Part 20

222 16 0
                                    

"Gising na, babe." nairita ako bigla ng may biglang bumubulong sa akin lalo pa at nakikiliti ako sa hiningang dumadampi sa tenga ko.

"Ano ba! Magpatulog ka nga!" hinila ko ang kumot para magtaklob ng mukha sa kung sino mang istorbo sa pagtulog. Antok na antok pa ako eh tapos may mangbubwisit na kumag!

"Babe tanghali na." hinila ng kung sino ang kumot mula sa akin at sa sobrang inis ay napabangon ako mula sa pagkakahiga at buong simangot na hinarap ang istorbo!

"Magpatulog ka nga! Kita mo ng inaantok pa ako eh!" bulyaw ko sa lalaking nakangiti ng loko. Duh! Nakakainis siya ah!

"Babe naman." argh! Kinuha ko ang isang unan at ibinato sa lalaki. "Anong babe babe ka dyan?! Gusto mo tsinelasin kita?!" nasalag naman nito ang unan, hindi parin siya natitinag sa pangiti ngiti niya. Nakakainis!

"Ang aga aga nambubwisit ka ha! Lumayas ka nga dito!" muli akong nagtaklob ng kumot at pumikit ng mariin. Bitin na bitin pa sa tulog ang katawan ko kaya kailangan kong magpahinga. Ayokong lalamya lamya pag nagkataon tsaka pagod pa ako galing sa bundok.

"Nako parang kahapon lang ang hyper mo, hindi ka nga nagpahinga ng maaga pagkabalik natin mula sa bundok eh. Tapos ngayon ganyan ka. " naramdaman ko namang umupo ito sa tabi ko. Hays!

"Pwede ba hayaan mo akong magpahinga muna." Ewan ko nga din ba, pagkadating namin dito kahapon mula sa gubat ay ang sigla sigla ko, late na nga ako natulog tapos ngayon naman ay wala na akong balak gumising. Medyo iritable din ang pakiramdam ko, most likely pag naiistorbo ako sa tulog ay hindi naman ako ganito na naiinis.

"Sige kung hindi ka pa babangon para tumulong sa paggawa ng sasakyan edi sasamahan kita." sabi nito at naramdaman ko na lang na parang humiga ito sa tabi ko. Umusod naman ako ng higa para hindi kami magdikit sabay pikit muli ng mga mata ko.

Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakatulog, pagkagising ko kasi ay alas dos na ng hapon. Naramdaman ko namang may mabigat na namang nakadantay sa katawan ko, parang alam  ko na kung ano.

Tama nga ako, yung isang kamay ng mokong ay nakapulupot sa tiyan ko habang sarap na sarap siya sa pagtulog. Napairap naman ako.

"Ang bigat bigat." mahina kong daing, ayoko naman siyang magising.

Hinay hinay kong tinaggal ang kamay niya sa akin sabay bangon. Pinagmasdan ko muna siyang natutulog, nakapusod parin ang mahaba nitong buhok. Wala talaga siyang balak putulin kahit kailan. Pero in fairness ha, ang angelic ng mukha niya habang natutulog.

Nagpasya na akong bumaba matapos maghilamos at sipilyo at wala talaga akong balak gisingin ang loko. Mamaya mabadtrip pa. Alam ko ang pakiramdam ng kulang sa tulog.

Pagdating sa baba ay naabutan ko si Sabrina sa may sala na may hawak na lumang libro. Sa mesa naman na nasa harapan niya ay may nakapatong na isang malaking kandila at isang berdeng bola.

"Good morning Sab." bati ko sa kaniya sabay diretso sa kusina. Napansin naman ako nito at tinawanan.

"Good afternoon 'yon, hindi morning. Hapon na kaya." sabay turo nito sa labas na tirik ang araw. Oo nga pala, alas dos na nga pala kanina ng makita ko sa orasan sa itaas.

Napakamot na lang ako sa biro niya. Habang dala dala ang isang baso ng tubig ay nilapitan ko at inusisa ang ginagawa ng babae.

" Busy ka ha, anong ginagawa mo?" ngumiti naman ang babae sabay pinakita sa akin ang title ng libro. Bookspell.

"I see, so nagaaral ka na pala ng spells ha?" good for her, she really needs that as a caster. Hindi pwedeng nagrerely lang siya sa basic spells na liwanag, dapat magexplore din siya.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now