Chapter 19: Unknown Identity

903 76 19
                                    

Chapter 19: Unknown Identity

Nakabalik ako sa palasyo ng gulong-gulo ang isip. Hindi ko alam kung ano ang unang hakbang na gagawin ko para malaman ang katotohanan.

Gusto ko rin sanang kausapin si Dad tungkol sa sinabi ni Ginoong Greg pero kung totoo nga ang sinabi ni Ginoong Greg sa akin kanina ay mapapahamak lang ako kapag kinausap ko si Dad.

Napaisip din kasi ako sa sinabi ni Ginoong Greg. Tinawag niya akong Sirene at hindi Irene. Naisip ko rin na baka hindi ko tunay na ama si Dad.

Pero what if si Ginoong Greg 'yong nagsisinungaling?

"Ugh!" I snorted.

Maglalakad na sana ako patungo sa silid ko ng mahagip sa mga mata ko ang malaking pinto papasok sa library ng palasyo.

At doon biglang pumasok sa aalala ko ang librong gusto kong balikan at basahin.

Kaya dali-dali akong pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang matandang babaeng nagbabantay ng library.

Ng makita niya ako ay para bang nabigla siya. Okay?

"Ah may babasahin lang sana akong libro." wika ko sakanya pagkalapit ko sa front desk.

Nakita ko namang parang kinakabahan siya. "Anong libro ang babasahin mo?" mahinang tanong niya sa akin na ikinataka ko.

Inilibot niya pa ang paningin niya na para bang may pinag tatagoan.

"Iyong libro po na nakalagay sa stand. 'Yong may mga kadena po." sabi ko at itinuro ang gawi kung saan ko huling nakita ang libro pero naestatwa ako ng makitang wala na ito doon.

Paanong nawala? Eh nakita ko lang iyon dito nong isang araw!

"Wala na ang librong hinahanap mo. Hindi ko alam kung nasaan na iyon." aniya.

"Pero bakit nawala? Eh nakita ko pa 'yon dito nong isang araw!" hindi makapaniwala kong sabi at tiningnan ang matanda.

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

"Hindi mo naalala? Kinuha mo ang susi ng libro na hindi nagpapa alam sa akin. At iniwan mo ang susi dito sa desk ng hindi ako sinasabihan. Nakita ng hari ang susi, akala niya ay hindi ko itinago iyon ng maayos." she paused and turn her gaze away from me.

"Kaya kinuha niya ang libro at hindi ko na alam kung nasaan na." she continued.

Para namang pinag binagsakan ako ng langit at lupa sa mga narinig ko. Naalala ko nong isinauli ko ang susi, nakatayo siya dito sa front desk at may sinusuring bagong libro. Iniwan ko lang ang susi habang hindi niya namamalayan kaya siguro hindi ito naitago muli dahil hindi niya nakita ang susi.

"Saan naman kaya iyon dadalhin ni Dad." I whispered.

Nakita ko namang parang nabigla siya sa sinabi ko.

"D-Dad?" gulat na gulat na wika ng matanda.

Napakunot noo naman ako sa naging reaksyon niya.

"Bakit?" tanong ko.

Pero hindi niya ako sinagot at tinitigan niya lang. Para bang may malalim siyang iniisip.

"Alam mo iha mas mabuti kung 'wag mo na lang basahin ang librong iyon." aniya ng huminahon na siya sa pagkakagulat.

I sighed. "Pero may gusto akong malaman sa librong 'yon." sabi ko at napayuko.

Kung sana bumalik agad ako dito. Ang librong 'yon ay kakaiba. Kwento tungkol sa Itinakda.

"Hindi ko gustong manghimasok iha, pero bakit ka nandito? Ramdam kong hindi ka nagmula sa lugar na ito at sana naman ito na ang huling pagkakataon na papasok ka sa silid na ito. Ayaw ko na ng gulo." seryoso nitong ani na ikinatigil ko.

Anong ibig niyang sabihin?

***

Ngayon ay nandito na ako sa aking silid, nakaupo habang malalim na nag-iisip.

