Part 1

1.4K 48 1
                                    

A/N:

Hello readers!

Sorry nawala ako ng walang paalam, ehe ehe

So ayon, dahil sobrang busy ko na sa buhay at eme eme ko lang naman ang pagsusulat dito sa wattpad, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa stories ko.

I already wrote several drafts for the Protecting Alexandria but I do not see supports for the story. That is why I won't be updating that any sooner.

For this story, Breaking Boundaries, I am planning to make minor revisions to try to minimize and correct some errors, some cringe parts. But I cannot promise that it would become perfect once done, and it will never be perfect!

Anyways, if you see this sign *** at the beginning of a chapter, it means that a revision has been made. Araso?

Ingat tayong lahat palagi!

***

"Happy birthday, Darys!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa biglang sigaw ng bwisit na 'to.

"Hoy ikaw! Kung kailangan 18th birthday ko tsaka ka naman wala! Kupal ka!" sigaw ko pabalik. Siraulong 'to kasi, parang hindi ko bestfriend ah. Sa lahat kasi ng pwedeng mawala ngayong birthday ko, siya pa talaga? Nakakapag-tampo siya.

Napabuntong hininga na lang ako.

Magbabago na ang buhay ko pagkatapos ng araw na ito tapos wala siya dito para samahan ako.

"Sorry na. Sinabi ko naman na sayo kung bakit wala ako diba? Alam mo na, bente anyos na ako kaya hindi na ako makaalis alis dito." inirapan ko lang ang imahe ng lalaki sa salamin.

"Oo na lang! Isang araw ka lang naman aalis dyan, maiintindihan naman siguro ng daddy mo." Nag-pout ako para makuha ang loob niya. Alam ko namang wala itong epekto sa kaniya noon pa man, pero malay natin ngayon? Eighteen na ako, baka may epekto na sa kaniya ang seduction abilities ko.

"Tigilan mo 'ko sa mukhang yan. Kahit pa tumanda ka ng limampung taon alam mong walang epekto sakin yan, baka sa iba meron pa. Pero ibahin mo 'ko." wika nito habang umiinom ng pulang likido sa hawak nitong baso.

Napakayabang talaga!

"Oo na! Sinusubukan ko lang naman, baka gumana. Birthday ko eh."pagsuko ko. I crossed my arms and rolled my eyes again.

"Hays. Gustong gusto kong pumunta dyan, pero wala eh. 'Di talaga pwede." hindi ko ito sinagot at nakacross arms parin. Nagtatampo talaga ako. This day is a big and memorable day for me. Today is a big turning point of my life, I want to see him sending me off on the tradition. Lahat naman siguro tayo dumaraan sa isang major event or transition na magpapabago sa pagkatao natin, like losing someone we love, meeting someone that plays a major role for our changes, identifying our sexuality or maybe simple birthdays such as eighteenth or twenty-first birthdays.

"Anyway, eighteen ka na oh. May plano ka na ba? Baka matapos ang araw na 'to at maging tao ka." tumawa ito ng pagkalakas lakas, ginagawa na naman niyang joke ang buhay ko.

"Nakakatawa yon? Ha?! Nakakatawa?!" bulyaw ko naman na ikinatawa niyang muli.

"Hey chill. Ito naman 'di na mabiro. Gusto lang kitang patawanin." tinaas nito ang kaniyang mga kamay na parang sumusuko sa awtoridad.

Humarap ako ng maayos sa kaniya bago bumuntong hininga ulit. "Kaya nga gusto kong nandito ka ngayon, hindi ko alam ang gagawin. Yes, Mom and Dad already gave me the instructions, even Aunt Hilda helped me, but see? I don't know how to do the 'thing' and where to start. Parang ngayon pa nga lang nakokonsensya na ako na may kukuhanan ako ng life force ." In the first place I do not want to do the ritual, I do not want to take someones life.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now