Part 12

284 17 0
                                    

"Saan mo ba ako dadalhin? Why can't you just let me go?" kanina pa ako inis na inis sa mokong na 'to tapos dumadagdag pa sa inis ko yung pagngisi-ngisi niya at 'di pagsagot sakin. Argh! Nakakaasar siya!

Ilang minuto na kaming naglalakad sa bayan simula kaninang maghiwalay kami ng landas ni manong, at kanina pa ako inis sa isang ito na madalas ay pinagtitinginan pa kami sa ingay namin... o ingay ko lang?

"Alam mo pag hindi ako nakapag timpi pipigain kita!" asar kong sigaw sa lalaki. Wala na akong pakealam kung anong iniisip ng ibang tao, basta nangigigil lang ako!

Humarap siya sa akin at marahang yumuko para tumapat sa tenga ko sabay bulong. "Tumahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay, tandaan mo wala ka na sa inyo. Nasa lupain ka na ng mga ordinaryo." napakuyom naman ako ng palad sa inis talaga. Pag natanggal ko lang talaga 'tong bagay na nakakabit sakin ibabalibag kita.

Ilang minuto pa ng paglalakad bago kami tumigil sa harap ng isang pamilyar na lugar. Tinignan ko siya ng nagtataka at tanging ngiti lamang ang ibinalik nito. Okay? So hanggang ngayon dito parin siya tumtutuloy? Sa kanya kaya ang bahay na 'to?

Pagpasok sa loob ay medyo maalikabok na paligid ang tumambad sakin. Halatang walang tao dito ng ilang araw dahil sa alikabok. "Huwag kang mahihiya, ituring mo na ding parang bahay mo 'to." sabay hagikgik ng loko.

"Whatever." naglakad lakad ako para inspeksyunin ang bahay. Hindi ko ito nagawang inspeksyunin noong unang beses akong dumating dito kaya hindi ko alam kung may nagbago ba sa paligid o ano. May malaking couch sa sala, may ilang paintings sa pader, cabinets at kung ano pang makikita sa bahay ng lower classes.

"So tell me, do you own this house?" tanong ko sa kanya na hinuhubad ngayon ang damit. Wala naman akong balak tignan ang mokong, baka isipan pa niya ng masama. "Uhmm sort of." bigla siyang naglakad papunta sa hagdan kaya sinundan ko naman. Baka may mga kalaban dito at dito na ako mabawian ng buhay.

"Alam mo hindi mo kailangang ibalandra yang katawan mo. Kung magpapalit ka ng damit pwede namang sa kwarto mo ka maghubad. Nakakadiri lang." puna ko sa kaniya ng tumapat kami sa isang pintuan. Marahan niya yung binuksan at tumambad na naman ang pamilyar na kwarto. Shet! I can still clearly remember our... my... WAAAHHHH!!!

Ngumiti ng nakakaloko ang mokong sabay kindat. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin. Siraulo!

"M-may k-kasama ka b-bang... iba d-dito?" pakiramdam ko kulang na lang ay sumabog ako sa sobrang pula. Nagkunwari na lang akong nagiinspeksyon ng mga displays sa kwarto. Bwisit talaga siya.

Biglang bumukas ang ilaw at ng pagtingin ko sa kaniya ay nakatapis na ito. Shet! Kabilis naman ay?

Mabilis na naman akong nag iwas ng tingin.

"May naalala ka ba dito? Ako kasi hanggang ngayon malinaw ko pang naaalala." mapanukso nitong sambit na muling nagpainit sa mukha ko. Shet ka!

Ewan ba kung anong nagyayari pero unti unting tumindi yung amoy na simula kagabi ko pa nalalanghap. Bigla din akong nakaramdam ng kung anong pagkauhaw na sinabayan pa ng mabilis na tibok ng puso ko. Anong nangyayari?

"Hey, you okay?" bigla siyang lumapit sakin ng makitang tila hindi ako mapakali. Dinampi niya sa noo ko ang kamay niya at sa gulat ay halos matumba siya ng itulak ko palayo. Para akong napaso sa kamay niya! Ramdam ko din may sumingaw na puting usok sa kamay niya, senyales na maging siya ay parang napaso.

"A-anong nangyayari sayo? B-bakit ganon?" alalang tanong niya. Tumalikod naman ako at huminga hinga ng malalim.

"W-wala maligo ka na nga lang kung maliligo ka." taranta ko paring sigaw sa kanya. Anong nangyayari? Dahil kaya ito sa suot ko? Sinubukan kong tanggalin ang bagay na nakadikit sa braso ko pero ayaw talaga.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now