Part 30

153 12 0
                                    

Darys' POV

"Ilang araw na ba kaming tulog?" tanong ng lalaking sapo-sapo ang ulo. Kagaya ko ay mukhang nakakaramdam din siya ng matinding pananakit ng ulo. Sa tagal ba naman naming sigurong nakatulog, talagang sasakit ang ulo namin.

"M-mga apat na araw na ngayon." mangiyakngiyak paring sagot ni Sabrina. Ano bang problema ng babaeng 'to? Pati si Luis parang iiyak na, may nalalaman pa silang pagyakap-yakap sa amin kanina. Eh natulog lang naman kami. Duh!

"Heto uminom muna kayo ng tsaa," may inabot na maliit na tasa sa amin ang isang hindi pamilyar na matandang babae. Sabi kanina ni Sab si lola daw ang gumamot sa amin. Medyo naalala ko na din ang nangyari sa Gelu, nilapa ako ng lobo!

"Salamat po." wika ko sabay higop sa tsaa.

Maya't maya ko namang napapansin na hindi mapakali si Axel sa bagay na nasa likod niya at panay ang kamot dito at dahil sa ginagawa niya ay pumapagaspas ang mga pakpak niya. Kanina pa siya tinatanong ng dalawa naming mga kasama kung paanong may ganoon siya na tumubo sa likod niya at itong mokong naman hindi sigurado sa mga sagot.

Pero nakakagulat ang itsura niya ngayon, nagbago ang isang mata niya. Naging kulay itim ito. Nang magising kami kanina ay ganoon na lang din ang gulat ng dalawa ng makita kami, kagaya ni Axel ay nagbago din ang isa kong mata at naging kulay pilak ito kagaya ng kulay ng mata ni Axel. Parang nagpalit kami ng tig isang mata. At ito pa ha, parang may nag-iba sa pakiramdam ko, hindi ko masabi kung ano pero pakiramdam ko talaga may nagbago sa akin. Ang sakit sa ulo! Ang dami kong iniisip!

"Akala namin hindi na kayo magigising. Alalang alala kami sa inyong dalawa." saad ni Luis. Pati siya din talaga mangiyakngiyak. Hindi ako sanay na makita sa ganon ang batang yan.

"Ganon na ba kami katagal natulog para iyakan niyo kami?" biro ko sa kanila. Wala namang natawa ni isa sa sinabi ko.

K fine.

"Balita ko papunta kayo ngayon sa kapitolyo mga hijo, hija?" ani lola na abala sa pagluluto ng pananghalian.

Nabaling ang atensyon namin sa kaniya, "Opo lola." magalang na sagot ni Sab na nagpupunas ng luha.

Humarap sa amin si lola ng may seryosong mukha. "Payo ko lang sa inyo, umiwas kayo sa bayan. Alam ko kung sino kayo at ang pakay niyo, nagkalat na sa bayan ang balita tungkol sa inyo kaya iwasan niyo 'yon."

"Kami na pong bahala lola, balak po talaga naming umiwas sa bayan dahil baka mahuli kami." muling sagot ni Sabrina.

Pansin ko lang ha, parang close na sila ng matanda. Natulog lang ako tapos paggising ko may bago na siyang kaibigan. Napaka-friendly naman ay?

"Nako mamaya na nga ang usapan na ito, kumain na muna tayo. Alam kong gutom na gutom kayong dalawa." sabay baling niya ng tingin sa amin ni Axel at narinig ko na lang ang pagkulo ng mga sikmura namin.

Natawa ang tatlo sa narinig. Nakakahiya!

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap usap na kami ng mga kasama ko dahil nasa Io na kami. Kailangan na naming marating sa lalong madaling panahon ang kapitolyo at makuha ang libro lalo na ang relics. Lola Bana told us that she knew the legend of the relics and also told us that the Lunar Eclipse will be happening soon before this month ends. Siya na din ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaganapan sa bansang ito. Dark borns are already here waging war against the white elves who, according to lola, was already here too. Dumating na ang iniiwasan naming mangyari ni Axel kaya kailangan na naming magmadali.

The old lady also informed us about the mysterious changes in our body, nalaman namin sa kaniya na may kakaiba na kaming kapangyarihang taglay dahil sa nangyaring transition ngunit hindi pa namin tukoy kung anong kapangyarihan iyon. Naalala ko din ang alamat tungkol sa ganitong pangyayari at ang mga sinabi ni lola Alba noon. Also with that, bumalik na sa dati si Sabrina na mapanukso. Nalaman na kasi nila na si Axel ang una kong life force at sinabi naman ng mokong kung paano ko nakuha ang life force niya!

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now