Part 10

292 21 0
                                    

"Nako pasensya ka na bunso ha. Ayaw na sana kitang abalahin pa pero hindi ako pwedeng umalis sa tabi ng kuya mo, nasa table namin kasi ang Hari at Reyna kausap sina papa." tinanaw ko naman ang table ng pamilya ko sa kabilang dulo. Totoo nga! Naroon na nga ang Hari at Reyna! I've missed the opportunity to meet and talk to them! Why?! Bakit ba umalis agad ako doon?!

" Pasensya ka na talaga ha. "nginitian kong muli si ate sabay karga sa batang tulog. Mukhang napagod ang bata, late na din kaya siguro hindi na kinaya ang antok.

" Ano ka ba ate, ayos lang. Sige ako na ang bahala kay Darrel, bumalik ka na don. Baka hinahanap ka na ni kuya. "mahina kong wika dito habang marahang inaalo sa likuran ang bata.

" Nako salamat talaga Darys ha, sige mauna na ako baka nga hinahanap na ako. Pasensya ka na ulit. "natawa na lang ako sa kaniya. Puro tango naman ako hanggang sa nakaalis na siya.

Hays, mukhang hindi ko na makikita na magsalita ang isa sa mga miyembro ng Royal Family.

Ilang minuto muna akong nakatayo sa table namin at hinihintay matapos sa speech si Travis. Sa paraan ng pananalita ng tukmol ay para na siyang isang lider, mabully nga siya mamaya. Aasarin ko yan.

"Pamangkin mo?" medyo nagulat pa ako ng tabihan ako ng lalaking kapareho ko ng kulay ng damit ngayong gabi. Kanina pa sila nakabalik dito sa table pero hindi ko siya magawang ipakilala kay Travis dahil parang mainit ang dugo nito sa kaniya. Siguro dahil sa elven ang isang 'to.

Tumango ako sa kaniya, siya naman ay pinat sa ulo ang tulog na bata. "Ang cute niya, kakaiba talaga ang ganda niyong mga incubus." papuri nito. Tinawanan ko lang siya.

Nagkukwentuhan pa kami ng may lumapit na tagapag silbi sa amin at nagoffer ng drinks. Mukhang alak ito base na din sa pagbula-bula ng tubig pero umiilaw ito ng mapusyaw na asul. Glow in the dark!

Pinalapag ko sa table ang akin. Parang hindi naman nagustuhan ni Axel ang inumin base sa pagkalukot ng mukha nito. Hmm mukha namang masarap yung inumin ah. Paglingon lingon ko sa paligid ay lahat na ng tao ay may hawak na ng ganoong inumin.

Nakita ko naman na umakyat sa harapan si tito at nagpasalamat sa mga natanggap na regalo. Maya maya ay inalok niya ang lahat na itaas ang hawak nilang inumin para sa isang toast. I also did what he said just like the others, I raised a toast for him and with his queue we simultaneously sipped the glowing liquid.

"Ewww!" daing ko sabay layo ng baso sa mukha ko. Ang pait ng lasa! Kulang na lang ay maiyak ako sa tapang ng inumin. Kaya pala hindi uminom ang loko, ang pangit ng lasa! Mukhang nakatikim na siya ng ganitong klase ng inumin noon. Tinignan ko ang iba at para naman silang sarap na sarap. May mga humingi pa ulit like duh! Paano nila nasikmura yon? Ang hirap talaga kapag hindi ka palainom.

"Hey, bubuhatin mo ba siya buong magdamag?" turo ng lalaki sa batang kalung kalong ko parin. Hehe nakalimutan ko.

"Oo nga pala... Uhmm pwede ba akong magpasama sayo? Dadalhin ko lang siya sa kwarto nila." medyo nahihiya kong suyo sa kaniya. Ngumiti naman ito at umoo. Why so kind?

Nagpaalam muna ito sa mga kasama bago kami umalis sa table. Habang naglalakad paalis ay pansin kong lahat ng atensyon ngayon ng mga tao ay nasa mga nagsasalita na, ibang iba na nakapukol sa amin kanina. Medyo bumalik na tuloy ang kapal ng mukha ko at confidence.

Just like earlier, we took the same aisle at the back. There were still soldiers roaming in every corner and guarding every entrances and exits of the castle. Mabilis lang kaming nakaakyat, marahil ay dahil na din sa wala kaming nakakasalubong. Lahat nasa ibaba.

"So how's the party? Nagienjoy ba kayo?" basag ko sa katahimikan habang naglalakad. Parang medyo malayo ang iniisip ng loko, hindi siya kumikibo.

Nakailang ulit ako sa tanong tsaka ito tinawag, malalim nga ata ang iniisip.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now