Part 14

267 15 0
                                    

Makailang ulit na akong pabalik balik ng tingin sa orasang nakadikit sa pader, tatlong oras na kasi simula ng umalis si Axel pero hanggang ngayon ay hindi parin siya bumabalik. Hindi naman sa nag aalala ako kung ano na ang nangyari sa mokong pero kasi baka mamaya patay na siya eh paano na ako makakauwi?

"Bahala na nga." alas tres impunto ng magdesisyon akong lumabas ng bahay para hanapin yung mokong. Hindi naman siguro ako mawawala dito sa bayan, malabo ding may mangyaring masama sakin. Besides, I can protect and defend myself in any possible ways.

Suot ko na naman ngayon ang paboritong kulay ng kasama ko. Ternong puting damit at pantalon. Kagaya din ng sinabi niya ay may mahabang manggas na naman ang suot ko para maitago ang bracelet. Wala namang problema sakin kahit gaano pa kahabang damit ang ipasuot niya, naalibadbaran lang ako na nakasuot na naman ako ng puting kulay. Parang ang awkward kasi magsuot ng ganitong kulay para sa aming mga dark borns.

"Shet, nasan kaya yung mokong?" halos kulang na lang mapuntahan ko ang bawat sulok ng mga eskinita kakahanap sa lalaki. Nakakailang na din ang kanina pang mga tingin sa akin ng mga tao, yung iba parang mga manyaki kung tumingin, yung iba naman parang papatay. Ang weird talaga ng mga tao kahit kailan.

Habang naglalakad ay hindi ko namalayan ang isang taong parating. Nagkabanggan kami pero hindi naman ako nawalan ng balanse.

Nababalot siya ng kapa, nakayuko din ito ng bahagya para itago ang mukha niya. Sa tingin ko ay mas bata sa akin ang taong ito dahil mas matangkad ako sa kaniya at mukhang lalaki siya base sa tindig ng katawan niya. "Pasensya na." paghingi ko ng paumanhin sa kaniya, wala naman akong nakuhang sagot.

Akmang aalis na ako para hanapin muli ang loko ng bigla akong hawakan sa kanang braso ng misteryosong lalaki. Alam kong nahawakan niya ang bracelet kaya mabilis ko ding binawi ang braso ko. "Alam ko kung nasan ang hinahanap mo." mahina ngunit sapat para marinig ko ang sinabi nito. Napataas pa ako ng kilay. Kilala niya ba ang hinahanap ko?

"Ah pasensya na, wala akong hinahanap." pagsisinungaling ko sabay bawi sa kamay ko. Ng muli akong makatalikod sa kaniya ay muli itong nagsalita. "naroon siya sa isang eskinita sa di kalayuan. May sugat siya." napatigil ako sa huling binanggit ng hindi kilalang lalaki. I faced him again while still raising a brow.

"Sumunod ka sakin." utos nito sabay lakad palayo. Puno ako ng pagdududa dahil kahinahinala naman talaga ang tao, malakas nga ang pakiramdam ko na scam ito. Pero hays, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko sa ano mang posibleng mangyari eh.

I decided to follow the mysterious guy. Sa itsura niya ay para namang hindi niya ako kayang saktan, kung may binabalak siyang masama sakin ay nagkamali siya ng napagtripan.

Nailang kanto na kami, paunti na din ng paunti ang mga tao sa nilalakaran namin. Mukhang lumalayo na kami sa mismong bayan. Puro na lang mga luma at makipot na eskinita ang nadaraanan namin, pero hindi pa naman ako kinakabahan.

Tahimik lang kaming naglalakad, tahimik at pinapakiramdaman ko ang lalaki at ang paligid na nakasunod sa kaniya. Sa ngayon ay wala pa din siyang ginagawang kahina hinala hanggang ilang sandali lang din ay nakarating sa isang dead end na eskinita. Hindi siya ganon kasikip pero luma na ang mga pader ng gusaling nasa magkabilang gilid nito.

Perpektong lugar para gawan ng masama ang isang tao, walang makakarinig, hindi makakahingi ng tulong ang biktima. I formed a smile, maybe it's time for me to harvest my first life force from an ordinary human. After all my first life force came from an elf.

"What do you want boy?" I smiled seductively, though he never bothered to throw even a single stare at me. Mukhang aware siya sa kung ano ang kaya kong gawin at kung sino ako. Hunter kaya siya?

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now