Part 49

121 14 2
                                    

Hilda's POV

These fools! I'm already pissed off with them!

Masyado na nilang inuubos ang oras ko dito, matatagalan at mahihirapan din ako kung lilipad pa kami ng dragon patungo sa mga reliko. And I can't stay here any longer fighting them. The eclipse is already here, I need to proceed now to my next plan.

Sumugod sa akin ang pamangkin kong nababalot ng itim na usok. Pero kagaya kanina hindi siya nakalapit sa akin dahil sa alaga kong dragon. Walang makakalapit sa akin hanggat nakatayo ako dito sa ulo ng dragon. Even he fly as swift as he could, he will never catch me.

I started to absorb a larger amount of energies in the surroundings and from the eclipse before passing it through my dragon. Siya na ang bahala sa mga walang kwentang nilalang na ito.

Naglabas ako ng isang itim na holen at binasag ito. Mabilis ding kumalat sa paligid ko ang usok at unti unti na niya akong binabalot---!

"Where do you think your going?" nanlaki ang mga mata ko ng may biglang humawak sa kanang kamang pulsuhan ko at hinila papalayo sa usok! Sa sobrang lakas ng paghila sa akin ay tumilapon pa ako pabulusok pababa!

Napakabilis ng pangyayari at tanging ang pagbalot lang sa katawan ko gamit ang mga pakpak ko ang tangi kong nagawa. Rumagasa ako pababa sa kabundukan sa lakas ng pagbagsak ko!

"A-ang bampirang 'yon!" paika-ika akong tumayo at inayos ang sarili. I quickly covered my wounds with my dark magic and heal them.

"Huwag niyo siyang hahayaang makagamit ng dark orb!!" pinanlisikan ko lang ang sumigaw na puting elven. Wala talaga siyang balak sumuko, nanghihina na nga siya pero kung magsalita siya ay napakataas parin ng tingin niya sa sarili!

Dumating ang iba pa at pinalibutan nila ako.

"How dare you all gather here and team up together with that filthy light borns!" untag ko sa kanila na ngayon ay pumapaligid na sa akin.

Mula sa prinsipe ng Candover, ang tatlong itim na mga elven na masugid na tumulong sa paghahanap at pagbawi sa reliko nila, ang bagong count ng St. Helen, ang nakakadiring babaeng puting elven, maging ang isa sa mga pamangkin ko ay nagsasama-sama para pagtulungan ako.

"Can't you see the reason why I'm doing these things? It's for our own future! Kung may kalaban man dito ay ang babaeng yan!" bulyaw ko sabay turo sa babaeng elven na nawawalan na ng tingakad ang mga puting buhok niya dala ng unti-unting pagtakip ng kulay dugong eclipse sa buwan.

The eclipse will not last for an hour, kailangan kong makaalis kaagad dito.

"P-para sa kinabukasan natin? Kasama ba ang pagpatay sa sarili mong pamangkin sa sinasabi mong kinabukasan tita?" a shaky voice from the my nephew was heard.

Nakita ko pa ang pagpatak ng isang luha mula sa mga mata niya pababa sa lupa ng tignan ko siya. Sumisimgaw sa katawan niya ang matinding kalungkutan.

"I have no choice... Besides that was just one life as a sacrifice for the rest of us. Kung hindi ko ginawa 'yon ay hindi magkakatotoo ang mga plano ko para sa atin!" sigaw ko pabalik sa kanya habang palihim na gumagawa ng itim na holen sa mga kamay ko.

I just need to buy a little time so I can escape.

Ginamit ko ang isang salamangkang nalalaman ko at binalot sa itim na usok ang aking isipan. Mula sa kinatatayuan ko at sa tulong ng salamangka ay hinagilap ko sa paligid ang kinaroroonan ng hari at mga reliko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! You killed your own nephew!" Julius draw his sword and covered it with dark magic before attempting to attack me.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now