Chapter 23: Captured

946 73 13
                                    

Chapter 23: Captured

Nakatitig ako ngayon sa malapad na likuran ni Clark, tahimik lamang akong sinusundan siya. Sabi niya kanina ay sasamahan niya akong makaalis dito.

Malalim pa ang iniisip ko ng bigla akong natigil dahil bumunggo ako sa likuran ni Clark. Hindi ko namalayang tumigil na pala siya sa paglalakad.

"Ba't ka tumigil?" takang tanong ko sakanya.

"Nandito na tayo." wika niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Agad akong sumulyap sa harapan niya at tumambad sa amin ang malaking tarangkahan papalabas sa village ng Alegria.

Tila ba nagsisitalunan ang puso ko ng makitang makakaalis na ako.

"Thank you!" masaya kong wika at tiningnan si Clark.

Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. Kung hindi niya ako sinamahan ay paniguradong naligaw ako at baka mahanap pa ako ng mga kawal sa palasyo.

"Walang problema. Dito na lang kita masasamahan kasi kailangan ko ng bumalik." aniya, kaya tinangoan ko naman siya.

Tatalikod na sana siya ng bigla ko siyang tinawag.

"A-Ah Clark!"

Huminto siya at hinintay ang sasabihin ko. I gulp.

"Ba't niyo pala alam kung sino ako? Kasi kung hindi niyo alam ay paniguradong isinumbong niyo na ako."

Nagtataka kasi ako kung bakit nila ako kilala. Ibig bang sabihin niyan alam ng lahat ng nandito sa Alegria kung sino ako?

"Kilala namin si Ginoong Greg. Kaibigan niya ang ama namin kaya nalaman namin lahat ng tungkol sa'yo. Pero hindi lahat ng bampirang nandito sa Alegria ay kilala kung sino ka." he paused.

"Ang mga kawal at pinagkakatiwalaan lang ni Master sa palasyo ang may alam sa buong pagkatao mo." patuloy niya.

Kaya pala! Akala ko lahat sila alam kung sino ako. Tiningnan kong muli si Clark at nginitian sa huling pagkakataon.

"Maraming salamat talaga. Hindi ko alam kung papaano ka papasalamatan. Sige Clark at kailangan ko ng umalis. Mag-iingat ka sa pag-uwi!" sabi ko at tumalikod na.

Nakita ko namang tumalikod na rin siya at tuloyan ng naglakad pabalik.

Sabi ni Clark malayo ang lugar ng Valencia dito. Kaya kailangan kong magmadali. Susundan ko lang daw ang bawat punong may nakatatak na X sa gitna hanggang sa makaabot ako sa ilog. Pagkatapos ay tatambad sa akin ang gubat papalabas sa buong boundary ng Alegria. Sabi niya kanina na hindi daw ako maliligaw sa gubat palabas dahil agad kong maaniag ang kalye papunta sa lugar ng Valencia.

Hindi ko alam pero para bang bigla akong may naramdamang kakaiba ng nakalabas na ako sa tarangkahan. Hindi ko mawari kung ano iyon. Natatakot ako.

Hindi ko na lang tinuon ang pansin ko sa iniisip ko at tiningnan na lamang ang mga punong nakahilera sa daan. Malayo ang bawat agwat ng mga malalaking puno na may X na nakatatak.

Ilang minuto pa akong naglalakad hanggang sa mas naramdaman ko ang takot sa buong kalamnan ko. Hindi ko matansya kung bakit ko ito nararamdaman.

Huminto ako sa paglalakad at dahan-dahang tumalikod para tingnan ang likuran ko ng biglang tumambad sa akin ang mga kawal sa palasyo na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin. Tila ba natigil ako.

Paano nila ako nasundan?

Tatalikod na sana ako ng makita sa mga mata ko ang katawan ni Clark na dugoan. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa dalawang kawal at agad silang dinamba. Nakita ko kung paano niya ipitin ng malakas ang ulo ng kawal.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now