Part 31

127 12 0
                                    

"May parating!" biglang naalerto si Axel at bigla nitong pinagaspas ang mga pakpak at lumipad paitaas. Nagtakbuhan naman kami sa gilid at nagtago sa mga bangketa.

"Mga elite casters. Talagang pinalitan na nila ang mga sundalo dito sa kapitolyo, pero kailan pa gumamit ng mga casters bilang sundalo ang Isleworth?" puna ni Luis sa apat na sundalong nakasuot ng puting balabal.

Pamilyar ang mga balabal na suot nila. Hindi ako maaring magkamali, ganyang ganyan ang balabal ng mga umatake sa amin sa St. Helen sa gabing iyon bago kami nagtungo dito ni Axel.

Now its making sense, everything happened before was because of the new king. He was the one responsible for what happened in the dark continent and in the lost of the relics. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon, bakit ang isang tao ay gustong buksan ang relics. Sabi sa alamat nakakulong sa kahon ang unang mga kadiliman kaya bakit ang isang tao ay binabalak buksan ang kahon na maaaring magdala ng kapahamakan sa kanya?

Pwera na lang kung may iba pang pinaplano sa kahon ang hari ng mga tao.

Pag-alis ng mga kawal ay kaagad na din kaming umalis papunta sa palasyo. Hindi parin bumababa si Axel mula sa itaas pero naaaninag ko siya mula dito sa ibaba. Siya na ang mata namin mula sa himpapawid, siya ang magsasabi kung may mga makakasalubong kaming kalaban.

Habang lumalapit kami sa kastilyo ay mas lalo kong nararamdaman ang mahikang itim na nanggagaling sa loob. Nasa kaharian ng mga tao kami pero ganitong ganito ang pakiramdam ko kapag nasa dark continent ako. Parang nasa Ward o St. Helen lang ako,ano bang nangyayari dito?

Mabilis kaming tumatakbo sa kabahayan at makailang iwas na kami sa mga sundalong rumuronda sa paligid. Maswerte kami at wala pang nakakahuli sa amin.

Malapit na kami sa mga pader ng kastilyo ng magsalita ang lalaking kasama namin, "Hindi tayo pwedeng dumaan sa gate." napatigil kami sa sinabi ni Luis.

Tama siya.

"So paano tayo makakapasok sa loob?" tanong ko habang sinusuri at iniisip parin kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Bago pa may sumagot sa akin ay naramdaman na namin ang malakas na hampas ng hangin mula sa mga pakpak ng lalaking galing sa himpapawid. Parang angel ang peg!

"Oh save me my angel!" biro ko sa lalaki with actions pa ng mga kamay ko. Natawa naman ang dalawa  sa ginawa ko.

Seryoso lang niya akong tinignan. Ang kj naman.

"Ililipad ko kayo papasok sa loob." nanlaki naman ang mga mata ko at halos sumigaw na ako sa excitement! Ewan ko pero parang naexcite akong lumipad! Ang lakas makadagdag sa pogi points pag may pakpak!

Nagtungo kami sa mapunong parte ng mga pader.

"Oras na nasa loob na tayong apat ay maghihiwalay na tayo ng landas. Ang misyon namin ni Luis ay hanapin ang relics at makuha kahit isa lamang sa kanila, kayo namang dalawa ay kailangang makuha ang librong Legein." muling pagpapaalala ng lalaking may bagwis sa amin. Nagtanguan naman kami at nagsipaghanda na buhatin ng lalaki isa-isa.

Unang nilipad ni Axel si Luis papunta sa kabilang bahagi ng matayog na pader. The pair of wings flapped and made a strong gust of winds but did not make any other noticeable sounds to anyone. Parang kwago lang na napakatahimik lumipad.

Wala pang limang minuto ng bumalik na ulit ang lalaki at hinawakan sa magkabilang braso ang babaeng may salamangka.

Ako pa talaga ang iniwan sa dulo. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap sa kanya.

Pagdating ng ilang minuto ay bumalik na din siya. Inirapan ko kaagad siya ng lumapag siya sa harap ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

Breaking Boundaries Kde žijí příběhy. Začni objevovat