Part 13

297 14 0
                                    

"A-anong..." halos hindi ako makapagsalita ng magising ako. Mukhang tanghali na dahil sa tumatamang sikat ng araw sa akin mula sa bintana. Wala na din ang mokong.

Bakit ganon? Parang nanghihina ako ng sobra. Parang uhaw na uhaw din ako.

"Shet!" napamura ako ng sinubukan kong tumayo ay bigla akong natumba sa kama sa sobrang panghihina. Hindi kaya dahil na naman ito sa suot kong binding spell? Marahas kong sinubukang tanggalin ang bakal na nakadikit sa kanang braso ko pero kagaya sa mga naunang pagtatangka ko ay hindi ito natanggal. Ni ayaw ngang gumalaw mula sa braso ko, parang parte na nga ito ng balat ko.

Tumayo akong muli at sumandal sa pader para may makapitan at suporta. Nanlalambot ang mga tuhod ko, dahil kaya ito sa gutom?

Minarapat kong bumaba baka sakaling makita yung lalaki. Pagkababa ko sa hagdan ay kulang na lang sumalampak ako sa sahig sa sobrang panghihina. Daig ko pa ang paralisado na pinipilit gumalaw ngayon.

Sakto namang bumukas ang pinto ng bahay at tumambad ang nakangiting lalaki, "O-oh gising ka na pala? Tamang tama may dala akong pagkain." may hawak itong plastic na may lamang pagkain. Hindi ko sana siya papansinin pero hindi ko na talaga kayang maglakad mag isa.

"T-tulungan mo k-ko...." halos pabulong kong banggit na parang ikina taranta naman ng huli. He swiftly moved towards my direction at parang isang babasaging pigurin akong inalalayan ng lalaki. His eyes were full of confusions.

"A-anong problema? Napano ka? May masakit ba? Tara dito sa couch." inakay ako nito paubo sa sofa at para akong lantang gulay na naupo. Nanghihina talaga ako, parang nauubos ang enerhiya ko. Parang sumisingaw palabas ng katawan ko ang bawat lakas na mayron ako. Ano bang nangyayari?

" T-tub-big.. "shet! Para na akong mamamatay!

Tumakbo naman sa kusina ang lalaki para kumuha ng tubig. Pagkakuha ay marahan ako nitong pinainom. Halos tatlong lagok lang ang ginawa ko at ubos ang tubig. Pero hindi non napawi ang uhaw ko. Muli akong nagpakuha at taranta naman itong tumakbo pabalik ng kusina. Wala pang limang lagok ay muli kong naubos ang tubig pero nauuhaw parin ako.

"Ano bang nangyayari sayo? Kagabi ayos ka pa ha." hindi ko din alam. Gusto kong magsalita pero wala na din akong lakas para magsalita. Nakatitig na lang ako sa kaniya ma parang ewan.

Natatakot ako. Anong nangyayari sakin?

Dinantay niya ang kanyang kamay sa noo ko para tignan kung may lagnat ba ako o ano. Kahit ang hawakan lang ang kamay niya para pigilan ay hindi ko magawa. I can't move my hands, though I can feel them.

"Ang lamig mo." gusto kong matawa sa kacorny-han ng joke niya. So ano 'to? Kung hindi fever, frostbite?

"Baka naman may nakain ka na nakakalason. Ikaw patay gutom ka din ata eh." pinahiga niya ako sa sofa. Gusto ko sana siyang murahin sa sinabi niya kung kaya ko lang. Damn! It seems like I am going to die any sooner. Ayokong mamatay dito!

"Wait, baka nagugutom ka lang. I brought some foods." umalis ito sa tabi ko at nagpunta sa kusina. Nakakatouch naman siya, parang care na care siya sakin ah.

Bumalik ito na may dalang mangkok, "ito kumain ka. Susubuan na lang kita." sabay kindat niya. Gusto ko talagang hampasin ang loko pero tanging irap lang ang nagawa ko. Kinakabahan na ako!

I don't want to die. Not yet. May mga gusto pa akong malaman and besides I don't want to die like this! This is not happening, I'm not going to die!

Nakalimang subo na ako sa pagkaing binili niya ng umiling na ako. Pakiramdam ko ay busog na busog ako pero kabaliktaran naman ang nangyayari sa katawan ko ngayon. Parang hindi ako kumain ng ilang araw sa sobrang panghihina.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now