Part 9

306 17 0
                                    

Parang isang oras lang ang lumipas simula ng dumating ang pamilya Duchannes dito sa St. Helen. Ngayon na ang mismong araw ng kaarawan ni tito Timothy, simula pagkagising ko kanina ay hindi ko na siya nakita maging si tita Elise at Travis ay hindi ko na din nakita. Siguradong naghahanda na sila para sa pagtitipon mamayang gabi.

Ayon kay kuya Julius na isa sa inatasang mamuno sa siguridad ng mga bisita ay kompleto na ang lahat ng mga inaasahang bisita. I even saw some guests from Rubri which is very rare to see one attending this kind of event. The Twilight dwarves form Rubri are known to refuse every invitations and are rarely attends one. Siguro kaya narito sila ay dahil narin sa narito ang mga Duchannes, oo nga naman. Isang malaking oportunidad ang makita at makasalamuha ang pamilyang iyon lalo na kung usapang politika.

May mga namataan din akong ilang taong nakasuot ng magagarbong kasuotang gawa ng mga taga Lotus Empire, may hula akong mga wizards and mages sila galing sa empire. Nakakapanindig balahibong isipin na mukhang narito na lahat ng makakapangyarihang lahi sa dark continent. Bigatin din talaga ang mga Earlin dahil nagawa nilang mapapunta ang Royal Family na umakit sa iba pang mga pamilya na magpunta dito. Sa pagdating palang ng mga Duchannes dito ay masasabi kong magiging isa nang makapangyarihang Count sa hinaharap ang tukmol na si Travis.

"Oh Darys ano pang ginagawa mo dyan? Magayos ka na, malapit ng magtakip silim." biglang puna saakin ni mama ng makita akong nakatulala habang nakaupo sa kama nila ni papa. Nandito ako ngayon sa kwarto nila para sana magpaayos pero bigla akong tinamad samantalang kanina pa palakad lakad ang mga taong nagaayos sa kanila ni papa. Suot na nila ang paboritong kulay ng mga succubus at incubus, seductive dark colors with small patches and linings of dark reds. Kung titignan mo sila ay iisipin mong mga bampira sina mama kung hindi lang dahil sa mapangakit nilang kasuotan. Well yun ang palatandaan ng pagkakaiba ng isang bampira at succubus/incubus, sa mga succubus at incubus ay masyadong daring at mapangakit ang kasuotan samantalang mas conservative ang kasuotan ng mga bampira.

"Bunso magpaayos ka na, baka mahuli ka pa." utos sakin ni papa habang kaharap si mama na tinutulungan siya sa paggaayos ng kanyang damit.

"Haynaku pa, anong oras pa lang naman, for sure 8:30 na din magsisimula yan." sagot ko sabay bitbit sa malaking kahon na nakapatong sa kama. Isa itong asul na kahon kung saan nakasilid ang regalo kong itlog kay tito. Ilang araw na din akong napapaisip kung anong nilalang ang nasa loob ng itlog, sana naman ay hindi ako mapahiya. Baka mamaya kung ano lang ito, sana naka jackpot ako sa pagpili dito.

"Haynaku kang bata ka, bahala ka. Basta 'wag kang magpapahuli." ani mama na ngayon ay pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Ang ganda niya, hindi siya halatang may apat na mga anak na. Sa ganda niyang' yan kahit hindi siya gumamit ng kapangyarihan niya ay paniguradong maaakit niya ang mga lalaki sa paligid. Gayon din si papa, ang bata nilang tignan. Ewan ko na lang sa mga kalalakihan at kababaehan mamaya sa bulwagan.

Humilata muna ako sa kama at nadinig ko namang napabuntong hininga na lang sila sakin. Ilang sandali pa ay lumabas na sila at mauuna na para harapin ang mga kaibigan nila. Ako naman ay naiwan, pinaalis ko na din mga katulong na hinihintay kung kailan ako magpapaayos sa kanila. Nakakahiya namang paghintayin ko sila eh magaayos din sila ng itsura.

"Bakit parang bigla akong nabagot kung kelan pa ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasiyahan?" sabay kuha ko sa isang unan at tinakip sa mukha ko. Parang nakakaewan na hindi ko mawari! Goodness!

Nasa ganoong frustration ako ng marinig kong may kung anong parang yabag sa veranda at may kakaibang amoy na dumating. Dahil don ay napabalingkwas ako at saktong may tumilapong puting kasuotan sa mukha ko.

"Putek!" sigaw ko sabay tapon sa kama ng damit na yon. Nagulat pa ako! Akala ko kung ano na yong lumipad papunta sakin.

"Anong oras na hindi ka pa nagpapalit, pero sakto yan na lang ang suotin mo." napataas ako ng kilay.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now