Epilogue

269 19 10
                                    

"Hoy gising na dyan! Isusumbong kita sa mga kuya mo, batugan ka talaga."

"Uhmm! Inaantok pa ako!" hinila ko ang kumot pabalik ng may humila dito at nagtaklob muli.

Ang sakit pa ng mga mata ko eh!

"Tsk hindi ka na nagbago, bahalaka nga dyan. May mga bisita ka pa sa ibaba oh." nadinig ko na lang na nagbukas sara ang pinto at muli nang tumahimik ang kwarto.

Mabuti naman, antok na antok pa ako eh!

Kinakain na ulit ako antok ng may pumasok sa isipan ko!

"Bisita?" may mga bisita ako?

"Shet! Oo nga pala!" napabalingkwas ako mula sa pagkakahiga at patakbong nagtungo sa banyo!

"Ohmy! Tao pa ba 'tong nasa harapan ko?" napakamot na lang ako ng ulo ng makita ang hindi kaaya-aya kong repleksyon sa salamin.

Gulo gulo. May tumigas pang laway sa pisnge ko! Ewwww! Kailan pa ako nagsimulang maging ganito? So eww, this is not me!

Mabilisan na akong naglinis ng katawan bago dali-daling bumaba.

May mga naririnig akong nagtatawanan sa ibaba. Pero mostly mga tawanan nina kuya ang maririnig.

Naglingunan lahat sa kinatatayuan ko, natahimik silang lahat ng makita ako. Buong pamilya ang narito, si kuya Dillan, si kuya Darius at ang asawa niyang si ate Meritt na karga-karga si Darrel, sina mama at papa na magkaakap, si kuya Julius na may hawak na tasa na sa hula ko ay kape na naman.

Travis laughed when he saw me, "kita niyo kung gaano kabatugan? Naligo nga pero hindi man lang nagsuklay o nagpalit ng damit. Tsk." at bigla na namang nagtawanan ang lahat.

"Sabi na sa inyo papa eh, inlababo na si bunso!" biro ni kuya.

Inirapan ko na lang sila at hindi pinansin.

"Ma, may mga bisita daw ako?" wala akong makitang iba eh.

Nakakapagtaka naman. Teka, binibiro na naman siguro ako ng walangyang Travis na 'to!

"Is it a prank again?!" pinandilatan ko siya ng mata. Tumawa naman siya at nagpeace sign na sinundan ng tawanang muli!

"Arghhh!"

Napasabunot ako ng buhok at padabog na tumalikod sa kanila!

Oo nga naman, why did I even believed him again? Pang-ilang beses na ba niya itong ginawa sa linggong ito? Yeah, pang-apat na araw na ngayon linggo at pang dalawampu't limang beses na sa buwan na ito. He has been pranking me everyday and I always believe him! Hindi na ako nadala, tsk.

Napasampal na lang ako sa sarili ko.

Sino nga bang inaasahan kong bisita? Eh simula ng makauwi ako dito sa bahay ay walang dumadalaw sa akin maliban kay Travis. Tsk, as if naman pupunta siya dito. Hello, magkabilang dulo kaya ng mundo ang mga bayan namin!

"Bahala nga kayo dyan, nakakainis! Ang aga-aga!"

Binilisan ko ang paglalakad sa hagdan, hindi ko na sila pinansin nung tinawag pa ako. Nakakabwiset lang!

"Babe..."

"Huwag mo kong mababe babe dyan! Naiinis parin ako sayo!" diretso parin ako sa paglalakad paakyat sa hagdan. Nakakailang hagbang na ako ng matigilan ako.

Para akong kinilabutan. Nabato ako. Nanigas bigla ang katawan ko at nanlambot ang mga tuhod!

B-babe?

Tama ba ang narinig ko?

Maya-maya ay may naamoy akong pamilyar na amoy.

"L-lavander...."

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now