Part 6

369 18 0
                                    

***

I was standing in the veranda watching how the dark and cold night still made the city alive in these ungodly hours. Kitang-kita mula dito ang buhay na buhay na bayan, a 24/7 market. Well, hindi na nakakapagtaka, we are in the dark continent after all. Nama-maximize ng dark borns ang araw at gabi kaya walang pahinga ang mga bayan. The light borns and humans sees us as hideous, demonic, and scary creatures of the dark. Well in fact, we were just like them living our own normal lives trying to avoid conflict with them as possible.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanina pang badtrip na mokong. Hindi ko naman siya pinansin dahilan para tabihan niya ako sa veranda. "Want some coffee?" sabay alok nito sakin ng mug na hawak niya.

Umiling ako, "Sa tingin mo? Anong magandang iregalo sa papa mo? Wala pa akong regalong nabibili, nakakahiya naman kung wala akong maibibigay. Ilang araw na lang kaarawan na niya."

"Hindi naman kailangan ni papa ang kahit anong materyal na bagay. Ayos na yung makita niya ang pamangkin niyang narito sa mismong kaarawan niya." he answered while sipping on his coffee.

Napabuntong hininga ako. "Iba parin kapag may regalo kasi, oo alam ko na hindi importante kay tito ang mga materyal na bagay pero iba parin talaga kapag may regalo. Alam mo yon?"

Ano kaya kung bumalik ako sa bayan bukas? Tatlong araw pa naman mula ngayon ang birthday ni tito, sigurado makakahanap pa ako ng pwedeng iregalo sa kanya. Magtatanong na lang din ako kay tita ng magandang regalo. Tama ganon na lang! Saktong-sakto pa at mukhang sa gabi bago ang kaarawan pa ang balik ni tito, madami pang oras!

"Pero maiba lang ako, talaga bang pupunta sa kaarawan ni tito ang mga Duchannes?" pag-iiba ko sa usapan nang maalala ko ang tungkol sa kanila. Gusto ko kasi kahit isang beses lang ay makita ko kahit isang miyembro lang ng pamilya nila. Bucket list ko yon, tsaka ayoko namang itong kumag na ito lang ang nakakakita sa mga Duchannes. I also wanted to witness those magnificent family. Such an honor if Isaw them, especially their first born— Duchannes!

"Yeah, they will. Pati ang parents mo darating din dito sa kaarawan ni dad." mas natuwa naman ako sa sinabi niya. Kung darating sila, malamang sa malamang hindi ko lang makikita ang mga Duchannes, malaki ang posibilidad na makausap ko pa sila. Thanks to politics mukhang mami-meet ko na first hand si Silvar!

Sa wakas, makakakita na ako ng ibang high ranking family. And on top of it, ang rulers pa ng region! Exciting!

"Kamusta naman ang pagiging incubus? May mga kakaiba ka bang napansin na pagbabago sayo?" he asked while I'm still in the midst of day dreaming.

Napaisip ako tuloy ako. Parang wala naman, still normal as ever bukod sa mga kakaibang pantal na nakuha ko kung saan.

Medyo ibinaba ko ang kwelyo ng damit ko para ipakita sa kaniya ang mga misteryosong pantal. Medyo naging dark red na sila, hindi kagaya nung una na parang mansanas ang kulay. "Normal naman lahat, bukod sa mga pantal na 'to. Hindi ko talaga alam kung saan ko sila nakuha tapos nung paggising ko para akong nabalian sa sakit ng katawan." pagpapaliwanag ko habang iniinspeksyon parin ang mga pantal ko. Ang dami talaga lalo na sa bandang dibdib.

"M-maybe that's the response of your body to your incubus state." sabay lagok na naman sa kape nito. Halos masamid pa ito sa paglagok, ang OA. Para namang mauubusan siya.

"Hmmm. Siguro nga, pero nakakapagtaka rin na ilang linggo na simula nung una at huling beses akong nakadrain ng life force pero hindi ko parin ramdam yung thirst. Commonly, incubus and succubus thirsts for life energy every week after their last draining. So weird. "

Nakakapagtaka talaga. Supposedly, dapat nung nasa Ward pa lang ako ay nauhaw na ako, pero hanggang ngayon hindi parin. Normal kaya ito?

I heard him sighed," Normal lang yan. Sige na matulog ka na, late na din masyado. Goodnight. "mabilis itong umalis sa kwarto ko. Ang weird niya rin, sa buong araw na 'to nakabusangot lang siya. May problema na naman kaya?

Breaking Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon