Part 21

216 12 0
                                    

"Tandaan niyo, mahalagang makarating kayo sa Orion dahil naroon ang ilan sa mga hinahanap niyo." muling bilin ni lola sa amin.

Ito na ang oras ng pag alis namin sa maliit nilang nayon, nakakataba lang ng puso at kaliwa't kanang mga supplies ang binigay nila sa amin bilang pasasalamat. This is too much compared to what we have done, kung tutuusin ay wala nga kaming ginawa eh. Kami pa nga dapat ang nagpapa-salamat sa kanila.

"Nako lola kami na ang bahala, salamat ulit sa lahat." at umakyat na kami sa sasakyang kanina pa naka andar ang makina. Si Luis ang magmamaneho, binigay na ni Axel ang mapa na binigay sa kaniya ni lola at wala naman akong angal don.

Habang unti unti kaming tumataas sa ere ay paliit naman ng paliit ang mga tao sa ibaba. Kumakaway sila ng may malaking ngiti sa mga labi na ginagantihan ko din naman ng ngiti at pasasalamat. Nakakatuwa at may mga tao palang hindi naman ganoon kasama ang tingin sa uri ko.

"Wala pang isang araw ay makakarating na tayo sa lupain ng Orion dahil sa ginawang upgrade sa makina ng sasakyan." bigla akong tinabihan ng mokong at kumaway din sa mga tao habang papalayo na at papataas na kami.

"Ang bait talaga nila, pero sana lang ay walang aberya sa lugar na pupuntahan natin." mahina kong sambit sa nakangiti at kumakaway parin na lalaki.

Wala kaming kahit anong ideya sa maaari naming madatnan sa lugar, pero kung iisipin ay wala naman kaming dapat ipag-alala. Lalo pa at wala namang sinabi ang matanda na may panganib kaming haharapin, idagdag mo pa na ruins ang lugar. Wala nang nakatira doon sigurado kaya mukhang wala naman kaming dapat ipag-alala.

Pagdating ng hapon ay nagpulong kaming apat, brainstorming ba. Para lang kaming magkakaklase.

Nilatag ni Luis ang malaking mapa sa mesa at pinalibutan namin ito. As usual, magkatabi kami ni mokong at tapat naman namin ang dalawa. Partners? Ew.

"Pagdating natin sa Orion ay mawawalan tayo ng visuals sa paligid." panimula ni Luis na ngayon ko lang nakita ng ganito kaseryoso, most of the time nakikita ko kasi sila ni Sab na parang bata kung magkulitan. Well may time na seryoso siya pero iba ngayon. Talagang kina-career niya ang misyon namin, tinignan ko naman ang seryoso ding mokong. Kina-career niya din, nako mukhang ako lang ang pa-chill chill dito, si Sab kasi seryoso din.

"Bakit? Brownout ba don?" biro ko sa kanila. Wala namang natawa sa sinabi ko kaya napatahimik na lang ako.

K fine.

"Ayon sa sinabi ni lola at sa impormasyong nakuha ni Sabrina, ang Mt. Orion ay nasa total darkness parin dulot ng nakaraang digmaan." pagpapatuloy niya.

"Balot ng itim na kaulapan at hamog ang lugar, madalang ang pagtubo ng mga halaman at ang pagsikat ng araw sa lugar. Isa din itong libingan ng libo libong mga nilalang noong digmaan kaya baka may iba tayong makaharap sa lugar na 'yon."

Nakakatakot naman pala. So may mga lugar pala na ganon, mga lugar na hindi na naka-recover sa nangyaring labanan.

"Sa pagdating natin sa lugar na 'yon ay magiging malaking tulong ang kapangyarihan mo Sabrina, pagsapit ng gabi ay kakailanganin natin ng barriers mo para sa proteksyon natin,kung gagabihin man tayo." tumango tangon naman ang babae at tinapik pa ang librong nakasukbit sa kanang bewang nito, yung spell book niya.

"Pagsapit ng gabi, malaking tulong ang senses mo at paningin sa gabi Darys. Ikaw ang magiging lookout natin sa lugar dahil mawawalan ng senses si Axel dahil sa nababalot nga ng dark magic ang lugar." uh?

"Teka nga, bakit sobrang seryoso ng briefing na 'to? Para namang may makakalaban tayo na ewan doon ah." nagkatinginan naman sila sabay balik sa akin ang mga titig nila. Creepy.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now