Search for Rhian

902 40 9
                                    

Glaiza's POV:

Pagtapos ng lunch namin ni Miss Denise Limjoco kahapon, Nagpaalam na ako para umakyat sa taal. Hindi ko din maintindihan bakit ganun kadali lang ako naging close sa kanya. She is a nice young woman, very open at nang sinabi kong isa akong lipstick lesbian, she just smiled and said 'Wag mo ikahiya kung ano at sino ka.' I finished reading Rhian's diary kaninang umaga lang,  pero as it turns out the last part of the diary was incomplete. She began to write that she was migrating back to the U.S. for treatments, pagtapos sinabi din nyang mamimiss nya ang best friend nyang si Bianca. Tapos may sinasabi siya kung anong treatment ang pagdadaanan nya. Pero bago nya masabi kung anong treatment iyon, wala na naputol na doon ang entry, the entry itself was tear stained.

Nagdesisyon akong maglakad-lakad sa subdivision habang nag-google search ako, I typed Rhian Howell, wala siyang profile sa kahit anong social media sites, pero sa dati nyang school sa De La Salle Santiago Zobel School an article about the Varsity Team of Track and Field exists. May medalyang naka-sabit sa batang Rhian, naka-ngiti ito at bakas ang tuwa sa kanyang mga mata. The article was entitled "Rhian Denise R. Howell: Champion's Last Year" the article was written by Jeremy Limjoco at ang article ay tungkol sa pagpupugay sa batang Rhian, sort of a memorial para sa kanya. Nailathala din dito ang pinagdaanan ng bata sa loob ng isang taon. Pati ang laban na kanyang kakaharapin sa pagsugpo sa sakit niyang Leukemia.

Tapos isa pang article ang nakita ko about Rhian winning her first gold medal for their varsity team. Tapos ang isa ay Proyekto ng batang Rhian para sa komunidad, bukod kase sa pagiging atleta ang batang Rhian Howell ay isang Student Leader din. Tapos ang isa naman ay tungkol sa isang inter-school Quiz Bee challenge kung saan naging kampiyon ang batang si Rhian Howell. Sunod-sunod ang mga accomplishments nito at ang huling natala ay 2004 pa. Naisip ko pwede kong ipagtanong sa Guard kung may kakilala siyang Rhian Howell na malamang ay residente rin dito sa Ayala Heights Subdivision. With this thought, I found myself walking to the Guard House. Pagdating ko doon nagtanong na ako sa guard.

"Kuya, pwede hong magtanong?" Sambit ko sa guard.

"Ano ho yun Ma'am Glaiza?" Magiliw na tugon ng Guard na si Kuya Amboy.

"Kuya, may kilala ka bang Rhian Howell na residente rin dito?" Tanong ko kay kuya.

"Ay ma'am wala ho eh. Pero maari ninyong ipagtanong sa Home Owner's Office, baka ho kase matagal nang wala dito ang hinahanap ninyo." Kuya Amboy said.

"A sige salamat ho kuya. Puntahan ko na lang sila." I said smiling.

I walked to the Home Owner's Association office which was near the guard house. I entered the office at doon ay nakita ko ang isang mama, nasa 50 years old sa tantya ko, naka-upo ito sa desk. Nilapitan ko na at nagtanong.

"Hello po Sir. Ako po si Architect Glaiza Galura, taga block 10 lot 02 po. Kakalipat ko lang ho nung isang linggo, pero gusto ko hong magtanong kung may kilala ho kayong  Rhian Denise R. Howell." I said to him.

"Naku Hija. Matagal na silang wala dito. Ako ang naka-bili ng bahay nila, magkapit bahay tayo." He said smiling.

"Ay ganun ho ba? Alam nyo ho ba kung saan sila ngayon?" I asked him.

"Ang alam ko nasa New York sila nagpunta, buong mag-anak." Sabi ng matanda sa akin.

"Ah ganun ho ba?" I asked.

"Yes, teka bakit mo nga pala hinahanap ang mga Howell?" Tanong ni Manong sa akin.

"Ay wala ho. Dati ho akong kaibigan ng anak nila." I said to him.

"Ah ganun ba? Pasensiya ka na Hija, wala kasi akong balita tungkol sa kanila." He said smiling.

"Sige ho sir, salamat po. Oh and here's my business card po pala, kung may kakilala ho kayong gusto magpa-landscape po." I said to him as I handed him my calling card. 

Time CapsuleWhere stories live. Discover now