Chapter 14: Deceive

967 145 28
                                    

Chapter 14: Deceive

Kael's Point of View  

Tumigil kami sa isang malaking fountain na matatagpuan lang din sa likod ng palasyo.

Ba't niya ako dinala rito?

Binitawan niya ang mga kamay ko at lumapit siya sa fountain.

"Okay na." masayang wika niya.

Napasulyap naman ako sa ilalim ng tubig ng fountain at napasinghap ng makita ang pulang likidong umaagos sa tubig.

"Anong ginawa mo?" takang tanong ko.

Nginitian niya naman ako. That smile...

"Diba sabi mo gusto mo ng wishing well? Na tumutupad ng mga hiling?" ani nya na ikinabigla ko.

Sinabi ko ba 'yon sa kanya?

Alam kong binigyan namin siya ng mga ala-alang kathang isip lamang pero hindi ko alam na kasama pala sa ala-ala niya ang mga bagay na 'to.

"A-h oo." wika ko.

Tumango siya at itinuro ang fountain.

"Ito na 'yon! Gumawa ako ng ritwal kahapon na tumutupad ng mga hiling. Kahit anong hilingin mo sa fountain na 'to ay magkakatotoo." sabi niya kaya lumapit naman ako sa fountain.

Gumawa siya ng ritwal kahapon?

Eh kahapon lang din namin binura lahat ng totoong ala-ala niya. Kahapon lang kami nabuhay sa ala-ala niya.

Kaya paano siya gagawa ng ritwal? Napatawa naman ako.

Napatingin ako kay Sirene ng makitang nakataas na ang mga kilay niya.

"Ba't ka tumatawa?" takang tanong niya kaya napaubo naman ako.

"Wala, wala!" tumigil ako at napatitig sa mukha niya.

Kung alam mo lang sana ang totoo.

Naalala ko naman ang panahong inutusan ako ng pinuno na gambalain siya sa kanyang panaginip. Alam kong natakot siya ng husto sa ginawa ko. Kaso kasi pag 'di ko gagawin 'yon ako naman ang malilintikan.

Ang aming pinuno ay ang kapatid ng pinuno ng Valencia. Si Gilbert Ashvill.

Kung wala lang sana akong utang na loob kay pinuno edi sana malaya ako. Pero sinagip niya ako nong nag-aagaw buhay ako.

"Hoy!" tawag sa akin ni Sirene.

Tiningnan ko naman siya sa mga mata. Ang babaeng 'to. Marami pa siyang hindi nalalaman sa nakaraan niya.

Siya ay si Sirendepity. Ang nawawalang prinsesa ng Valencia. Ang susunod na reyna. Ang susunod na magiging kaagapay ng hari ng Valencia.

Ang pinakamalakas na bampira. Mas malakas pa sa hari. 'Yon nga lang hindi niya alam lahat ng 'to.

Dahil wala siyang na aalala. At ngayon binura na naming lahat ng mga nangyari sa kanya. At hindi na maibabalik pang muli iyon sa kanya.

Napabuntong hininga naman ako. Kung hindi ko lang sana utang ang buhay ko sa pinuno, wala sana ako rito.

Pasensya kana Sirene...

Ngunit kailangan kong magpanggap sa harap mo. Kailangan ka naming gamitin. Dahil ikaw lang ang makakapatay kay Troy Ashvill.

Wala ng iba!

"Ano ba! Hindi ka ba masaya!" singhal niya kaya napabalik naman ako sa ulirat.

"Ay aba oo masayang masaya ako!" wika ko sabay ngiti sakanya.

"Parang hindi naman eh!" ani niya kaya tumawa naman ako.

"Eh akala ko ba bwesit lang ako sa buhay ng isang Irene? Eh ba't gumagawa gawa pa siya ng ritwal para matupad lahat ng hiling ko?" tukso ko sakanya.

Sinimangotan niya naman ako.

"Walangya ka talaga! Minsan na nga lang akong maging mabait eh! Tsk." sabi niya at agad na umalis ng mabilis.

"Teka lang!" tawag ko sakanya at sinundan siya.

"Irene!" tawag kong muli.

Irene...

Sirene....

Naaawa ako sa babaeng 'to.

Binibigyan na lamang siya ng iba-ibang personalidad.

Ni hindi man lang niya nalaman na ang tunay niyang pangalan ay Sirendepity. Hindi Sirene. At mas lalong hindi Irene.

Pero kung hindi naman namin siya lolokohin. Hindi namin susundin lahat ng iuutos ng pinuno. Ipapapatay niya kami. Lalo na't sumumpa kaming susundin namin siya habang buhay.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now