Glaiza's Pride

738 44 7
                                    

Glaiza's POV:

It's been a month since I last saw Rhian, a month of radio silence. Hindi ko ito nirereplyan kahit na nagtetext ito at tumatawag parati sa akin. It was Saturday, nasa katabing bakenteng lote ako, nagtatanim ng mga bulaklak at nagtanim na din ng puno sa pinaka-dulong bahagi ng lote ko. Still thought about Rhian though.

Si Tatay kanina pa nanonood sa akin na mag-tanim. He shook his head after a while and said.

"Hindi mo man lang sagutin ang tawag na yan." Tatay said.

Dahil nga kanina pa nagriring ang phone ko pero parang wala lang ito sa akin, alam kong si Rhian ang tumatawag. Like what she's been doing for the past Saturdays. Tumatawag ito sa akin tuwing umaga, hanggang gabi. She sends messages in between, saying she is sorry. The problem is, I don't know what she was sorry for is it for what happened to us or is she sorry Jeremy and I had an encounter. Di ko talaga magets si Rhian.

Maya-maya pa, napalingon kami ni Tatay sa bandang harapan ng bakenteng lote. Rhian's Black Subaru Impreza parked in front of the vacant lot, maya-maya pa, bumukas na ang pinto and Rhian alighted her car and walked towards my house. Hindi nya napansin na nasa bakanteng lote ako. I watched as she knocked on the gate.

"Tay, saglit lang." I said to Tatay, before following Rhian.

"Anong ginagawa mo dito?" I said to Rhian as I got out of the vacant lot.

"Uy, Glaiza. Andyan ka pala sa bakanteng lote. Uhm, I came to apologize for the things I said about you and about what happened between you and Jeremy." She said sincerely.

"Hindi mo naman kailangan magpunta rito. Busy lang ako kasi madaming kliyente ang naibook ko this month." I said to her honestly.

"I know, but you were not answering my calls and texts." Rhian said.

"Paano ka naka-pasok dito?" I asked her.

"I left my ID sa guard." She said smiling sheepishly.

"Anong sinabi mo sa guard?" I asked her.

"Pupuntahan ko kako ikaw." She said.

"Okay. I forgot to tell them na wag magpapasok ng kahit na sino with out calling me first." I said to her as I made my way back to the vacant lot.

Rhian followed me, nagulat ito ng makita na andun din si Tatay.

"Tay, kliyente ko ho noong nakaraang buwan, si Rhian Denise Howell - Limjoco ho, Rhian, si Tatay." I said to them as I resumed planting.

"Hello po Tito?" Rhian greeted Tatay.

"Boy, Tatay Boy na lang ang itawag mo sa akin." Tatay said.

"Hello po Tatay Boy." Rhian said.

"Saglit lang, maiwan ko muna kayo dyan, kailangan ng tulong ng Nanay ni Glaiza eh." Tatay said.

Kahit na alam kong palusot lang ito ni Tatay upang maka-usap ko si Rhian ng mag-isa.

"Sige ho Tay." Rhian said.

Naiwan na kami ni Rhian sa bakanteng lote. Nakakabingi ang katahimikang namamagitan sa amin ni Rhian, sa bandang huli, si Rhian na din ang bumasag sa katahimikan.

"I said I'm sorry, why are you being rude to me?" She said.

Her arms crossed and raising an eyebrow at me.

"Ewan ko sayo Rhian, tingin mo bakit ako ganito ka-rude sayo?" I said to her tauntingly.

"Kase nasaktan kita sa mga pinagsasasabi ko sayo. Pero sana maintindihan mo ako. Kasi may rason ako bakit ko yun nasabi at nagawa sayo." She said to me.

Time CapsuleOn viuen les histories. Descobreix ara