Cool Off

737 36 2
                                    

Glaiza's POV:

Naka-uwi na si Rhian habang ako, pauwi pa lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, gusto kong magalit kay Rhian. Pero wala naman akong sapat na dahilan para magalit. I blared music on loop, my favorite song of all time, Cool Off from Session Road. Rock at mapapaheadbang ka sa tono, ganun din ang lyrics nila. I also like their song Leaving you, it was my anthem for break ups. Hahaha! Nakakatawa lang kasi kahit na nasaktan ako kanina parang wala lang ito sa akin. Sinimulan nya kaninang umaga hanggang hapon sa engkwentro ko kay Jeremy, yung ex nyang mukang kumag.

Kala mo naman kung sinong gwapo! Nakakainis. 😤 Epal pa sa date namin kanina. Magtatapos na lang ang magandang araw na sana, biglang umepal pa yung damuhong yun. Hindi ko maintindihan si Rhian, ganun ba nya ka-mahal yung lalakeng yun? Aysh! Ewan! My mind screamed at me. My mind is a mess right now. Gusto ko lang munang manahimik.

Kahit saglit lang, to focus on my work, dahil may kliyente nanaman akong nabook. My company is growing, so I should hire two to three teams of builders at isang office team na siyang magbobook ng mga kliyente. I have thought of expanding my business. Pero dahil nga binara ako ni Rhian ngayon lang mas nanaig sakin na ayusin na ang munting negosyo na nasimulan ko. Kumita na din naman ako bg malaki, kaya ko nang magpasahod ng dagdag na mga taohan.

After 1 hour and thirty minutes of driving, I finally arrived home. I parked my car in my garage. Kamakailan lang ay nag-hire na ako ng isang katulong na stay in, para may tumulong kay Nanay sa pag-aasikaso sa bahay at isang house boy para tumulong sa pagbubuhat ng mga bagay sa bahay. It was dinner time already when I arrived home. Bagamat pagod at tulala sa mga ganap ngayong araw, pinilit kong ngumiti pagpasok ko ng bahay. Nasa dining area na sila Nanay at Tatay, sila ang bumungad sa akin.

"Buti naman at naisipan mo pang umuwi." Bati ni Nanay sa akin habang inaabot ko ang kamay ni Nanay para mag-mano.

"Kaawaan ka ng Diyos." Sabi ni Nanay.

"Mano ho, Tay." I said to Tatay habang inaabot ko ang kamay ni Tatay.

"Kaawaan ka ng Diyos." Tatay said.

"Pasensiya na ho 'Nay, nagkasarapan kasi kami ng kwentuhan ni Rhian." I said to Nanay.

"Dinala mo ika sa atin?" Tanong ni Tatay.

"Oho, kumain lang kami ng tanghalian, nag-libot tapos kumain ng meryenda. Tapos umuwi na." I said to Tatay.

Nanay was silent and acted she didn't care about how my day went.

"Nay, pasensiya na. Nawala lang talaga ako sa isip ko at hindi ko na namalayan ang oras. Pero andito naman na ho ako."

"Hindi porket iyo ang bahay na ito ibig sabihin pwede ka nang mag-gagaganyan. Glaiza, nag-aalala kami ng Tatay mo." Nanay said.

"Hayaan ho ninyo nay, hindi na ho mauulit." I replied to Nanay.

"Ano ba naman yung mag-text ka lang para hindi kami nag-aalala." Bwelta ni Nanay.

"Cristina, tama na iyan. Malaki na ang anak mo. Alam na nya ang ginagawa nya." Tatay said.

I gave Tatay an apologetic smile.

"Hala, kumain na tayo." Tatay said as he nodded at me.

Hindi na muling nag-salita si Nanay. After kong mag-dinner, umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pag-tapos kong maligo, naisipan kong tumambay sa swimming pool sa likod na bahagi ng bahay, palabas ng dining area. Naupo ako sa gilid, naka-lublob ang paa ko sa tubig. Habang iniisip ko pa din ang mga masasakit na salita ni Rhian.

Agad nanamang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pilit tinatago kela Nanay at Tatay. Sa wakas, heto na at humahagulgol na ako sa pag-iyak. Impit na hagulgol lang, baka kasi marinig ako nila Nanay. Wala pang kinse minutos, naka-dinig ako ng yabag ng mga paa. Agad kong pinahidan ang mga luha ko sa takot na baka si Nanay ito. Kahit na madalas ay masungit si Nanay, alam kong para sa ikakabuti ko naman lahat ng sinasabi ni Nanay.

Matigas lang talaga ang ulo ko, lagi akong naghahanap ng sakit sa puso, ika nga ng mga kabarkada ko. Lagi na lang sawi sa buhay pag-ibig. Naupo sa tabi ko si Tatay.

"Hindi ka pa maka-tulog?" Tanong ni Tatay sa akin.

"Hindi pa ho." I said to Tatay as I struggled to steady my voice.

"Ganyan talaga ang buhay Glaiza, madami kang kailangang pagdaanan na masakit, para sa pag-ibig na inaasam mo." Sabi ni Tatay.

"Paano ho kung ang taong mahal ninyo may asawa na?" Tanong ko kay Tatay.

"Mahirap nga yan. Pero ang lagi mong tatandaan, basta wag kang makiki-apid sa may asawa. Pero kung alam mo namang hindi na masaya ang babaeng yun sa kanyang asawa, aba eh gumawa ka ng paraan para pasayihin siya." Tatay said.

"Binubugbog ho si Rhian ng kanyang asawa, kelan lang ho dumating dito yung lalaki, kaya ho kami natagalan ni Rhian dahil sa lalaking yun." I said to Tatay.

"Sana maunawaan mo si Rhian. Hindi biro ang mga pinagdaanan nya kung ganun. May takot at alinlangan yan sa puso nya. Kailangan handa ka." Tatay said.

"Salamat ho sa paalala tatay. Tatandaan ko ho yan." I said to Tatay.

"Lagi mong tatandaan, hindi lahat ng tao kagaya mo mag-mahal. Bihira ang gaya mo, kaya wag mong sagadin ang sarili mo para lang sa kanya." Tatay said.

"Hindi na po mauulit tay." I said to her.

"Mabuti. Matulog ka na anak, maaga pa tayo bukas sa simbahan. Alam kong mahaba ang naging araw mo." Tatay said.

"Sige ho Tay, maya-maya ho aakyat na ako. Good night tay, sweet dreams."

"Good night rin hija at patuloy kang mangarap. Libre lang mangarap, nasa iyo kung talagang gusto mo gagawan mo ng paraan." Tatay said as he rose from where he sat.

Tatay is my best friend sa lahat ng mga kaibigan ko, si Tatay ang tunay na nakaka-intindi sa akin. Tama si Tatay. Cool off muna siguro kami. Magpapakabusy muna ako sa trabaho. Eventually, I made my way back to my room.

Napansin kong may message sa phone ko, so I picked up my phone off the side table, galing kay Rhian ang message. Upon seeing this, ibinaba ko ang phone ko. Went to the bathroom and brushed my teeth. Tapos ay natulog na ako ni hindi ko man lang binasa ang message ni Rhian.

A/N:

This chapter is for Vi_AndreA, good morning. 😂✌️🤣 Kinulit nanaman po nya ako mga kaibigan.

Salamat to everyone who is supporting me and the stories I wrote here.

Spread light and love!

- Sky

Time CapsuleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt