Chapter 27:After Death

915 69 6
                                    

Chapter 27:After Death

Sirene's Point of View

Nagising akong nanghihina, na tila ba kinakapos ako sa paghinga. Hindi ko alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari basta ang huling naaalala ko lang ay ang mabilis na pagbaril ni Gilbert sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib ko at nakitang walang sugat dito. Anong nangyari? Ramdam at kitang-kita ko kung paano ako natamaan at kung paano bumaon ng madiin ang bala sa dibdib ko.

Inilibot ko naman ang aking paningin at napasinghap ng mapagtanto kong nandito ako sa loob ng akademya.

Naalala ko nang bata pa ako, palagi kaming pumupunta ni Troy rito. Lalo na kapag may pagu-usapan ang aking Ina kay Tita Emma. Ngayon ko na lamang nakita ang lugar na ito. Pero bakit ako nandito? Hindi ba ay nasa alegria pa ako?

"Sirendepity, halika rito! Maglaro tayo!"

Napatingin naman agad ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses na iyon at nakita ang dalawang maliliit na bata. Npasinghap ako ng mapagtantong ako ang batang babae na 'yon at ang batang lalaki naman ay si Troy. Hindi ako nagkakamali. Pero bakit ko ito nakikita ngayon?

"Sige maglaro tayo Troy!"

"Anong gusto mong laroin?"

"Gusto ko ng tago-tagoan."

"Sige iyan ang lalaroin natin ngayon kasi 'yan ang gusto mo eh."

"Yeheeey!"

Nakita ko naman kung paano kumislap ang mga mata ng batang babae sa sinabi ng batang lalaki. Naalala ko na ang panahong nangyari ito. Ito 'yong mga panahong walang problema ang mga pamilya namin. Walang digmaan. Walang alitan at walang Gilbert na nakikialam sa pamumuhay namin.

Nag-iba naman ngayon ang bawat paligid. Ngayon ay nasa loob ako ng isang silid. Nakita ko ang batang babae na si Sirene kasama ang kanyang ama at ina.

Hindi ako makapaniwala. Banayag naman ang aking pag galaw papunta sa aking ama at ina. Masaya silang nakatingin sa batang si Sirene. Napakasaya! Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila bilang mga magulang.

Naramdaman ko na lamang ang mabilis na pagtibok ng puso ko na ngayon ko lang yata naranasan. Kakaiba ito at nakaka pangamba. Napatingin akong muli sa aking ama at ina at napatakip ng bibig ng makita kung paano hinawakan ni ina ang ulo ng batang si Sirene.

"Mama.." mahinang bulong ko at napayuko.

Ramdam ko ang mabilis na pag-agos ng aking mga luha. Nasasaktan ako sa aking nakikita. Ni hindi ko man lang sila naabotang buhay. Humikbi ako at dahan-dahang napaluhod sa harap nila.

"M-Mama sorry..." mapaklang usal ko habang tinitingnan silang muli.

Napakaganda ng aking ina. Nakasuot ito ngayon ng magarang bestida, mahaba ang kanyang buhok at ma alon ang hulihan nito. Suot niya ang kanyang paboritong sandal, bigay ito ng aking ama kaya niya ito naging paborito. Sumulyap naman ako sa aking ama. Magiting at isang mabuting lalaki. Suot-suot niya ngayon ang kulay asul na polo na bigay din ng aking ina. Napatawa naman ako ng bahagya. Kumukupas na ang kulay ng kanyang polo ngunit palagi niya pa rin itong sinusuot.

Napabuntong hininga ako at pinawi ang mga luhang nasa pisngi ko. Kung maibabalik ko lamang sana ang panahon. Susulitin ko ang bawat oras na kayo'y kasama. Kung alam ko lang sana na iyon na pala ang huling pagkakataon.

Nag-iba na naman ngayon ang buong paligid. Nasa hardin na ako ng palasyo ng valencia, masarap ang simoy ng hangin at nakakagaan ng loob.

Naalala ko noon, sinabi sa akin ng aking ina na hindi namamalagi ang pamilya ni Troy sa palasyo dahil gusto ng mag-asawang si Haring Ignacio at Reyna Emma na maranasan ng kanilang mga anak na manirahan bilang normal na bampira. Gusto nilang maranasan ng kanilang mga anak na tumira sa isang bahay na walang katulong, walang utosan. 'Yon bang hindi sila maharlika sa pamamahay nila.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now