lalaki.

Nabigla naman si Dad ng makita kami pero mas nabigla ang matandang lalaki ng makita ako.

"Dad!" tawag ko sakanya at nilapitan siya.

"Pinapatawag mo daw ako?" tanong ko at tiningnan ang matanda.

Why is he looking at me like that?

"A-Ah may pag-uusapan lang tayo anak." wika ni Dad at napabuntong hininga.

"Mag-usap na lang muna tayo mamaya Greg." marahang wika ni Dad sa matandang lalaki at tinangoan naman ng matanda si Dad.

Umupo ako sa upoang nasa harap ng mesa ni Dad at tiningnan si Kael at Rash na nakatingin din sa amin.

"Iwanan niyo na muna kami dito. Salamat." sabi ni Dad sa kanilang dalawa at mabilis din naman nilang sinunod ang sinabi ni Dad.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Dad dito sa opisina niya. Ano kaya ang pag-uusapan namin?

"Ba't pala kayo sumisigaw kanina Dad?" simula kong tanong sakanya. I am really curious.

"Narinig mo 'yon?" tanong ni Dad na para bang natatakot siya.

"Yes." tipid kong sagot sa kanya.

Umupo naman siya sa swivel chair niya at pilit na minamasahe ang noo niya.

"Bubuo ng hukbo ang Valencia anak." sabi niya at agad na kinuha ang maliit na wine glass sa gilid ng mesa at nilagyan ito ng alak.

"Hukbo?" tanong ko habang sinusundan ang bawat galaw ni Dad.

Ininom niya ang alak bago ako tiningnan ng marahan. "They will make an army Irene. They will build weapons that could wipe us all. At hindi ko hahayaang mangyari iyon."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Bakit naman sila gagawa ng hukbo?

Akala ko ba ay kami lang ang sasalakay sa kanila, pero ba't pati sila ay sasalakayin din kami? Napasinghap naman ako ng may sumagi sa isipan ko. Nalaman ba nilang sasalakay kami? May nagtraydor ba sa amin at isinumbong kami sa Valencia?

"Hindi nila nalaman Irene. Walang nag traydor. Sadyang gusto lang talaga tayong sakupin ng buong Valencia at hindi ako makakapayag. Lalabanan natin sila." marahan na wika ni Dad na ikinayukom ng mga kamao ko.

Napakasama talaga nilang tao. Hindi pa sila nakuntento't pati Alegria ay sasakupin din nila.

"Natatandaan mo ang sinabi ko sa'yo Irene?" tanong ni Dad kaya napatingin naman ako sakanya ng walang ekspresyong pinapakita.

Hindi ko alam kung ba't gusto gusto ng pinuno ng Valencia na sakupin at kontrolin lahat ng bampira sa mundo. Ba't ba ayaw niya na lang kaming palayain?

"Ano 'yon Dad?" I asked.

Sisiguraduhin kong babagsak ang Valencia. Walang nakakatalo sa akin. I will make them pay for everything.

"Diba sinabi ko sa'yo na kailangan mong husayin ang sarili mo sa pakikipaglaban dahil darating ang panahon na magkakaroon ng digmaan?" tanong ni Dad kaya tumango naman ako.

Oo, sinabi niya nga iyon sa akin. Darating ang araw na magkakaroon ng digmaan at kailangan kong lumaban.

"Ito na ang panahon na 'yon anak. Magkakaroon ng digmaan at kailangan na nating ihanda ang lahat sa labanan. Madugong labanan." sabi niya sabay lapag ng wine glass sa mesa.

"Ito na ang panahon kung kailan mo dapat patayin ang anak ng pinuno ng Valencia anak. Si Troy Ashvill."

Pagkabanggit ni Dad ng pangalang iyon ay bigla na lamang akong nakaramdam ng puot, galit at hinanakit sa lalaking iyon. Na tila ba gusto ko siyang patayin.

Gusto ko siyang magdusa at makitang nahihirapan. Ng mga oras na 'yon ay wala akong ibang naisip kung hindi patayin si Troy Ashvill gamit ang mga kamay ko. Gusto kong umagos ang mga dugo niya sa mga kamay ko.

Natapos ang pag-uusap namin ni Dad at napagplanuhan naming maghanda na simula bukas. Nalaman din ni Dad na sasalakay ang hukbo ng Valencia sa ika pitong araw ng Agosto. May limang araw na lamang kami upang maghanda.

Ngayon ay nandito na ako sa aking kwarto, nakahiga habang iniisip ang mga mangyayari sa susunod na araw. Ewan ko ba pero para bang kinakabahan ako.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga iniisip ko.

"Cut the crap Irene!" I bursted.

Matagal kang nagsanay para sa araw na 'to. You need to focus or else ikaw at ang buong Alegria ang mapapahamak.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na pala namalayang dinalaw na pala ako ng antok.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now