Part 5

405 25 0
                                    

***

"You're finally awake Darys, thank goodness. We were so worried of you, it such a good thing nothing worst had happened to you my dear." niyakap ako ng mahigpit ni tita sabay haplos sa mukha ko. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.

Nakakapanibago at medyo awkward sa pakiramdam dahil napakatagal na simula nang huling ginawa niya ito pero sa kabilang banda ay nakakatuwa rin na ganito parin siya.

"M-mom, baka 'di naman siya makahinga sa ginagawa mo." natawa naman si tita bago ito bumitaw sa akin. Kahit si tita ay sobra kong namiss.

"Oh sorry, natuwa lang ako at walang mas masamang nangyari sayo pamangkin. I missed you so much." muli ako nitong hinawakan sa mukha at hinalikan sa noo.

Napahagikgik ako sa paghalik ni tita sa noo ko. Ganitong ganito siya noong nakakadalaw pa ako dito, pero hindi ko na matandaan kung kailan ang huling eksaktong pagdalaw ko sa kanila dito sa St. Helen.

"By the way we've already told your parents about what happened. Humingi na ako ng paumanhin sa kanila at paumanhin din dahil sa nangyari sa inyo sa daan. For now, the council are investigating the incident and how the whites infiltrated us." hinawakan ako ni tita sa kamay at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. Hindi parin siya nagbabago, nakakamiss din talaga ang pumunta dito sa kastilyo.

"Salamat tita, pero hindi niyo na kailangang mag-alala pa. Besides, Travis really took good care of me." kinindatan ko ang mokong na bigla namang nag-iwas ng tingin.

"Mabuti naman kung ganon dahil kung hindi babalian ko yan ng binti." sabay pa kaming natawa ni tita.

Who would have imagined that after a couple of years ng hindi nakakadalaw dito sa St. Helen ay ganoon parin kainit ang pagtanggap nila sa akin. May iba kasing mga kamag-anak ako na hindi ko nabisita ng ilang taon at noong bisitahin ko na sila ay parang awkward na ang trato nila sa akin. It is very pleasing to have this kind of family.

"Hays. Oh siya lumabas na kayo ma, ako na bahala sa kaniya, magpapahinga pa siya." hinila ni Travis ang kamay ni tita at mabilis na sinamahan palabas ng silid. Natawa naman ako sa inasta niya, nakatanggap tuloy ito ng batok mula kay tita.

May mga sinasabi pa si tita pero pinagwalang bahala na lang ni Travis.

Bumalik sa tabi ko si Travis at tinuloy ang pagbabalat ng prutas.

"You see, mom have never changed. She still treats you the same way she treated you back then." nakatalikod ang upo nito sakin habang nagsasalita at nagbabalat ng prutas.

Inabutan ako nito ng piraso ng nabalatan na prutas. I was about to eat the fruit when he took one. Wala naman sa sarili kong pinanood kung paano niya kainin at lunukin ang prutas. He's really cute, habang tumatagal parang mas lalong guma-gwapo sa paningin ko ang kumag na 'to. But for no reason, I felt something strange.

'Thirst'.

Thirst for something.

Parang may kung anong bumubulong sakin. Bigla akong nakaramdam ng init, parang biglang natuyo ang hangin sa paligid. Naramdaman ko na lang bigla ang pamumuo ng pawis sa noo ko.

Anong nangyayari?

"Hoy nakikinig ka ba?" he snapped a finger on my face. Patuloy parin ito sa pagnguya ng prutas. Parang naging slow motion ang bawat pagkagat at paglunok niya ng pagkain. It feels like I am losing my control over myself.

"Hey ayos ka lang? Bakit parang nagpapawis ka?" dinantay nito ang isang kamay sa noo ko to check my temperature.

Napalunok ako ng sumagi ang balat nito sa balat ko. I felt a sudden spark with an unknown sensation.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now