Part 43

115 11 2
                                    

"Salamat ha," sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko sabay nag-inat ako ng katawan matapos maghilom ng tuluyan ang sugat ko sa braso.

Humingi naman muli ng tawad si kuya sa nagawa niya, I just gave him a smile and gestured that I am fine.

Pansin ko parin na iba parin ang tensyon sa paligid, hindi man lang kumikibo sina kuya at Travis.

Napairap na lang ako ng mata sa kataasan ng pride ng dalawa. Hindi man lang magpasalamat kay Axel na gumamot sa akin. Seriously, what is wrong with these two?

"Ngayong ayos na ako, pwede na ba tayong magfocus sa dragon at sa ibang mga kalaban?" mukha namang nabalik sa reyalidad ang dalawa at tumingin sa paligid.

Dark borns of different races are helping the demon hunters from eliminating every single corrupted creatures and banshees. Nakakatuwa talaga! Sino bang mag-aakala na ang mga hunters na pumapatay sa mga kauri ko ay nakikipaglaban kasama ng mga kauri ko na galit na galit sa kanila?

"Darys malinis na ang daan patungo sa dragon." biglang naputol ang usapan namin ng sumulpot sa tabi namin ni Axel ang lalaking may kakaibang kapangyarihan.

Tumingin kami sa direkayong tinuro nito, wala na ngang mga goblins at banshees sa daan patungo sa gumuhong kaharian na kinalalagyan ng dragon.

"Okay so what's the plan now?" tanong ko sa kanila.

"Darys and I---" hindi natuloy ni Travis at Axel ang dapat sanang sasabihin ng sabay silang magsalita.

Okay?

Nagsukatan pa sila ng mga tingin, ginagawa ba nilang kompetisyon ang nangyayari? Pinag-aagawan ba nila ako? Joke HAHAHAHAHA ang kapal ko naman para isipin 'yon.

"Ahem! I think kuya Julius has some better plans about this since he is a general and used to making plans." I also winked to kuya na nakuha naman niya at biglang natawa.

Ehh natawa siya sa dalawa, ibig sabihin ba nito magiging okay sila ni Axel?

Umubo si kuya para mas makuha ang atensyon namin lalo na ang dalawa na nagsusukatan parin ng mga tingin.

Bahala nga sila.

"Ayon sa nalalaman ko ang mga dark dragons ay binubuo ng purong itim na mahika kaya kakailanganin natin ng malaking bilang ng light powers. But since it seems like there is no single light caster here, we could use dark matters to create solid objects such as swords, spears, and arrows and hit the dragon. Kahit dark matters ang gamit natin kung masusugatan natin ang dragon ay malaking tulong parin iyon para mapuksa ang dragon." napapatango naman ako sa mga sinasabi ni kuya.

Sakto kung gano'n, kaya ko namang gumawa ng matutulis na bagay kagaya ng mga punyal at espada. Kuya julius can also make sharp objects, Axel has light arrows while Travis?

"Pero may problema, hindi gano'n kadaling sugatan ang dragon. As what lies in legends, dragon skins were like metals making it difficult for us to penetrate the creature that's why I will be needing Travis' help." nagtinginan pa ang dalawa.

"I will lend my powers to Travis to support him, that way we can penetrate the dragon's skin easily. While you Darys and that elven, you two will attack from above and just like me, Darys will lend his powers to you---elven." got it. Axel and I both nodded in unison. May sumilay pang maliit na ngiti sa lalaki bago tumingin kay Travis na umirap naman sa kanya.

"I will brief the others regarding this especially the casters, mas magiging malaki ang tulong ng mga casters sa mga ganitong laban dahil sa kakayahan nilang gumawa ng malawak na pag-atake."

"Excuse me? What about us?" Tanong bigla ni Demor na nagpalipat lipat pa ng tingin sa amin ni Axel at kay kuya na gumagawa ng plano.

Sandali munang napaisip si kuya kung anong gagawin ni Demor.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now