Part 8

340 22 0
                                    

***

"Mom! Where have you been?!" bulyaw ko kay mama habang sinasalubong ito.

Hapon na at ngayon ko pa lamang siya nakita, akala ko nga kanina sumama siya sa grupo ni kuya sa pagsundo sa Royal Family.

"Pasensya na anak, sinundo namin ang ang tito mo eh. Pero totoo ba ang nabalitaan namin na nangyari sa mga Duchannes?" napatango ako sa tanong ni mama at maya-maya nama'y namataan ko si papa at tito na papunta sa amin. Sa sobrang tuwa ko ay patakbo akong pumunta kay papa at niyakap ito.

Kumpleto na ang pamilya ko!

"Dad!" Yumakap ito pabalik sa akin. Narinig ko pang tumawa si mama maging si tito na katabi lang ni papa.

Binati ko naman si tito ng maligayang kaarawan.

"Nasan si Travis? Akala ko kasama niyo? "tanong ko kay papa.

"Nauna kaming umalis para sana maghanda sa pagdating ng Royal Family, at ayon na nga ang nangyari, hinarang daw sila sa daan kaya rumesponde si Travis." muli akong napayakap sa kaniya, mabuti walang masamang nangyari sa kanila.

Hinila ko rin si mama para mayakap din na muli na naman niyang ikinatawa.

"Namiss mo talaga kami ng papa mo ah."

"Ahem." napabitaw naman kami ng yakap ng magsalita si tito.

Mabilis nagpaalam sina mama sa akin, medyo nalungkot ako sa parteng iyon.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kinagabihan din ay dumating na sina kuya at ang iba pang mga kawal na nakaescort sa Royal Family. Everyone were seemed to be astonished by the beauty of the Royal Family even myself.

Kasama ko sina mama't papa na magkahawak kamay, ate Meritt na karga ang tulog na si Darrel, si tita Elise na kayakap ang asawa nito, at ang iba pang miyembro ng konseho at mga heneral ng St. Helen sa paghihintay sa makapangyarihang pamilya. Punung-puno ng mga sundalo ang buong kastilyo at mula sa tarangkahan kung saan kami naghi-hintay ay tanaw namin ang parating na bulto ng mga kawal. Parang papunta lamang sila sa isang digmaan sa dami nila, most of the soldiers are from St. Helen who went to assist them right after the news was sent that the family were ambushed.

Pinagmasdan ko ang mukha ng mga kasama ko, si tita Elise at tito Timothy ay kakakitaan ng kagalakan base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Si mama't papa naman ay ganon din ang ekspresyon, mukhang galak na galak sila na makaharap on hand ang pamilya.

Nagulat pa ako nang hawakan ni ate Meritt ang kamay ko at pisilin ito, "The presence of the Royal Family on St. Helen will bless the city with prosperity." Bulong nito habang may malawak na ngiti ang makikita sa labi.

Tumigil ng ilang metro mula sa amin ang bulto ng mga kawal na parating taliwas sa nasa isip ko na tuloy-tuloy silang papasok at lalampasan kami. Parang nabingi pa ako sa paligid nang biglang ihipan ng isang kawal ang trumpeta na nagpapaalam na nandito na ang Royal Family.

Natahimik ang lahat sa tunog ng trumpeta at sunod-sunod na lumuhod ang mga tao bilang pagpupugay sa pamilya, ang lahat ng mga sundalo sa paligid ay lumuhod din at kagaya ng iba ay nilagay ang kanang kamay sa kanilang dibdib.

Bigla naman akong hinila pababa ni ate Meritt para lumuhod kagaya nila, nawala sa isip ko na kailangan ko ring gawin 'yon.

Ilang minute ring nakaluhod ang lahat nang may mga narinig akong mga yabag na sa tingin ko ay papunta sa direkyson namin.

Papunta sila dito!

Ilang saglit lang ay namataan ko sa aking peripheral vision ang pagtayo nina Tito kaya naman napatayo na rin kami ni ate Meritt, kasunod non ay nagsitayuan na rin ang lahat.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now