Part 52

138 9 3
                                    

Matapos kong gamutin si Margaret ay natapos na din si Axel sa panggagamot sa iba kagaya ng iba pang casters na ginagamot ang ibang mga sugatan. Nakakatawa lang, ako ang nakagamot kay Margaret kahit hindi naman talaga ako healer. I'm not a caster like Sab or the others but I can heal them. Mabuti na lang at kaya kong higupin ang mga itim na mahika sa paligid at katawan ng may buhay, ngayon nailigtas ko pa ang buhay ni Margaret.

"Kanina pa nasa kalangitan ang tita niyo. Ano na kayang ginagawa nila?" masungit na puna ni Mira habang ang iba naman ay nakatingin sa mga kakaibang mga nilalang na patuloy na naglalabasan sa butas sa kalangitan at sa buwan na hanggang ngayon ay natatakpan ng itim na bilog.

Nasa loob kami ngayon ng napakalaking barrier na ginawa ng mga dark casters. The unknown creatures from the rift are hostile, they are attacking us so we decided to create a barrier.

Hinagilap ko muna si Axel, hindi pa sila tapos mag-usap ng kapatid niya. Ilang minuto na silang nag-uusap at napaka seryoso nila. What could it be?

"So you're really into him eh?"

"Hindi naman sa gano'n kuya, nag-aalala lang ako." natawa naman si kuya sabay ginulo ang buhok ko.

"There's a rule Darys, don't forget about that." paalala niya sabay pinuntahan ang ibang mga sugatang sundalo.

Pinagmasdan ko ang paligid at puro mga sugatan ang nakikita ko. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot at mainis sa sarili ko. I failed them. We failed them.

Dumapo ang mga tingin ko kay Travis na hawak ang kamay ni Margaret na wala paring malay hanggang ngayon. Napansin naman niya na nakatingin ako sa kanila kaya ngumiti siya ng bahagya.

Terrible liar. Tingin ba niya sa pangitngiti niya hindi ko na malalaman ang nararamdaman niya? I don't know why but there's a cloud inside him. It's starting to get gloomy inside of him. Mabigat ang pakiramdam niya, para siyang nasasaktan na frustrated pero hindi niya magawang ilabas. Ano kaya ang dahilan?

"Look, something is happening up there." tinuro ng Prinsipe ang kinalalagyan ni tita at ng dalawang nilalang.

Binalot ng pulang usok si tita at inatake ang dalawa. Pero mabilis ang mga ito na nakaiwas at nakipagpalitan ng atake sa kaniya. Nagpapakawala sila ng pamilyar na enerhiya. Sigurado ako, corrupted magic ang ginagamit ng dalawang iyon!

Biglang tinamaan ng isa sa kanila si tita! Hindi pa man siya bumabagsak ay lumitaw na sa likod niya ang isa sa kanila. The unknown man locked her in her arms. Lumapit sa kanya ang isa sa pa at bigla na lang siyang sinaksak!

"Tita!" sigaw ko dala ng gulat sa asaksihan ko.

Naalerto naman ang lahat sa nangyari at naghanda sa kung ano pa ang susunod lalo na ng tumingin sila sa direksyon namin.

Binalot ko ang aking sarili sa aking usok, ganon din ang iba.

Maya-maya pa ay may mga naglabasan pa na mga kagaya nila sa butas sa kalangitan. Then they started to attack and chase those hostile creatures! What is happening?!

Lumapag ang dalawa sa lupa kung saan bumagsak ang katawan ni tita. Bakit nila ginawa 'yon? Sino ba sila?

Naglakad patungo sa amin ang dalawang lalaki. Ang lakas ng aura nila! I think they're far stronger than us! Baka mas malakas pa sila kay Prinsipe Silvar!

Natahimik ang lahat at seryosong napatingin sa dalawang lalaking paparating. Bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na kabog sa aking dibdib ng makarating sila sa harang at kusang malusaw ang parteng iyon!

What the hell?!

On my side, I noticed Axel draw another green arrow and readied himself for another fight. Bumalik na pala siya, hindi ko kaagad napansin.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now