Part 36

102 10 0
                                    

Sabrina's POV

"Travis." hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Darys ngayon. Parang natulala siya at wala sa sarili habang nakaharap sa lalaking may matipunong katawan at balot ng itim na may mga pulang kulay na baluti.

The unknown man standing in front of us possesses an unusual beauty just like Darys, pero mas nakakaakit ang mukha ng lalaking ito. Napakaperpekto.

Masyado ding mapula ang labi niya at halos wala nang dugo ang kulay ng balat niya. Ang ganyang katangian ay hindi mo makikita sa isang ordinaryong tao, and I know he wasn't an ordinary human due to the dark energies coming from him.

Vampire.

Nakapaligid silang lahat sa amin, tanging ang kalasag na ginawa ko lang ang pagitan namin mula sa kanila. Mga sundalong armado ng mga sandata, mga casters na may mga hawak na staff at libro, mga incubus at succubus, maging ang mga bampira at elven na sundalo ay narito. Digmaan na nga ito.

I could feel their powers, they are far stronger from me. Lalo pa nang makita ko kanina kung paano nila patumbahin ng walang kahirap hirap ang mga casters na kalaban namin. Ang lalaking tinawag na kuya ni Darys noon at ang lalaking tinatawag niyang Travis ngayon ang tangi lang gumalaw kanina at umatake sa mga kalaban namin pero nagawa nila silang patumbahin kaagad.

I could also see familiar faces, the dark caster we met back in the Orion is also here as well. Pati ang mga dark elvens na nakalaban ni Axel ay narito.

Akala ko ay handa na ang katawan ko na makakita ng ganito karaming dark born sa iisang lugar, pero nagkamali ako. Nanginginig ako. Natatakot ako sa kanila.

Napansin kong nagpunas ng mata ang kasama kong dar born. Umiiyak siya.

"Sab," tumango ako sa kanya ng mabasa ko ang mga sinasabi ng mata niya.

I dispersed my barrier and let ourselves be exposed on them.

Pagkatanggal na pagkatanggal ng barrier ay tumakbo papunta sa lalaki ang kasama ko at bigla silang nagyakapan.

"Travis!"

Pagkalayo sa akin ng kasama ko ay biglang tinutok ng mga sundalo sa akin ang mga sandata nila. Mabilis na nagliwanag ang mga kamay ko at naghandang dumipensa.

Bago pa man may umatake sa akin ay inutusan na ng dark caster na nakaharap ko sa Mt. Orion noon ang mga sundalo na ibaba ang mga sandata nila gamit lang ang pagsenyas niya ng kanyang kamay. Sumunod sila sa kanya.

"I never thought to see you again especially in our place." wika nito na nagsimulang maglakad palapit sa akin.

Ang lakas ng presensya niya.

"Sab!" mabilis na tumakbo papalapit sa akin ang kasama ko at hinila niya ako sa tabi niya.

He gave me a smile.

"Ako ang bahala sayo. Just get yourself ready," sabi pa nito na nakuha ko naman agad kaya tumango ako.

Kailangan lang namin silang kumbinsiheng umatras sa laban at ipaliwanag ang nangyayari. But if they refused, I would use my spell for us to escape.

"Bakit may kasama kang light born?" malamig na tanong ng lalaking tinatawag niyang Travis.

Ngumiti ng payak ang lalaki at nagkamot sa ulo.

"T-tungkol dyan, may sasabihin ---" someone cut him off.

May babaeng nagsalita sa likod nung Travis at ng tumabi si Travis ay nakita namin ang babaeng nakalaban namin sa  Isleworth!

"It might be a trap! We shouldn't let someone from the enemies enter our camp!" eksaherada niyang sigaw.

Hindi kaagad nakakilos si Darys ng balutin ako ng itim na usok mula sa babae!

Breaking Boundaries जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें