Chapter 25: A Vampire's Battle

1.1K 76 23
                                    

Chapter 25: A Vampire's Battle

Third Person Point of View

Samakatuwid, gabi na ng matapos ang pag eensayo ng mga kawal at iba pang mandirigma ng Valencia. Kaya nagpapahinga na muna sila ngayon sa gitna ng village.

Ang ilan naman ay umuwi na para makapagpahinga ng maayos ng may biglang dumating na isang babae sa hangganan nila. Pinagpapawisan ito at hindi mapakali sa kanyang sasabihin. Hinahanap niya ang Haring si Benedict upang ibigay ang mahalagang mensahe.

Nang makaharap na nga ng babae si Haring Benedict kasama ang anak nitong si Troy at Rain, doon niya ibinulgar lahat ng nalalaman niya. Sinabi ng babae na ang nagngangalang Sirene ay dinakip ng kapatid ni Haring Benedict na si Gilbert. Sinabi niyang kinuha ni Gilbert ang lahat ng ala-ala ni Sirene at nong nakaka-alala na si Sirene napagpasyahan nitong tumakas ngunit nahuli ito at iginapos muli sa loob ng palasyo.

Noong una ay hindi pa naniniwala ang Hari at ang dalawang anak nito. Nagalit pa lalo si Troy ng marinig ang pangalan ni Sirene ng gayoy patay na ito. Hindi sila naniniwala sapagkat sinasakupan din ni Gilbert ang babae at bakay trap lamang ito.

Pero noong sinabi ng babae na hindi siya nagsisinungaling dahil ang kanyang kapatid na nagngangalang Clark ang siyang tumulong sa babaeng si Sirene na makatakas ay nagsisimula na silang makumbinse. Kasamang iginapos ang kanyang kapatid at pinatulan ng kamatayan sa nagawa nitong pag ta-traydor.

Hindi alam ng babae ang gagawin kayat dumiretso ito sa Valencia upang sabihin ang mensahe. Kaya't dali-dali namang nagplano ang buong kawal at mandirigma ng Valencia ng malamang nagsasabi ng totoo ang babaeng nagngangalang Gail. Naghanda agad ang Hari lalo na si Troy ng malamang buhay pa ang kanyang sinisinta.

Kinaumagahan, lahat ay naghahanda na sa gaganaping pagsulong sa Alegria. Nagbilin naman ng ilang kawal at mandirigma si Haring Benedict sa labas ng tarangkahan ng Valencia upang magbantay sa buong lugar.

Nang makita ng Hari na handang-handa na ang lahat, sinimulan na agad nilang tahakin ang daan patungong Alegria.

Matalim naman ang mga mata ni Troy Ashvill, seryoso itong tumatakbo ng mabilis patungo sa Alegria. Ang tanging iniisip niya lang ay ang iligtas ang kanyang reyna na si Sirene at wala ng iba.

Umaapaw din ang malakas na enerhiya sa buong katawan ng prinsipe. Gusto niya ng makita ang kanyang sinsinta. Dahil sa oras na makita niya na ang babae, mararamdaman na niyang muli ang koneksyon. Ang bond nilang dalawa ni Sirene kung saan bumibilis ang tibok ng puso nilang dalawa, makakaramdam ng kaba at kakaibang sensasyon sa dibdib kapag sila ay magkasama. Ang bond na siyang simbolo ng kanilang pagmamahalan.

'Di kalaunay nakarating na nga ang mga mandirigma at kawal ng Valencia sa Alegria. Sumugod sila at tumambad ang mga kawal na nagpapahinga sa labas ng palasyo. Tila nabigla sila ng makita ang mga itsura nito. Na para bang pinilit lang silang maging kawal sa Alegria.

Pumasok ang Hari at ang dalawang prinsipe na si Troy at Rain sa loob ng palasyo. Kasama nila ang mga malalakas na mandirigma at kawal sa Valencia. Doon tumambad ang mga kawal ng Alegria na nabigla sa pagsulong nila.

Nakipaglaban ang mga madirigma sa mga kawal ng Alegria. Makikita sa tarangkahan ang galit na galit na pagmumukha ni Troy, lahat ng kawal na humaharang sa dinaraanan niya ay pinagpapatay niya. Sa sobrang lakas nito ay walang laban ang mga kawal sakanya.

"Kalabaaan!" malakas na sigaw ng isang kawal, at mabilis na tumakbo papasok sa palasyo. Tumunog ang malaking tower ng Alegria hudyat na may kalabang nakapasok.

Nagsisimula naring pumula ang mga mata ni Troy, sinusuntok niya ng malakas ang mga kawal at ang iba ay iniipit ang mga ulo nito na tanging galit na bampira lamang ang makakagawa.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now