Part 37

125 11 1
                                    

Kaagad akong tumakbo palayo ng maramdaman ko na nariyan na naman ang mga sundalong humahabol sa akin.

This castle were like a maze, walang katapusan ang mga kanto. Parang paulit ulit na nga lang ako ng napupuntahan.

Mula sa pasilyong tinatakbo ko ay may nakita akong malaking bintana.

I ran towards the window and without hesitation I quickly opened it. Tatalon na lang ako dito tutal kaya ko namang lumipad kahit papano.

Pagkabukas ko ng bintana ay bumungad sa akin ang magulong bayan! May mga pagsabog, may mga gusali at kabahayang nasusunog. I could also hear the cries of its citizens from here.

"Ayon siya!" lumingon ako sa sumigaw at nakita ang apat na sundalong armado na paparating.

Dali-dali kong binalot sa usok ang katawan ko at sumampa sa bintana.

I heard them shouted again pero nakatalon na ako!

Shet!!!

Hindi ko kayang lumutang o lumipad ng sobrang taas! Pabagsak na ako!

Pakpak ko lumabas ka! I need to transform on my full demonic state! I need wings!

Ayan na!

Nabigo akong palabasin ang mga pakpak ko kaya buong lakas kong nilipat ang enerhiya ko sa mga usok para maiwasan ko ang pagbagsak sa semento.

Nagawa kong palutangin ng kaunti ang katawan ko at kalabanin ang gravity pero kung minamalas ka nga naman! Tumama ako sa isang tolda at hindi ito naiwasan agad!

Hindi ko na nakita ang babagsakan ko at basta alam ko na lang tumama ako sa matitigas na bagay.

Bwiset talaga!

Bumulagta ako sa sahig at nakaramdam ng kaunting kirot at galos sa katawan ko.

Blag!

Habang iniinda ang mga kirot ay may mga malalakas na pagsabog akong narinig.

I got up quickly despite of my scratches.

Kumilos kaagad ako paalis sa kinabagsakan ko, baka mahuli pa ako do'n.

Habang tumatakbo ay may muntik na naman akong makasalubong na mga sundalo! Mabuti at nakaiwas ako at nakapagtago.

Ang dami nila pero wala akong makitang casters na kasama nila.

"Ano bang nangyayari dito?" tanong ko sa aking sarili at halos mapatalon na naman ako sa gulat ng may sumabog na naman ng malakas.

Shet!

Kailangan kong makaalis dito. I ran once more and started to look for the gates of the castle.

Napahinto din agad ako sa pagtakbo ng may sumagi sa isip ko.

"Ang mga relics!"

Tumalikod ako at muling hinarap ang kaharian ng mga tao. This is the right time to take those relics back.

Bumalik ako sa direksyon ng kaharian ng mga tao.

"May dark born!" may humarang sa akin na mga sundalo.

Bago pa sila makagawa ng atake ay binalot ko na sila sa itim na enerhiya at winasiwas papalayo.

"Takte naman!" another wave of soldiers appeared.

Binalot ko muli sa enerhiya ang katawan ko, maging ang ilan sa kanila ay binalot ko sa itim na enerhiya at binalibag sa semento.

Madami pa sila!

The other soldiers started to attack me but I was quick so I was able to dodge few of them but there were just too many of it. They keep on coming from different directions, mako-corner nila ako!

Breaking Boundaries Où les histoires vivent. Découvrez maintenant