May kahulugan ang sinabi sa akin ng matandang babae na iyon. Para bang simbolo iyon na dapat nga talaga akong maniwala sa sinabi sa akin kanina ni Ginoong Greg.

Sabi ng matandang babae kanina sa library na bakit daw ako nandito? Hindi naman ako nagmula dito. Ibig sabihin lang niyan hindi ako nabibilang dito.

Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Kaya pala hindi ko naaalala na bumisita ako sa plaza ng Alegria.

Pero bakit may ala-ala ako na kasama si Dad? Si Kael?

Napabuntong hininga naman ako. Ni hindi ko kilala kung sino ang ina ko.

"Aaah!" I blurted out in frustration.

Napahawak naman ako sa ulo ko at pilit na pinipigilan ang sakit na dumadaloy dito. Nagugulohan ako sa lahat ng nangyayari.

Tumingala ako at huminga ng malalim. Kailangan kong maging alerto. Ngayon na alam kong hindi ko kilala kung sino ang tunay na ako. Lalo na't alam kong hindi ko pa kilala kung sino ang tunay na kaaway o kakampi ko.

Maaga naman akong gumising kinabukasan. Naghanda ako at tinungo ang dining hall kung saan kami kadalasang kumakain ng almusal.

"Irene!" tawag sa akin ni Kael ng makita niya ako.

Napatingin naman si Dad at ang iba pa niyang kasamahan sa mesa sa akin kaya nginitian ko naman sila.

I need to act that there is nothing wrong. Na okay lang ako. Na wala akong nalalaman.

Sa gilid ng mata ko ay nahagip ko si Ginoong Greg na tumitingin din sa akin. Nasa kanang bahagi siya nakaupo.

"Good morning Dad." bungad ko at hinalikan agad sa pisngi si Dad.

Tumabi naman ako sa gilid niya at inirapan si Kael.

"Anong akala mo? Matagal na naman akong gigising? Hmp! Hindi noh. Baka hindi mo na naman ako papakainin." mahina kong wika kay Kael at tinaasan siya ng kilay.

Nakita ko namang parang nag-iba ang emosyon niya. Na para bang bumait ang mga tingin niya.

"Kung hindi ka pa nagising ay baka hindi ka na naman makakain pero dahil mabait ako ngayon ay dadalhan sana kita ng almusal mo sa taas." aniya at ibinigay sa akin ang masarap na karne na nakahain sa harap niya.

"Irene." sambit ni Dad sa pangalan ko.

"D-Dad?"

Hindi ko siya masagot ng maayos dahil kumakain ako ngayon.

"Ano nga ulit ang misyon mo na matagal mo ng pinaghahandaan?" tanong nito na ikinatigil ko sa pagkain.

Tiningnan ko si Dad at nginitian. "Ang patayin si Troy Ashvill Dad. Ang susunod na maghahari ng Valencia."

Habang sinasabi ko iyon ay para bang nahihirapan ako. Hindi ko alam kung bakit. At hindi ko rin alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman ng mabanggit ko ang pangalang Troy.

"Good!" bulaslas ni Dad at kinausap ng muli ang mga kasamahan niya na kumakain din ngayon.

Nag-uusap sila tungkol sa mangyayaring digmaan. Tatlong araw na lang at mangyayari na ang araw na matagal na nilang pinaghahandaan.

Maliban sa mga bampirang nakatira sa Alegria, ay mayroon pang malalakas na bampirang sinasakupan si Dad. Nakatira dito sa palasyo at ang ilan ay nakatira sa malayong dapit ng kagubatan ng Alegria. Ang mga bampirang nag rebelde sa Valencia noon.

Yumuko na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung kailan ko malalaman ang katotohanan. At hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na wala akong nalalaman.

Sinulyapan ko naman si Ginoong Greg at nabigla ng makitang nakatingin siya sa akin. Parang may sinasabi siya. Hindi ko mabasa kung ano iyon.

Pero ramdam na ramdam ko na... humihingi siya ng tulong. 

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now