Part 26

185 16 0
                                    

Sabrina's POV

"Gusto kong kausapin si papa..." ani ko na sinundan ng ilang minutong katahimikan.

Noong nasa capitol pa lang ako ay pinag-aaralan ko na ang spell na ito. Ilang ulit na akong nagpapraktis para maperpekto ang itim na salamnglang ito pero palagi akong nabibigo. Madalas pa akong tulungan ni Luis noon para magawa ko ito. Nagpupunta siya sa isang bahagi ng capitol at gagamitin ko ang spell para hanapin o makita siya. Nagagawa ko nga siyang makita at makausap gamit ang spell pero kapag malapit lang siya, I can't use the spell to someone from afar. Ngayon susubukan kong gamitin ang salamangka na ito para tumawag sa kabilang daigdig dahil na din sa ngayon ay ang gabi ng mga itim na nilalang. I hope I won't fail... I just really miss my dad and this is the only thing I know to reach him.

"Alam mo ba kung paano gamitin ang spell na yan?" takang tanong muli ni Darys.

I just gave him an assured smile.

"Practices makes perfect, akong bahala." sagot ko sa kaniya kahit medyo may pag-aalangan ako.

Ang totoo hindi naman talaga ako sigurado kung magagawa ko ito ng tama. I know this is a universal spell and won't give any trouble to the caster, whether a dark or light caster. But every spells has its own downsides. Kapag nagkamali ako dito ay baka ibang tao o kaluluwa ang matawag ko, knowing na gabi ng itim na nilalang ngayon. Pero hindi natin malalaman kung hindi susubukan.

Pagsapit ng alas diyes ng gabi ay nagpasya na kaming maghanda sa gagawin. Darys volunteered to help and lend his knowledge about casting this spell correctly. Medyo nahiya pa ako at namangha sa ilang impormasyon na sinabi niya tungkol sa tamang paggamit ng spell, kaya naman pala madalas akong pumalpak kapag nasa malayo ang tinatawag ko sa spell na ito. May iba't-ibang paraan pala ng pagbigkas sa salamangkang ito depende kung gaano kalayo o kung nasaan ang tinatawag ko.

"First thing first, based on what I know, casting this spell to call someone from the deads will cost a lot of energy. But don't worry, I can lend my energy para dalawa tayong pagkuhanan ng enerhiya ng spell at hindi ka manghina ng sobra." he said in a smile.

"Tandaan mo din, sa oras na gumana na ang spell ay hindi ka o ako, pwedeng umalis sa bilog hanggat hindi napuputol ang salamangka." dagdag niya habang tinatabi sa gilid ang malaking garapon ng asin. Nagdagdag kasi siya ng isa pang bilog sa paligid namin kanina dahil 'yon daw ang kailangan kapag sa calling of the deads ginamit ang spell na ito. Kaya ang ayos namin ngayon ay magkaharap kaming nakaupo at may isang bilog sa na gawa sa asin ang nasa mesa. Sa loob ng bilog ay naroon ang dalawang pyramid na magkapatong, an inverted pyramid and a normal one creating a pentagram at sa gitna nila ay nakapatong naman ang malaking mangkok na may tubig. Sa bawat dulo ng tatsulok ay may tig isangmalalaking puting kandila. Sa palibot namin ay may malaking bilog na gawa din sa asin at six-end-pentagram ngunit walang kandila sa bawat dulo, sa ngayon ay nasa loob kami ng pentagram na ito kasama ang pentagram na ginawa ko sa mesa.

Before we proceeded casting the spell ay muli pa akong nagtanong sa kaniya. "Yung dalawa ba? Hindi kaya sila makakaistorbo mamaya?" baka kasi bigla silang pumasok dito sa engine room at makita maistorbo kami.

Simpleng iling lang ang ginawa nito bago sumagot. "Humans and other light borns who don't use magics or not a caster usually locked themselves in their rooms every blood moon. Ewan kung bakit." sabay tawa nito ng malakas na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi niya. Natawa tuloy ako hindi dahil sa sinabi niya pero dahil din sa tawa niya.

I never imagined myself that one day, I'll be laughing with a dark born and will befriended one. Natutuwa ako sa kaniya, maswerte kami at nakilala namin siya ni Luis.

"Oh nabato ka na dyan, hindi pa ba tayo magsisimula?" puna niya. Ngumiti naman ako at kinuha na ang libro.

Muli pa siyang nagpaalala ng mga dapat gawin nang buklatin ko na ang libro. Tumango ako sa kaniya at nagsimulang bigkasin ang kakaibang salitang nakasulat sa libro ko.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now