Part 32

128 15 0
                                    

Paanong nandito siya? Anong ginagawa niya sa lugar na ito?

Huling nakita ko siya sa Ward noong kaarawan ko para magbigay ng instructions kung paano ko gagawin ang tradisyon ng pamilya pero paanong nandito siya sa lupain ng mga tao?

"Haven't you miss me, my dear nephew?" nanindig ang mga balahibo ko habang nagsasalita ito.

Nakakatakot ang boses niya ngayon. Ibang iba sa tita Hilda na nakasanayan ko.

Kinumpas niya ang isang kamay at sa pagkakataong ito, ako naman ang tumilapon sa isang shelf!

Natumba din ang shelf ng bumangga ako dito! Takte! Palaging ganito, palagi akong binabalibag ng mga nakakalaban namin!

"Layuan mo siya demonyo ka!" muling nagliwanag ang mga kamay ni Sab at nagpakawala ng matutulis na yelo papunta sa tita ko.

Nagawa namang makaiwas ng kalaban sa mga matutulis na yelo, "How pathetic! Do you really think you can kill me with just a spell like that?" pinanlisikan siya ng tita ko kasabay ng muli niyang pagkabalot sa itim na salamangka at tumilapong muli sa isang bookshelf.

"Mga arogante talaga kayong ordinaryong tao! Ang lalakas ng loob niyo gayong kayo ang pinakamahina sa lahat ng lahi!" aunt Hilda used her dark matter once more at binalot ang ilang shelves sa harap niya.

May lumutang na tatlong shelves at hinagis ito sa direksyon ni Sab!

Sab quickly casted a spell on the other hand and was able to dodge the incoming shelves. Dahil sa bigat ng tumamang mga shelves sa kanya ay nabasag din kaagad ang barrier na ginawa niya sabay napaluhod siya sa semento.

Now my turn!

Mabilis kong binalot sa itim na mahika ang katawan ko at pinalutang sa ere. I gathered huge amount of energy and did the same, binalot ko ng dark matter ang ilang shelves at libro sa paligid at pabulusok na tinapon sa kinalalagyan ni tita.

Hindi niya kaagad napansin ang atake ko kaya natamaan siya ng isang shelf!

"How dare you!" naglabas ng mas malakas na enerhiyaang katawan niya at nanlilisik na tumingin sa direksyon ko!

Bago pa man siya tamaan ng iba pang atake ko ay naikumpas na niya ang mga kamay niya para pigilin ang mga ito.

"Dapat pinatay ka na ng walang kwentang banshee sa bundok dati!" marahas na kinumpas ng kalaban ang isa niyang kamay at bigla akong tumilapon sa mga nakahilerang shelves sa kanan.

Nagtumbahan ang mga nabangga ko sa sobrang lakas ng impact!

"Akala ko pa naman malakas ka talaga kaya hindi ka nagawang patayin ni Madeline!"

Madeline? Bakit kilala niya si Madeline?

Hindi ko kaagad napansin ang atake niya kaya muli akong lumutang sa ere at binalibag niya sa sahig!

"Argh!" nalasahan ko na lang ang dugo sa labi ko.

"Mahina ka. Nakakahiya ka." may bahid ng pagkamuhi sa tono ng pananalita niya, isang bagay na hindi ko narinig sa kaniya simula noon.

Nararamdaman ko na ang katawan kong muli na namang lumulutang ng marinig ko ang pagsigaw ni Sab sa isang salamangka.

Nahulog akong muli sa sahig at napadaing sa kirot ng mga sugat ko.

"Pakealamera!" inis na sigaw ni tita sa kasama ko at narinig ko na lang ang isang malakas na pagsabog.

Dumaan ang ilang segundo at naramdaman kong may umalalay sa akin patayo.

Si Sabrina.

"U-umalis na tayo dito, masyado siyang malakas." napansin ko na may sugat siya sa noo at galos din sa ilang parte ng katawan kagaya ko.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now