Part 28

140 11 0
                                    

Mamamatay na kami! Babagsak na kami!

"Tulungan niyo kami!!!"

Halos isigaw ko na ang lahat ng pangalan ng mga diyos na alam ko na pwedeng magsalba sa amin ngayon! Naghahalo na ang takot ko, ang lamig ng himpalawid, at ang mabilis naming pagbulusok pababa!

So ganito lang pala magtatapos ang lahat? Ito na ang dulo..

We're going to die!

"Ahhhh!"

Sana hindi ko maramdaman ang sakit ng pagbagsak ko!!!

Ewan ko na kung ilang minuto na kaming bumubulusok pababa, wala na akong pake tutal mamamatay na din naman kami.

Sa kabila ng lamig na nararamdaman ko ay nagawa ko paring maramdamang may kumawalang mainit na likido galing sa aking mga mata.

Parang isang flashback lahat ng nagyari sa akin sa mga nakalipas na buwan at taon. Sina papa, mama, ang mga kuya ko, ang pamangkin ko at ang asawa ni kuya Darius. Ganito nga ang sinasabi nila, bago ka mamatay ay maaalala mo, ang lahat ng nagyari sayo, ang lahat ng nakilala mo sa mundo. Dito na matatapos ang lahat--

"Ang bango."

Hmm?

Minulat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang nagsalita na pumutol sa pagdagsa ng mga alaala sa aking isip at para na din makita kung gaano pa kami kataas mula sa lupa.

Halos lumuwa ang isang mata ko ng makita ang dalawang kakaibang bagay sa magkabilang balikat ng kasama ko!

"A-axel?" he sweetly smiled. Pero halata sa mukha niya na parang pagod siya at nanghihina.

A-anong nangyari? Paanong?! Ano ang mga bagay na 'yon at paanong may ganyan siya?!

I'm still trying to absorb the pair of mysterious things on his back when they suddenly flapped together and carried us up in the sky.

"Urgh!" parang napadaing sa kirot ang lalaki sa ginawa niya dahilan para mawala sa balanse ang dalawang pares ng kakaibang bagay sa likuran niya na siyang bumubuhat sa amin.

Muli siyang ngumiti sa akin, "Magiging ayos din ang lahat.." at kabasay no'n ay ang pagbalot ng dalawang bagay sa likuran niya sa aming dalawa. Para kami nitong binalot sa mainit na tela, senyales na parte ang mga ito ng katawan niya at kagaya niya ay buhay.

Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko na lang na muli na naman kaming bumubulusok pababa.

Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Mariin na naman akong napapikit at hinintay ang mangyayari.

"Just close your eyes." ang huling nadinig kong sinabi niya bago kami humampas sa kung saan.

Halos magkanda bali-bali pa ako sa pagbagsak at paggulong! I can feel the cold snowy ground and some boulders that we're hitting.

Mas mariin akong yumakap sa kanya bago ako sukluban ng kadiliman.

***

"Uhmm a-ang lamig."

Dala na din ng sobrang ginaw na nararamdaman ko ay nagising ako bigla.

"Axel?" tawag ko sa pangalan ng kasama kong nahulog kanina. 

Siya kaagad ang pumasok sa isip ko. Baka napano na siya.

Hindi ko sigurado kung nasaan ako ngayon, malabo ang nakikita ko sa paligid. Puro puting nyebe na bumabalot sa paligid at ilang malalaking mga bato. Malakas din pag- ihip ng hangin na mas lalong nagpapalala sa temperatura ng paligid.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now