Part 44

108 12 1
                                    

"Now let us get back to work! Kill the dragon and my aunt whatever the cost is."

"But how can we do that? Halos hindi nga natin magasgasan ang balat ng dragon."

"Just continue casting spells, keep your attacks at one place so we can penetrate the its skin easily."

"May iba bang kahinaan ang dragon?" gulat na nagtinginan lahat sa akin.

Napa-peace sign naman at sabay tawa ng mahina.

Mabilis na tumakbo palapit sa akin ang si Axel at niyakap ng mahigpit.

Sabi ko na nga ba, nahulog na sa akin si mokong!

"Darys! What are you doing here?! Diba pinauwi kita?!" naghiwalay kami sa pagyayakap ni Axel, nagtago ako sa likuran niya bago sinilip ang galit na kuya ko.

May narinig naman akong humagikhik sa likod niya, si Drift. Nakuha pa niya akong kindatan, may topak din ito eh.

"Kuya naman, nandito na nga ako kaya wala ka ng magagawa. Let's just do our best to defeat the dragon hihihi."

"Pwede ba tama na ang away? Malapit na dito ang dragon, tignan niyo." tinuro ni Greg ang dragon na patuloy na nagbubuga ng kulay ubeng apoy sa mga gusali at kabahayang nadaraanan nito.

Napabuntong na lang si kuya at napasabunot sa ulo.

I won.

"Fine, kasama ka na," pagsuko niya sa akin sabay hinarap ang iba.

Umakbay naman sa akin si Axel sabay kindat nito, "You made me proud babe." pinanlisikan ko naman siya sabay kinurot sa tagiliran. Napasigaw siya sa ginawa ko kaya napatingin sa amin ang iba.

"W-wala napatid lang ako," aniya sabay kunwaring natapilok nga.

Inirapan siya ni Margaret at tinitigan naman ng masama ni kuya at Travis, iba din ang mga tingin nila sa mga kamay ni Axel na nakaakbay sa akin.

"Kagaya ng napag-usapan, sa iisang lugar lang kayo umatake, kung pwede sa leeg lahat o dibdib ng dragon ang atake niyo. Kayong tatlong elves, focus on our aunt. She must leave the dragon so we can attack her easily." tumango ang dalawang itim na elven kasunod ng kumag na nakaakbay parin sa akin.

"Darys and I will be supports. I will lend my powers to Travis again while Darys will lend his powers to the white elven again." pinanlisikan pa kaming dalawa ni kuya.

Nakikita ko na naman, kung sakaling makaligtas kami dito, siya at ang ibang kuya ko ay pagtutulungan na naman ako at sesermonan. Hmmp!

"Let's move now!" mabilis na binalot ng itim na usok si kuya at nagbago kaagad ang itsura nito, he entered his demon form again.

Tumakbo na sila para salubungin ang dragon na paparating.

"Shall we?" nilahad pa ng mokong ang isang kamay niya sa akin.

Pafall!

Inirapan ko siya tinaas ang dalawang kamay ko. "Buhatin mo na ako." saad ko sa kanya na tinawanan naman niya.

He flapped his wings and carried me. Lumipad na kami patungo sa dragon, kaagad ko ding binalot sa usok ang katawan ko. If I can only enter my full demon form, hindi na sana niya ako kailangang buhatin.

"Ihagis mo ako paitaas," paalala ko sa kaniya na tinanguan niya.

Mula dito sa itaas ay nakikita ko ang dalawang elven na nangunguna ngayon sa pagtakbo, maliksi silang tumatalon sa mga gusali na parang wala lang. Si Margaret naman ay binabalot ng kulay ubeng liwanag habang tumatakbo, sa kabilang direksyon ay naroon si Travis na mabilis na tumatakbo din hawak ang isang lance na marahil ay binigay ni Demor. Si Demor naman ay palipat lipat ng lugar dahil sa teleportation niya habang si kuya ay lumilipad papalayo para ikutan ang dragon.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now