Part 46

105 9 0
                                    

Travis' POV

"Mamamatay kayong lahat dito!" sumigaw muli ang tiyahin ni Darys.

Mula dito sa ibaba ay kita nakin ang paglikha niya ng napakalaking bolang itim. Not just an ordinary energy ball, it is made from dark matter and corrupted magic.

"Itigil mo na ito tita!" muli na namang lumipad patungo sa kanya si Julius habang binabalot din ng itim na usok.

Naalala ko ang sinabi niya kanina,

"I will buy you some time, escape here while you can. Get Darys out of here."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa itim na holen na binigay niya bago nagpunas ng luha.

"Human, take the winged elf." tumango naman ang lalaki at mabilis na pinatong sa balikat niya ang isang kamay ng lalaking walang malay.

"Margaret at Greg, humawak kayo sa kanya at magtiteleport kayo paalis dito. Ako na ang bahala sa amin nila Drift."

Kinuha ko ng marahan si Darys na wala ding malay, I am even trembling when I took him.

"Travis..." hinawi ko ang kamay ni Margaret ng hawakan niya ako sa balikat.

"I'm okay, just get out of here." baling ko sa kanya na nag-aalangan pa habang nakatingin sa akin.

"Humawak ka sa balikat ko, elven." mariin kong utos kay Drift na nag-aalangan ding sumunod.

Hindi pa huli ang lahat, Darys is still alive. Alam ko 'yon sa sarili ko, he wil not die. He is not dead. Kilala ko siya.

Tinapon ko sa sahig ang hawak na holen  at mabilis kaming binalot ng itim na usok. Hindi ko na nagawang tignan pa kung ano na ang situwasyon ni Julius, nakatingin lang ako sa buhat buhat kong katawan ni Darys.

Wala pang isang segundo ay nasa isang malawak na kaparangan na kami.

Hindi nagtagal ay sumulpot na din sina Margaret sa tabi namin.

"I-I will see what I c-can do." lumapit sa tabi ko si Margaret bago ako lumuhod at maingat na ibinaba si Darys.

I can't help my tears from falling while seeing him with his eyes closed.

I know he is not dead. I know he is not dead. I know he is not dead.

Margaret took Darys' right arm, her hands produced bright purple color as she closed her eyes too.

"D-darys..." please Darys... Don't give up..

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko, para ding lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Idagdag mo pa na pinagpapawisan ako ng malamig habang nangangatog sa takot. I'm feeling mixed emotions right now, they are overwhelming.

"Bunso!" lumitaw bigla si Julius na ouno ng galos ang katawam at patakbong lumapit sa amin habang naglalaho ang mga pakpak niya at bumabalik sa dating anyo.

Margaret still hold Darys' hand.

"B-bunso gumising ka..." tuloy tuloy na din ang pagpatak ng luha niya habang tinatawag ang kapatid.

Bakit ba ayaw niyang gumising?!

"G-guys--" hindi ko na hinayaang matapos si Margaret sa sasabihin ng makita ko ang ekspresyon niya.

"Argh!" napasabunot ako at napasigaw sa galit!

"No it can't be!"

Darys is not dead! He's alive! He's just sleeping again!

Niyugyog ko siya ng niyugyog at pilit ginigising, hindi naman kasi siya patay. Nantutulog lang siya!

"P-please just wake up, sgsabihin mo p-prank lang 'to. Mahilig ka sa mga gano'n d-diba?" niyugyog ko pa siya ng niyugyog ng ilang segundo.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now