Part 2

662 30 0
                                    

***

"Darys! May bisita ka!" dinig ko mula sa labas ng aking kwarto ang sigaw ni kuya Dillan. Sumigaw ako pabalik na bababa na ako kahit hindi pa naman talaga. Gusto ko lang humilata muna ngayong araw.

Hays. Dalawang linggo na rin simula nang matapos ang birthday ko at maging ganap na incubus. Thanks to that handsome guy I can now travel through astral projection and invade others dreams. Para na akong dream walker. Pero hindi ko pa nasusubukang kumuha ng life force mula sa astral projection.

Pero simula ng gabing yon ay hindi ko na siya nakita, hindi na rin naman kasi ako bumalik sa Westbrooke. One night stand should stay one night stand. Thats a rule according to one of my friends. No strings, no commitments or anything when it comes to ONS. Pero kahit ganon ay ilang araw ko parin siyang iniisip, ganito na nga ang routine ko kung tutuusin. Hihilata lang sa kama o hindi kaya ay matutulala at iisipin siya.

Hays, I could still clearly remember that moment.

***

Siniil niya akong muli ng halik pagkabagsak nito sa aking katawan.

Pawisan kami pareho at mabibigat ang aming mga paghinga. We are both tired which is very unusual. I should not feel tired since I absorbed his life force at siya lang dapat ang pagod dahil sa nawalang enerhiya niya. Sa dami ba naman ng life force na na-drain ko sa kanya ay marapat lang na tumba na siya.

"Did you enjoy it?" tanong niya at muli na naman itong humalik sabay pulupot ng kaniyang mga braso sa aking bewang. Tanging mahinag tunog lang naman ang sinagot ko.

Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang puting mga buhok na kumawala sa kanilang pagkakatali. I hate to admit this, but he does really have the beauty of the deities despite being a mortal. Pwede siyang itapat sa mga incubus at bambira. Siguro may dugong mystics siya.

Yumakap din ako sa kanya at nagsimulang pumikit.

***

Kung sana lang talaga pwede kong iuwi ang tao na yon dito at ipakilala sa pamilya ko ay siguro hindi ko siya iniwan sa tinutuluyan niya. Siguro hindi ko siya hinahanap-hanap ngayon. Tama nga siya sa sinabi niya na pagkatapos ng gabing yon ay hahanap-hanapin ko siya. I badly wanted to see him again!

Pero pansin ko lang dahil nakakapagtakang hanggang ngayon ay hindi parin ako nagki-crave sa life force. Dalawang linggo na simula ng gabing yon kaya dapat last week pa ako nagsimulang mag-crave sa life force. Usually kasi ang mga incubus ay nagki-crave sa mga life force weekly, it is like a weekly maintenance to us. Pero hanggang ngayon ay wala parin akong nararamdamang craving for life force. Normal lang kaya ito dahil kakatapos ko lang maging ganap na incubus?

But anyways, sa kabila ng pangyayaring iyon ay tagumapay naman ako. Isa na akong ganap na incubus. Ramdam ko rin na nagkaroon ng mga pagbabago sa pisikal kong anyo matapos ang gabing iyon. My natural charms as incubus grew more than usual and I think I became taller as well. My eyes colors had also changed to a deeper dark hue similar to my brothers and parents.

Naputol ako sa pagmumuni muni nang may kumatok sa pintuan. "Bukas yan!" sigaw ko.

Hindi ako nag-abalang tumayo sa kama o kahit lang buksan ang mga mata ko. Mas gusto kong nakahiga ngayon dito at namnamin ang tamis ng bawat kahapon. Charot!

"Ahem!"

Mabilis pa sa alas kwatro nang napabalingkwas ako nang marinig ang isang pamilyar na boses.

Sabi na nga ba!

"Travis!" mabilis akong tumayo at niyakap ang nakatayong matangkad na lalaki.

Ang mga pulang mata na yon, kulay burgundy na buhok, mapuputing parang walang dugo at makinis na balat, lalo na ang mga pangil na yon! I missed this guy!

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now