Part 3

516 25 1
                                    

***

What was that smell?

Ito kaagad ang bumungad sa akin. Parang pinaghalong amoy ng pulot at lavender. Ang bango niya at ang sarap sa pakiramdam. Kung ikukumpara ko sa inaamoy ko na parang wax kapag may sipon ako ay malayong mas mabango at refreshing ang amoy na ito.

"That's the scent of the light blooms, panahon ngayon ng ganoong halaman at madami sila sa parteng ito ng gubat." tila nabasa ng lalaking nakasakay sa kabilang kabayo ang nasa isip ko.

Nasa byahe na kami ngayon papuntang St. Helen. Dad gave me my own horse as a parting gift. May anim na vampire soldiers din kaming kasama: yung mga kasama ni Travis na dumating dito. Sa hula ko ay nasa kakahuyan sa norte na kami since everything here is lush green in color. Hindi kagaya sa St. Helen na halos puro pine trees ang meron at mga old and dead bushes sa kagubatan nila. Ward is totally different. It is literally the land of greens.

"Hindi eh, alam ko ang amoy ng light bloom. I used to have light blooms in my garden back in the mansion kaya alam ko ang amoy ng ganon. Ang weird lang ng amoy pero nakakaadik." Sininghot-singhot ko pa ang hangin para mas maamoy ko ang bagay na yon.

Ang sarap sa pakiramdam, mas nakakaadik habang tumatagal. Humahalo rin sa hangin ang kakaibang amoy. Parang dumikit na sa hangin. Maybe it is coming from a new specie of flower? Kailangan ko na talagang magbasa ng mga libro ulit.

"Mukha kang baliw sa ginagawa mo, siguro naninibago ka lang sa amoy ng paligid kasi lagi kang nakakulong sa kwarto mo. Puro patay na daga kasi ang maamoy sa kwarto mo eh." Ay grabe siya! Ito na naman siya sa pagsisimulang asar sa akin.

Naglabas ito ng compass at marahang hinanap ang tamang direksyon.

"Mga dalawang oras pa o mas maikli at makakalabas na tayo sa kakahuyan. Sakto pagdating natin sa kabilang bayan ay hapon na. Doon tayo tutuloy sa gabi." paliwanag niya habang binabalik ang compass sa kaniyang bulsa.

Nakasuot siya ngayon ng dark red na longsleeves na gawa pa sa mga mamahaling tela mula sa Lotus Kingdom, parang yung sinusuot ng mga matataas na uri ng bampira, fine fabrics that only nobles can afford. Napaka-maawtoridad niya sa suot niya.

"May ilog sa malapit, magpapahinga lang tayo saglit doon!" sigaw ng lalaki sa mga kasama naming sundalo. Tumango naman ang mga ito sa sinabi ng lider nila, palatandaan na may kapangyarihan na nga ang mga salita niya, parang kailan lang nung walang nakikinig sa kaniya.

"Napapangiti ka diyan?" mas nilakihan ko pa ang aking ngiti sa lalaki. "Wala naman. Natutuwa lang ako sayo."

--

"Wag kang lalayo masyado ah, aalis din tayo kaagad." bilin niya sakin bago ako tuluyang humiwalay sa grupo.

Nandito na kami ngayon sa ilog na sinasabi niya kanina. A cold river in the middle of the forest. The waters here are crystal clear. I can even see some fishes moving under the waters surface.

Parang gusto ko tuloy maligo, tutal may dala naman akong extra clothes dito sa bag.

Nilapag ko sa batuhan ang dala-dala kong bag pagkatapos ay hinubad ko naman ang suot kong sapatos at pangitaas na damit.

"Hindi naman siguro sila aalis nang wala ako." Bulong ko.

Pinakiramdaman ko muna ang tubig kung gaano kalamig gamit ang isa kong paa bago lumusong papunta sa malalim na parte. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig! So refreshing!

Ngayon nagtataka na talaga ako, bakit ngayon lang ako naligo sa ilog? Dapat noon pang bata ako, ang sarap kasi sa pakiramdam. Feeling ko tuloy hindi kompleto ang kabataan ko.

Breaking Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon